🎗Chapter 36🎗

56.5K 2.6K 373
                                    

Snow's POV

Hindi magkamayaw ang mga estudyante sa University. Hindi ko nga alam kung kelan nila isinabit ang mga banderitas sa taas ng bawat sulok ng school. Lahat din ng mga estudyante doon ay iisa lang ang topic. Ang visitation na magaganap ngayon. Kahit ang mga faculty nga ay pakalat kalat dahil marami din ginagawa ang mga ito. Yung totoo eh wala talaga kaming klase ngayon kaso kailangan namin pumunta dahil nga sa event. Hindi sana ako pupunta dahil nagbago na ang isip ko sa visitation kaso malalagot naman ako sa attendance. May clearance pa naman sa SBO sa finals na kailangan eh perfect attendance sa mga events.

Magkasama kami ngayon nina Mikaella, Ria at Clark. It's funny but we ended up as group of friends. Game naman kasi si Clark at kahit out of this world ang kagwapuhan nito, hindi ito mapili sa kaibigan basta according from him basta mabait at hindi malandi hahaha. Kaloka lang, buti at hindi umaandar ang kalandian ni Ria kasi pansin ko hindi niya bet si Clark kasi sabi niya sobrang gwapo daw na nakaka-insecure dahil magmumukha daw siyang katulong kung katabi ito. Kaya hayun, hindi pa nga namuo, nawala na.

"Bakit pala hindi ka kasama sa welcome comittee Snow? Di ba mga muse ang sasalubong?" Tanong pa sa akin ni Mikaella.

"Yeah, I am wondering too." Saad naman ni Clark.

Sasagot na sana ako pero naunahan na ako ni Ria. "Ayaw niya. Sinabihan ba naman yung class president namin na hindi daw siya interesado sabay layas, kaya hayun yung presidente namin ang sasalubong. Di ko keri ang katarayan niyan pag may sumpong eh." Paliwanag naman ni Ria sa dalawa.

Napapailing na lang si Clark na napapangiti. "You should have welcome the visitors so that they can see what we have and what they don't." Saad naman ni Clark na medyo naguluhan pa kami sa sinabi nito. Nahalata naman nito ang pagtataka namin. "I mean, she's absolutely pretty and beautiful and I doubt if they are prettier than this uninterested lady here."

I rolled my eyes dahil sa sinabi nito. Buti naman at hindi nagseselos itong si Mikaella dahil kung ako siguro sa lagay niya eh sasama na talaga loob ko. Sino ba ang may gustong yung boyfriend mo magsasabi na napakaganda ng isang babae. It was a slap on a girlfriend's face at nakakababa ng self-confidence. Pero parang wala lang naman dito.

"Wala naman pakialam si Snow kung maganda siya o hindi, dahil kung hindi siya interesado, hindi talaga siya interesado." Komento naman ni Mikaella.

"Korek!" Sang-ayon naman ni Ria.

"Tss. Wag niyo na gawing isyu ang itsura ko." Komento ko na lang.

Dito lang kami sa four seater table na may payong sa school ground. Marami ito dito ay occupied na rin ang mga upuan. Marami ang panaka-nakang tingin sa amin pero hindi na namin yun pinansin pa. Napapasimangot pa nga si Mikaella dahil sa mga babaeng malagkit makatingin kay Clark na mukhang wala naman paki sa mga babaeng tumitingin dito.

Biglang naging magulo ang mga estudyante at may nagtatakbuhan pa patungo sa gate entrance. May mga tumitili pa nga.

"They are here." Saad naman ni Ria na biglang humaba na ang leeg sa kakatingin na hindi naman abot ng tingin namin.

"Should we go there?" Naitanong ko pa dahil tinatamad akong pumunta roon.

Umiling naman si Clark. "We don't have to." Sagot naman nito.

"Aw, sayang naman." Naisaad naman ni Mikaella.

Napatingin naman si Clark dito. "Wanted to go there Hon?" Tanong pa nito.

"Ah hehehe no, solve na ako rito." Nakangising sagot naman ni Mikaella.

"Good answer Mikaella, dahil baka tsansingan lang yan si Clark kung sasali tayo sa kumpulan dun." Sabi pa ni Ria na sabay nguso nito sa dereksyon ng gate entrance.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon