🎗Chapter 30🎗

58.3K 2.3K 495
                                    

Snow's POV

"Umatras?" Yan ang naging tanong ni Avis sa puno ng hukbo.

Lahat kami ay nagtataka ng biglang umatras ang mga demons. Are they planning something? Umagang-umaga pero biglang nawala ang mga demons at ngayon ay ang mga natira ay pawang wasak na lugar. Marami din ang mga bangkay na nakukuha at ngayon ay binigyan ng ritual dahil sa pagkamatay ng mga ito.

"We don't know what happened my lord, but they ceased." Sagot pa nito na napag-alaman ko na ang pangalan pala ay Caesar. It sounded like an emperor of Rome.

Nakikinig ako sa usapan pero naiilang naman ako. Even without looking ay ramdam ko ang pares ng mga matang nakatitig sa akin. Pinilit ko ignorahin ang mga yun kahit inaagaw nito ang atensyon ko.

"But the blood moon appeared." Saad naman ni Violet.

Tama. Kahit ang araw ngayon ay may itim na ring sa gilid, senyales na simula na ang pulang buwan. Tatagal ito ng tatlong gabi where the demons are the strongest. Hindi ko alam kung mananalo pa ba kami sa digmaan na ito. Nakikiayon kasi ang panahon sa mga demons.

"Malaki ang posibilidad na sa gabi ang atake nila kung saan sila pinakamalakas." Sagot naman ni Luna.

"Right." Komento naman ni Jin. "Caesar make sure our men has the proper sleep during the day. We need our strength at night." Mahabang turan nito.

Wow. Eighteen words yun ah! Ang haba ng sinabi niya! Nakakapanibago.

"Masusunod, General." Sagot naman ni Caesar.

Agad na umalis si Caesar at tumungo ito sa lupon at nagbigay ito ng instruction. Agad na marami ang nabawas sa mga bantay pero meron pa rin natitira. Pinakiramdaman ko ang paligid and I even wide the range of my receptor, pero wala akong nararamdaman na kilabot. So basically, the demons ceased. Kaya para panigurado ay ikinumpas ko ang kamay ko para bumuo ng shield sa buong sentro para kung may atakeng mangyayari ay agad na malalaman ko.

"Magpahinga muna tayo." Yaya sa amin ni Yuki. "Snow may dala akong mga damit mo. Pumunta ako sa bahay niyo." Saad naman nito.

Ngayon na sinabi nito ay naalala ko bigla si Papa na talagang nawala sa isipan ko.

"Shit, hindi ko pa nakakausap si Papa." Naisambit ko at naitakip ko pa ang kamay ko sa bibig ko.

"Nasa bahay pa siya Snow, nandoon din kasi sila Papa at Mama." Sagot naman nito.

Hindi na ako nag-atubili at agad akong nagteleport patungo sa amin. Isang iglap lang ay nasa harap na ako ng gate namin. Wala akong nakikitang gulo o wasak sa parte ng village namin. Malamang dahil malayo ito sa atake. Agad na pinindot ko ang door bell at isang minuto ang lumipas ay agad na nakita ko na sumilip ang katulong namin na si Verna. Nanlaki ang mga mata nito at agad na binuksan ang gate.

"Seniorita!" Di makapaniwalang bati nito sa akin.

"Hello, Verna!" Bati ko rito. Alam ko kung bakit ganito ang reaksyon niya. Syempre alam ng mga ito ang pagkawala ko.

Agad nitong isinarado ang gate ng makapasok ako at naunang tumakbo ito papasok at sumisigaw na nandito na daw ako. Di ko naman mapigilang ngumiti ng makita ko na humahangos sa may pintuan ang iba pang mga katulong sa bahay. I even saw my step family na ngayon ay bakas ang gulat sa mga mukha.

"Snow?!" Biglang sigaw ni Papa na kakalabas lang sa pintuan at halatang galing itong tumakbo.

"Papa!" Sigaw ko rin at payakap na sumugod ako rito. Hindi ko na napigilan na mangilid ang luha ko. I miss him, so much at hindi man lang ako nakalabas ng Academy dahil strict ang rules doon sa paglabas. Alam ko din na naging busy si Papa sa negosyo niya.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon