🎗Chapter 26🎗

61.6K 2.3K 142
                                    

Snow's POV

We are currently running inside the thick forest within the academy premises. Nawala kasi sa isip ko si Silvan. Hehehe, hindi ko pa kasi siya nakasanayan kaya sa dami ng pangyayari nawala siya bigla sa isip ko. Kung hindi pa ako niyaya ni Yuan ay hindi ko man lang ito naalala.

"Babe, is it really okay to visit Silvan?" Tanong ko uli rito. Sa totoo lang kinakabahan ako dahil hindi pa ako sanay rito. First encounter ko sa kanya eh yung dinaganan ako then wala ng sumunod.

Ngumiti naman si Yuan at nakatingin ito sa akin habang tumatakbo.

"He misses you a lot. But he understands your situation." Sagot naman ni Yuan sa akin.

Hanggang ngayon parang hindi pa rin ako makapaniwala na akin si Silvan. Biruin niyo, isa yung mystical beast. Paanong naging akin yun? Sabi nila binigay daw yun ng reyna sa akin, pero bakit naman ibinigay ang isang ganoon kaimportanteng bagay?🤔 haist, bahala na nga.

Di naman nagtagal ay agad kaming dumating sa malawak na lugar at may malaking bahay nga dito na similar sa dog house pero sobrang laki nga lang nito.

Mommy? Agad na dinig ko at nakarinig agad ako ng mabibigat na yapak mula sa kung saan. Agad naman na naramdaman ko ang aura nito at nakita ko kaagad ito na lumabas sa mayayabong na mga puno. He's dashing with his white fur.

"Silvan." Saad ko. I manage not to stutter.

Mommy! Daddy! Masayang saad nito at agad itong tumakbo papunta sa amin.

Daddy? Pero agad naman akong napatingin kay Yuan. Si Yuan ba ang tinatawag na daddy nito?

"He's calling you daddy?" Nagtatakang tanong ko rito. Bakit naman naging daddy ito ni Silvan?

Tumango naman at ngumisi ito sa akin. "You said before, Silvan was calling me Daddy and as you can see he treats me like one." Sagot naman nito sa akin.

Lalong kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. "At bakit ka naman tatawagin niyang daddy?"

"Hhmm... because, you are his mommy so that makes me his daddy." Simpleng sagot nito sa akin na tuwang tuwa pa talaga dahil itinuturing daddy siya ni Silvan. Dapat pa nga mainis siya dahil ibig sabihin, mukha siyang aso hahaha.

But seriously? Parang sinabi lang nito na nakikiship din itong si Silvan. Ano ba ang alam ni Silvan sa mga kaek-ekan ng mga tao?

Mommy, he is my daddy. Daddy loves you. Daddy loves me too, because mommy loves me. Sagot naman ni Silvan sa akin.

Namula naman ako sa sinabi ni Silvan. Feeling ko tuloy eh nagpapanggap lang itong si Silvan na wolf eh pero talagang tao ito at manunudyo lang. But somehow, I felt relieve knowing Yuan can't hear him dahil parang hindi ko yata kaya na marinig yun ni Yuan. Nakakahiya lang talaga. Iisipin ko pa lang ang magiging ngisi ni Yuan ay parang piniprito na ako sa kumukulong mantika.

"How are you baby? I'm sorry, I've been busy these days and wasn't able to visit you." Saad ko naman at kinagat ko pa ang dila. Syempre may halong kasinungalingan yun dahil ang totoo, talagang nakalimutan ko lang dahil hindi pa ako sanay. Pero malamang kung bumalik ang ala-ala ko hindi na magiging ganito.

It's fine mommy. I know you are coping from a lot of things. I am also busy training. Sagot naman nito sa akin na ikinakunot naman ng noo ko.

"Training?" Anong pinagsasabi nito?

I need to be strong..... I wanna be awesome like you mommy. Sagot pa talaga nito pero pakiramdam ko ay may ibang dahilan pa dahil sa bahagyang pagtigil nito sa salita pero hindi ko na lang yun pinansin pa.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon