🎗Chapter 37🎗

56.3K 2.5K 585
                                    

Snow's POV

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Simple lang naman ang katanungan ni Yuan pero parang ang hirap sagutin nito kasi masakit. Kitang kita ko sa mga mata niya na hindi niya ako kilala. Ganito ba ang naramdaman ni Yuan dati noong nawala ang ala-ala ko? Yung nakalimutan ko ang lahat? Ito na ba ang kabayaran ko sa pagmamaldita kay Yuan? Noong naging makitid ang utak ko sa pag-intindi? Parang sobra naman ata dahil parang buong mundo ay kinalimutan ang dating ako. Pero kinalimutan ba talaga ako? O talagang hindi lang niya ako kilala? Ang daming katanungan na pumapasok sa utak ko habang nakatingin ako sa kanya. Sa totoo lang kanina pa gustong kumawala ang mga luha ko pero pinipigilan ko lang. Ayokong makita niya kaagad ang kahinaan ko. I wanted to look fine in front of him.

"I am asking you. Who are you and what are you doing here?" Ulit na tanong nito sa akin at may dagdag pa talaga.

"A-ah, I'm sorry..... I had a m-major headache being close with huge crowd so I went here." Sagot ko rito na talagang nagkandabulol-bulol pa talaga ako sa pagsasalita. His expression did not change. He's still frowning like he is angry on something and yeah I forgot he asked me for my name. "I a-am Snow B-brielle S-sylveria." Bakit parang ang hirap bigkasin ng pangalan ko? Kelan pa ako naging maikli ang dila? Crap! His effect on me is way too much!

"Are you a student here?" Tanong pa nito at naging halata ang kalituhan sa mga mata nito.

NakaID ako diba? Kailangan pa ba yun tanungin? Pero tumango na lang ano sa naging tanong niya para kumpirmahin yun.

"You're not like with this people here. You must be enrolled in Volks." Saad pa nito.

Crap! Nakita niya? "You saw it?" Tanong ko pa talaga kahit abvious na.

"Yeah, from the beginning." Sagot pa nito.

Kung ganun naman pala, bakit hindi man lang siya nagsalita kanina? Hinintay pa talaga niya matapos yung experiment ko? He was watching me the whole time? Ano naman ang trip nito? Tss, hindi pa rin nagbabago ang taong to. Kung ano siya sa panaginip ko, ganun pa rin siya. Abnormal.

"I........ Didn't know that I have an ability." Sagot ko pa rito. "I just, discovered it." Saad ko rito dahil totoo naman eh.

Tinitigan niya ako kaya bigla naman akong nailang at inilihis ko ang tingin ko. I don't know why he is looking at me that way. May nagawa ba ako?

"Then you should be transferred to Volks Academy. Process your papers." Utos nito at bigla na lang akong hinawakan nito sa kamay at kinaladkad! Yes! Holyshit! He is dragging me like a rag-doll!

"H-hey! Stop it! L-let go of me!" Asik ko. Kahit mahal ko itong taong to eh syempre hindi naman pwede ang ginagawa niya sa akin. Aba eh ang rahas naman ng pagkakakaladkad niya sa akin. Yung tipong parang ang laki ng kasalanan ko. "I said stop it!" Bulyaw ko na at ipiniksi ko ang aking kamay kaya nabitawan niya ako. Hiningal naman ako dahil sa mabilisang lakad na yun.

He turned to me at nandoon naman ang kunot noo niya na nila isa akong puzzle na sinosolve niya.

"You insolent being." Biglang saad nito na tila galit pa! Ako na nga itong kinaladkad siya pa itong galit! Di ba dapat ako yung galit at hindi siya? Nasaan na ang hustisya dito?

"W-what!? You called me that? Who do you think who is worthy to be called with that word? I answered you properly and then what? You just dragged me like I am some sort of a rag? Aren't you being too blinded with yourself not to see your own flaws?" Pigil na bulyaw ko rito. I am forcing myself to calm down. Pilit kong sinasaksak sa isipan ko na talagang ganito itong si Yuan. Walang modo kahit kailan, bakit hindi pa ako nasanay?

"How dare you speak with that tone over me." Kitang kita ko na rin ang pigil an galit nito. Mukhang hindi talaga nito nagustuhan ang pagsagot ko rito.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon