🎗Chapter 24🎗

60.1K 2.5K 918
                                    

Yuki's POV

"Bes, punta muna ako sa library. Kailangan ko talagang ireview yung PC2." Paalam ko kay Snow. Kailangan ko talagang magreview dahil medyo nahirapan ako doon sa conversion ng ability into a different element na connected pa rin sa element ko. Gusto kong matuto dahil syempre ang galing ni bes tapos ako hanggang ngayon Eudora pa rin hehehe.

"Sige bes, balik na lang ako sa dorm inaantok ako." Saad na lang din sa akin ni Snow na tila walang magawa.

"Sige bes, mamaya na lang. Laro tayo ML." Paalam ko rito at tumakbo na ako papuntang library. Medyo malayo din eh.

Wala naman kasi akong makakasama sa library dahil sila Mikaella nagpapractice dahil sa physical combat sila nangungulelat pati yung kambal sinasanay yung kakayahan nila dahil malaking pakinabang yun. Tahimik lang akong papuntang library at ng makarating ako ay nagbadge lang ako g I.D at nakapasok na ako.

Hindi naman marami ang estudyante sa library dahil nga halos mga estudyante dito ay may sariling mini library sa mga kuwarto nila kaya naman hindi gaanong pinupuntahan ang library. Ako naman, may mga libro ako pero hindi naman kompleto kaya kailangan ko pa talagang pumunta dito sa library.

Agad na pumanhik ako sa PC corner at doon nakalagay ang libro lahat tungkol sa Power Control. Kaya naman ay inisa-isa ko ng tingnan ang mga libro.

"Conversion....... Conversion........ Conversion........" Sorry ganito talaga ako parang chinachant ko yung words para mahanap ko ang libro. "Conversion... There you are!" Sambit ko.

Medyo may kataasan ang libro at hindi naman halata na hindi ako katangkaran di ba? Kaya pinipilit kong abutin ito pero malas. Bakit ba kasi ako binigyan ng maliit na height? Pero bigla na lang may kumuha sa libro na pilit kong inaabot kaya agad ko naman nilingon ito para magpasalamat. Pero nagulat naman ako ng makita kong si Jin yun.

"Ah..... Eh..... Hehehe thank you." Tanga! Bakit biglang naging engot ako sa harap nito? Nakakahiya.

Tiningnan naman ako nito na parang nagtataka. "You're there? Tss, I thought you are a ladder." Biglang saad nito sa akin.

😳<< ako.

Parang nagloading at nag buff yung utak ko sa mga sinabi niya. Ano daw ako? Akala niya hagdanan ako? Hagdanan? As in? With this oozing sex appeal body? Mukha akong hagdanan? Kaya naman ay biglang naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Oo! Crush ko siya pero hindi ibig sabihin eh bullet proof na rin ang puso ko at hindi masasaktan sa mga sasabihin niya.

"A freaking ladder? You need to go to your optic doctor and have your eyes check. Now, give me the book." Masungit na saad ko na saad rito. Aba hindi porke crush ko siya eh palalampasin ko na siya. Nakuuuuuu, hindi talaga pwede.

Kumunot naman ang noo nito at tiningnan ang librong hawak nito at tsaka ibinalik niya sa akin ang kanyang tingin. "I need this. Get your own." Saad nito at bigla na lang nagwalk out sa harapan ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Anak ng tokwa! Buti sana kung may ibang copy pa ang libro kaso iisa lang yun dito. Buwiset na Jin na yun! Kitang ako ang nauna tapos biglang aagawin niya?! Akala ba niya eh papayag ako? No way! No freaking way! Kaya naman ay hinabol ko ito at papalabas na ito ng library. Syet, ang bilis maglakad ng ugok na yun. Nakalabas na ako ng library at tanaw ko itong confident masyadong naglalakad at may mga iilan na estudyante na nakatingin rito at kinikilig pa. Napasimangot naman ako ng dahil doon.

"Hoooyyy! Jin! Ibalik mo sa akin yang pesteng libro! Magnanakaw!" Sigaw ko rito at tinakbo ko na ito.

Biglang napatingin naman sa akin ang mga estudyante at biglang may mga nagbulungan na hindi ko na napansin kung ano man yun. Ang mga mata ko ay nakatuon na kay Jin na ngayon ay napahinto sa paglalakad at humarap sa akin at muntikan pa akong mapahinto sa pagtakbo ng makita ko ang mukha nito sa sindilim na ata ng black tshirt ko. Syet galit! Pero hindi ko ipinahalata na natakot ako bigla. Siya nga itong nauna at ininsulto pa ako nito tapos ngayon magagalit siya? Tss.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon