🎗Chapter 23🎗

61.4K 2.6K 405
                                    

Snow's POV

Halos lumipad na ang isang kilay ko pataas dahil sa nakikita ko ngayon sa taong prenteng nakahiga sa aking kama. Kalalabas ko lang galing banyo dahil naligo ako at matutulog na. Pero ng makalabas ako ay may mapangahas na naman at confident na nakahiga sa kama ko na feeling niya eh sa kanya yun.

"What are you doing?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanya.

He glanced at me then a smile form on his lips. "I'm gonna sleep here." Walang kagatol gatol na sagot nito.

"At sino naman ang nagbigay ng pahintulot sayo aber?" Aba anong akala niya rito slumber party? May sleep over pa siya mng nalalaman.

"I don't need permission. I wanna sleep with you babe." Sagot pa nito na wala man lang kahiya-hiya.

Ako pa talaga ang nakaramdam ng hiya rito. Nak ng potek, baligtad na talaga ata ang mundo ngayon. Sigurado akong sambakol na ang mukha ko ngayon dahil sa ginagawa nito.

"Yuan, you can't sleep here. Go to your room." Kalmadong bugaw ko rito. Alam ba niya ginagawa niya? Nak ng tipaklong at talagang topless pa ito ngayon kaya kitang kita ko ang shit ba malagket na mga pandesal nito. Huhuhu, katatapos lang ng dinner namin tapos may pandesal ng nakalatag dito sa kama ko. Ano to? Advance breakfast? Its a torture! 🤗

"Babe, I wanna be with you........" Mahinang usal nito na pakiramdam ko ay parang ang tagal naming hindi nagkita. He is looking at me with pleasing eyes na pakiramdam ko ay tinutunaw ako.

Napalunok ako rito. Alam mo yung nagtatalo ang isip mo sa tama at mali? Yung gusto mong sundin ang tama pero tinutukso ka ng mali? Hahaha. Yung totoo, natatakot ako dahil baka san humantong ito. Malakas pa naman ang pakiramdam ko na itong si Yuan eh..... Basta hindi ko kayang sabihin. Paano ba naman kasi, malambing na nga ito kahit maraming tao, paano pa kayang kami na lang dalawa sa loob ng silid na walang kusina. Haaaaysss.

"Yuan, ano na lang ang sasabihin nila na dito ka natulog?" Nayayamot na saad ko rito.

"I don't care." Agad na sagot nito na napasimangot pa.

"You don't care? But I care! Baka kung ano pa isipin nila sa akin, Yuan naman ohhh." Konti na lang talaga at maiiyak na ako. Syempre ayokong isipin nila na kung anong uri akong babae at ijujudge nila ako agad without letting me defend myself.

Bumangon naman ito sa kama ko at lumapit sa akin. Biglang napaatras naman ako. Syet, please wag ganyan. Pwedeng magdamit ka muna po? Pakiramdam ko ay biglang pinagpawisan ako kahit malakas yung aircon. Partida, kakaligo ko pa lang din.

"Babe..... They won't care..... I just wanna be with you..... Wala akong ibang gagawin but to sleep, I promise." Parang nahihirapang saad nito sa akin with his pleasing eyes. He is like a puppy pleading.

Ako naman ang nakonsensya ngayon. Ako pa yata ang lalabas na walang puso dito. Tss, bakit ba ang hirap tiisin ng bakulaw na to? Aiisssh.

"Oo na! Basta matutulog lang ah." Nakangusong saad ko rito. Syempre, hindi pa ako prepared isuko ang perlas ng silanganan ko. Kasal muna bago yun.

Biglang ngumisi naman ang mokong at gusto ko naman itong bigwasan. Kanina para itong tuta kung magpaawa effect ngayon naman parang asong ulol na kung makangisi. Nilinlang ako ng walanghiya!

"Come on, let's sleep babe." Hinila na nito ang aking kamay papuntang kama na halatang excited pa masyado.

Wala na akong nagawa. Nakangusong pumanhik na ako sa kama at ipinuwesto ko na ang aking sarili. Si Yuan naman ay agad na humiga pero agad naman na pumalibot ang kamay nito sa aking bewang and he pulled me closer to him. I can feel his hard chest and his heat. I felt his chin on my head. Aaminin ko man o hindi pero ang sarap sa pakiramdam yung ganito. It feels very familiar na parang hindi ito ang kauna-unahan na nangyari ito or maybe sanay na lang talaga ako sa kanya.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon