Chapter Twenty Two

403K 12.6K 5.8K
                                    

SASKIA

Tahimik na pinanood ko si Migs na ikinawit ang suot niyang amerikana jacket sa silya sa tabi ng kama ko. Sinunod niya naman tanggalin isa-isa ang butones ng pang-itaas niya. Naramdaman ko ang pag-init ang magkabilang pisngi ko kaya agad akong nagbaba ng tingin. Lumunok ako ng maramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko.

Ginabi na kasi siya dito sa bahay namin, nag-usap pa kami tungkol kay Hazel at sa baby namin. Hindi ko man maintindihan yung ibang english niya, naiintindihan ko naman kung gaano siya nasaktan sa nangyari sa relasyon nila ni Hazel. Alam ko din kung gaano niya kamahal ang baby namin at sinabi niya na wala siyang hindi gagawin para rito. Maaaring marami siyang naging maling desisyon bilang lalaki, kasama na ako sa maling desisyon na iyon, pero wala akong maipipintas sa pagiging ama niya sa anak namin na hindi ko pa man naipapanganak.

Hanggang sa nagkaayaan na kami na dito na lang siya matulog dahil gabi na din naman, inaantok na ako at pagod na siya pero parang ayaw niya pang umuwi kanina. Tsaka kung tutuusin bahay niya naman talaga ito. Alangan naman na palayasin ko siya. Fully paid kaya 'to at fully furnished nang ibigay niya sa amin. Hindi naman siya tumanggi nang alukin ko siya kaya heto kami ngayon.

Nagtama ang mga mata namin at napaayos ako ng upo sa gilid ng kama ko. Wala na siyang suot na pang-taas. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at nag-aalinlangan na inabot ng mga kamay ko ang tali ng robang suot ko. Ito ang unang beses na may mangyayari sa amin na pareho kaming hindi lasing.

"Saskia..." Mahinang sabi niya nang dahan-dahan ko nang ibinababa ang roba ko. Lakad-takbo siyang lumapit sa akin at sinara ang roba ko. Lumuhod siya sa paanan ko at ipinulupot ang mga bisig niya sa akin. "No, don't do this. Please, don't."

"Akala ko ito ang gusto mo kaya gusto mong matulog dito..."

Sunod sunod siyang napailing. "I don't want to have sex. It doesn't always have to be about sex. Hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nandito. You're a wonderful woman, Saskia. I like being with you. Ikaw lang ang taong alam kung sino ang totoong ako. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. I just want to be with you, nothing more. You... you unbreak me."

Biglang parang nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko nang marinig ko ang mga salitang binitiwan ni Migs.

"Hey, what's wrong?" Ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko. "May nasabi ba akong mali? Bakit umiiyak ka?"

Sunod-sunod akong napailing at pinilit kong ngumiti. "Alam mo, Migs, buong buhay ko akala ko hindi totoo yung mga lalaking katulad mo. Bata pa lang ako nakaukit na sa isip ko na isa lang ang kailangan ng mga lalaki mula sa akin, ang katawan ko. Tanggap ko na nga na magiging katulad din ako ni Mammy. Tanggap ko na na darating din ang panahon na kailangan kong hubarin ang damit at pagkatao ko para mabuhay ang pamilya ko. Kung hindi ako magtatrabaho, who will eat my family? Wala naman akong pinag-aralan, boba ako, ito lang ang trabahong alam ko. Alam mo ba na ang pangarap ko lang noon ay makahanap ng isang mayamang lalaki na gagarahe sa akin?"

"Oh, Saskia..." Malamlam ang mga matang tinitigan niya ako.

Nagpakawala ako ng mahinang tawa kahit patuloy ang pag-agos ng mga luha ko. "Ganon lang kababa ang pangarap ko. Ayaw ko kasing mapagpasa-pasahan ng kung sinu-sinong lalaki. Alam kong nakasakit ako ng tao at nasira ko ang relasyon niyo ng piyans mo. Pero ito ang realidad ng mga babaeng katulad ko at ni Mammy. Hindi naman kami pwedeng maging choosy sa mga kustomer namin. Nakakita ka na ba ng pokpok na may requirdment? Kung hindi kita nakilala, malamang siguro ay naging kabit din ako ng kung sinong mayamang pulitiko o negosyante. Pero alam mo kung ano ang pinakamasakit sa sitwasyon nating ito? Yung nakikita kitang nasasaktan kasi nasasaktan din ako. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang nahihirapan at umiiyak kasi alam kong ako at si baby ang dahilan kung bakit ka nahihirapan, kasi... kasi mahal na kita."

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon