🎗Chapter 45🎗

70.2K 3.2K 771
                                    

Snow's POV

Yung totoo? Hindi ako mapakali dahil ngayong araw na darating ang mga magulang ni Yuan. The fact that they are the king and queen in Pandora. As I remember, his mother is a bit.... You know, I really don't like remembering it pero kung sana lang eh naaalala nila ako, hindi na ako kakabahan ng ganito. Since the recreation, back to zero kami at baka maulit lang ang lahat tulad ng dati na hindi ako nagustuhan ng mama ni Yuan. Crap! Parang luluwa na nga puso ko sa kaba kahit hindi pa sila dumadating. Nandito nga din ang lahat ng mga estudyante sa amphitheater at marami din mga kawal at may media pa para i-cover ang mga mangyayari.

Well, I understand because this is not a usual phenomenon na darating ang dalawang royal families ng Pandora and take note na magkalaban daw ayon sa history. If they only knew, they are just a mere creation at ang tunay na royal family dito eh ang mga Versailles. Hindi ko maisip kung ano ang magiging kahinatnan. Isa lang ang sigurado ako, ngayon na ipagpalaban ni Fhev ang kanyang gusto at hindi naman ako sigurado kay Yuan dahil sabi niya kinausap na niya parents niya pero wala naman sinabi ang mga ito na pumayag o umatras.

"Bes, usap usapan sa buong Academy ang tungkol sa inyo ni Yuan." Untag naman ni Yuki sa akin. "Hindi ko akalain na may namamagitan pala sa inyo. Masyado kang masekreto."

Napabuntong hininga naman ako dahil dito. Yeah right. Isa pa yan sa pinoproblema ko dahil ang daming babae na ang sasama ng tingin sa akin at ang tingin sa akin ay mang-aagaw. Maraming kumampi kay Fhev kahit wala naman mga alam. I was labelled as a snatcher. O di ba? Kaloka lang, criminal offense kaagad eh wala naman silang alam. Kung makajudge eh, talo pa nila yung bubblegum. Mga buwiset.

"May namamagitan na sa amin Bes, matagal na...." Sagot ko naman rito. Ano pa ang purpose ko para magdeny? Jusko malapit na ending denial pa ako? Wahahahahaha.

Nanlaki naman ang mga mata nito. "As in? Eh paanong wala kaming narinig tungkol sa inyo? Ni walang binanggit si Yuan at payag pa nga siyang magpakasal dati kay Fhev." Di makapaniwalang tanong nito sa akin.

Parang uminit naman ang ulo ko sa sinabing payag nito. Pero natural di ba, artificially implanted lang ang memories nila? So basically hindi naman talaga yun nangyari kaya, ikakalma ko lang ang sarili ko dahil pagod na akong magbeastmode tsaka kailangan ko ng lakas ng loob ngayon dahil sobrang kinakabahan ako.

"Our relationship was a secret, Yuki. And now that I am here, the cover was blown just because of jealousy." Sagot ko naman rito.

Napangiwi naman si Yuki. "Oo nga. Nabalitaan ko rin na na-ospital si Carlisle dahil kay Yuan. Aba, hindi ko akalain na matindi pala yung magselos... Pero mas ikinagulat naman namin na iba din pala ang mahal ni Fhev... Ang galing din magtago ng sekreto ng babaeng yun ah."

"They are just caught with their responsibility...." Sagot ko na lang dito.

"Pero mabuti na rin yun, hindi ko talaga feel si Fhev para kay Yuan. Walang chemistry eh, ewan ko ba. Tapos may pagka war freak pala yun... Naturingan pa naman na prinsesa." Saad pa nito na nagkuros pa ng braso at nakakunot ang noo.

"Tss. Ano ba ang problema mo kay Fhev? Mabait yung tao, talagang naging ganun lang siya dahil pina-iyak yung kapatid niya. Kahit naman siguro ikaw di ba? Kung makikita mo akong umiiyak dahil may umaway sa akin, tatayo ka lang ba? For sure baka ingud-ngod mo rin ang babaeng nanakit sa akin." Sita ko pa rito. Kawawa naman kasi si Fhev. Maldita nga yon pero mabait naman yun kung kikilalanin mo. Ginagawa niya kasing kontrabida si Fhev.

"Sabagay may point ka, baka hindi nga lang ngud-ngod gagawin ko. Tatapyasan ko pa ang mukha." Saad nito ang ngumisi pa talaga.

"Tingnan mo nga mas morbid ka pa sa akin eh."

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon