🎗Chapter 28🎗

55.7K 2.4K 197
                                    

Snow's POV

Sobrang dilim. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ko ang sobrang dilim ng gabi. Laking pasalamat ko lang din dahil umatras ang mga demons dahil sa atake namin. Pero hindi kami naging kampante, marami pa rin nakabantay sa labas at kami naman ngayon ay pansamantalang nagpapahinga dahil na rin sa pagod. Ramdam na ramdam ko dahil sa malaking enerhiyang nabawas sa akin. That was a hell job at kung ordinaryong tao lang ako malamang wala na akong malay tao ngayon.

Lahat ng mga tao ay nag-evacuate na patungo sa Palasyo. Malawak ang property ng palasyo at kanya kanya ang camp doon na itinayo ng mga kawal para sa mga refugees. Sigurado din ako na punong puno ang ospital ngayon at balita nga namin na may camping na rin para sa infirmary dahil hindi na kayang i-accomodate sa ospital ang mga biktima. Ganyan kalala ang nangyari at simula pa yan.

"Babe, you have to sleep." Mahinang usal naman ni Yuan sa akin. Kasalukuyang namamahinga kami sa isang bahay na inabandona na rin. Hindi namin kilala kung sino ang may-ari nito, but we have no choice. This is war and everything is fair, hindi na epektibo ang kriminalidad. Hindi kami sasampahan ng trespassing rito.

Napangiti naman ako sa kanya. He is telling me to sleep na halata naman na mas kailangan niya yun. Halata sa itsura niya ang pagod pero nanatili pa rin ang pagkamukhang arogante nito. Part of being aristocrat.

"I will, but you have to sleep now babe. You look awful." Sagot ko naman rito and I bit my tongue dahil sa salitang nagamit ko. 😣 Damn! Did I just said awful? Nasaan ang awful banda? Kahit pa siguro mamakyaw ito ng eyebags eh gwapong gwapo pa rin ito. In-born kasi ang pagkagwapo nito.

Napangiwi naman ito. Malamang ikaw ba naman ang sabihan ng you look awful kiligin ka pa kaya? "Do I look that bad already?" Ngiwing tanong nito sa akin. Mukhang big deal nga sa kanya ang sinabi ko.

Napatawa naman ako ng dahil dun. "Sorry, I mean you look tired already. Hindi awful, kahit i-search and rescue operation ko pa, wala akong makitang awful sa itsura mo babe." Sagot ko naman rito. Ayoko naman na isipin niyang ganun na talaga itsura niya dahil hindi naman yun totoo. Baliw lang talaga ako kung minsan.

Bumuntong hininga naman ito. "I don't want to look awful in your eyes. Baka iwan mo ako dahil pumapangit na ako." Parang bata na reklamo nito.

😳<< ako.

Seryosong usapan, nagugulat talaga ako pag ganyan si Yuan! Oo, dahil wala talaga sa karakter niya ang maging ganun. Hindi ko nga mapaliwanag kung ano ang tawag nun. Si Yuan kasi yung tipong walang pakialam kung ano pa ang itsura niya. Malamang, ikaw ba naman na guwapo sa lahat ng oras, masasanay ka talagang na walang pakialam sa sarili dahil hindi mo na worry kung maayos pa ba itsura mo.

"Tss. Nawala na nga memorya ko bumalik pa ako sayo. Kahit pa tone-toneladang eyebags pa yan sa mata mo, hindi kita iiwan." Nakangiting saad ko naman rito.

Napangiti naman si Yuan at akmang lalapit ito sa akin at alam ko kung bakit. Hahalikan na naman niya ako. Palipat lipat ang mata ko sa mga mata niya at labi. Alam mo yung feeling na papalapit yung mukha niya at ikaw naman ay pigil hiningang tinitingnan siya at napapakuyom ka na lang sa yong mga kamay at lahat ng mura natawag mo na sa isipan mo? Haha ganun ako ngayon. Syet lang talaga, bakit kasi kailangan dahan dahanin pa kung pwede naman sungab na lang kaagad? Hahaha napaka-aggressive ng ideyang yun.

Pero bago pa lumapat ang labi niya ay biglang napapiksi na lang ako. Lahat ng balahibo ko ay nagtayuan ng maramdaman ko ang nakakapangilabot na enerhiya. Pakiramdam ko ay hinihigop ang kaluluwa ko at biglang nahirapan akong huminga at biglang uminit ang katawan ko.

"Y-yuan..." Naianas ko ng maramdaman ko ang pagpapawis kaya napahawak ako sa mesa at mahigpit na napakapit doon. Habol ko ang hininga ko at pakiramdam ko ay naglilitawan ang mga ugat ko. Nagsimulang sumakit ang bawat sulok ng katawan ko.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon