🎗Chapter 31🎗

54.9K 2.5K 315
                                    

Mikaella's POV

Hindi ako mapakali dito sa refugee's area. Ito na ang kinatatakutan namin ng kambal, dumating na ang araw na nakita ni Beberlyn. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maitulong para mapigilan ang propesiya. Ano pa kasi ang silbe ng pagtatago namin dito kung ang ending naman ay mamamatay kaming lahat.

"Beberlyn..." Untag ko rito. Abala ito sa paggawa ng kung anu-ano na hindi ko na nga napansin kung ano yun dahil abala na masyado ang utak ko sa kaiisip.

Lumingon naman ito sa akin. "Ano?"

"Tumakas tayo." Suhestiyon ko agad rito.

Agad naman itong napatingin sa paligid kaya napatakip naman ako sa bibig ko. Baka kasi may makarinig sa amin, bawal pa naman ang lumabas dito dahil delikado na sa labas.

"Nasisiraan ka ba Mikaella? Ano susugod tayo dun? Anong magagawa natin? Ni hindi pa tayo magaling sa labanan." Nandidilat na sagot sa akin ni Beberlyn.

"Pero Beb, hahayaan lang na natin itong mangyaring lahat? I know we can do something. At ano pa silbe ng pagtatago natin dito kung nakatakda naman na mawala tayong lahat." Reklamo ko rito. Di ko mapigilan ang mainis dahil sa tingin ko ay naduduwag na itong si Beberlyn. Ayaw pa akong suportahan.

"Alam ko, pero isipin mo paano tayo makakatakas rito? Baka nga pinagpaplanuhan pa natin eh alam n nila." Sagot naman kaagad nito.

"Pero kailangan natin gumawa ng paraan." Frustrated na saad ko rito.

"Hoy, anong problema niyo?" Biglang sabay naman ni Fhevy na may dalang snacks ito ngayon. Mukhang galing ito sa food area. Umupo naman ito katapat ko at inilatag nito sa mesa ang dalang snack at nag-offer pa sa amin pagkatapos nitong buksan yun.

"Fhevy, kailangan natin makatakas rito." Paalam ko rito.

Mukhang nagulat naman ito at pagkatapos ng natuwa pa. "Ay, gusto ko yan! Sa totoo lang, naiisip ko yan kahapon pa." Sagot naman nito sa akin na siyang ikinagulat ko.

Nakamaang na nakatingin ako sa kanya at hindi ko mapigilan magtanong. "Bakit?"

"Syempre, this is the great war, wala na dapat exemption at kailangan natin tumulong. And I've seen it how horrible it was. Maraming patay sa labas and the Knights are having a hard time pushing back the demons." Sagot naman nito at kumain ito ng snack na nagdulot ng ingay habang ngumunguya ito.

Boooooom!

Biglang napatingala na lang kami ng marinig ang pagsabog na yun sa ibabaw. Nagulat na lang kami ng makita ang maraming itim na nagliliparan sa taas at bumubuga ang mga ito ng itim na apoy.

"Oh my gosh, are those dragons?" Biglang naitanong ni Beberlyn. "Oo dragon nga!" Siya lang din ang sumagot sa tanong niya.

Tama si Beb. Dragon nga ang umaatake pero demons ang mga ito dahil maiitim ang mga ito at pula ang mga mata. Pero naging dahilan din yun para magpanic ang lahat. Kitang kita namin kung paanong nagsigawan at takbuhan ang mga tao na agad naman kinontrol ng mga kawal. Karamihan ay agad na nagtakbuhan patungo sa kagubatan para magtago. Kami, hindi man lang nakagalaw at para kaming mga tanga na nakatingala.

Pero nagulat na lang din kami dahil biglang may dumating din na nagliliparan pero makukulay and this time they are dragons! But not demons! Kitang kita ko kung paano nilang inatake ang mga demons. They are dashing and bitting. Some did burst flames at naging magulo ang kalangitan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng dragons! I thought they are just myth dahil matagal na silang extinct. But now, there are hundreds of them flying out!

"Holyshit. Those are the real deals." Naisambit naman ni Fhevy. "But, this is the time we need to escape Mikaella." Agad na untag nito sa akin.

Napatingin naman ako rito at tinanguan ako nito. Nilipat ko naman ang tingin ko kay Beberlyn at wala na nga itong choice kundi ang sumama. Agad na sumabay kami sa takbuhan at gulo ng mga tao. Dahil nga sa kapangyarihan ni Beberlyn ay madali namin natahak ang daan palabas at walang nakakapansin sa amin dahil nagkagulo na ang lahat. Pero yung totoo, damn it! Hinihingal ako! Hindi pa rin ako sanay sa ganitong takbuhan! Hindi pa naman ako ganun ka tagal sa training kaya hindi pa ako sanay. Kitang kita rin sa aking mga mata na hinihingal din ang kambal pero ni isa ay walang tumigil sa pagtakbo.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon