Chapter Thirty One

392K 12.1K 3.7K
                                    

HAZEL

I helped Saskia have the fetus cremated. She named the baby Miguel Cordova Jr. The name was engraved in his tiny urn. I couldn't help but feel a small squeeze in my chest when I saw it. That could've been the name for our future son. 

Anyone would be wondering why I was helping the woman my fiancee cheated on me with when I should be hating her. Society has a complicated relationship with fidelity. People absolve one end while vilifying the other. When a man strays, it was the other woman who get the hate. I was expected to hate Saskia.  Vilify her as the master manipulator who lured my man away. That's the easiest thing to believe and do. But I knew that was far from the truth. Kahit sino pang babae ang maghubad at tumuwad sa harap, if he wasn't a cheat, he would remain faithful. 

In the movie, the wife and mistress are expected to claw at each other like a bunch of cats fighting to death over a man. I would never stoop that low. Hindi ako makikipagpatayan para sa lalaking ginago ako. 

My father told me to take advantage of whatever opportunity that comes my way. Hindi ko pakakawalan ito. I wasn't going to take him back because I loved him. I may be a lot of things but I wasn't stupid. Practicality was something I had learned since I was a child. No matter how much he had hurt me, I couldn't deny the fact that I needed him. But I wanted to make sure nobody would get out of this love triangle unscathed.  Migs had his share of fun with both of us and it's time we get ours. I wanted this to be a fair game. Saskia would get her share and I would get mine. 

SASKIA

Hawak ko sa kamay ko ang abo ng anak namin ni Migs. Maliit lang ang lalagyanan at kasya sa kamay ko. Nakaukit sa puting plorera ang pangalan niya. Dinala ko sa dibdib ko iyon at hindi ko mapigilan ang mapaiyak nang isara ko ang pinto ng kwarto ko.

Nasa isang sulok ng kwartong iyon ang mga gamit ni baby. Halos nga kumpleto na yun. Nandoon na ang mga damit niya, mga lampin, may ilang bote na nga rin kaming binili sa kanya, pati nga laruan meron na siya. Excited na excited kasi talaga si Migs sa pagdating niya. Lahat ng makita nitong gamit para sa baby, hindi pwedeng hindi niya bibilhin. Hindi namin alam na hindi na pala niya magagamit ang lahat ng iyon. 

Nilagay ko ang plorera sa crib na iniregalo sa kanya ng Lolo at Lola niya at tuluyan na akong napahagulgol. Hindi dapat yang ang nasa crib niya. Dapat sanggol ang nandyan. Sa isip ko, nakikita ko ang isang sanggol na may mala-gintong buhok na tulad sa ama niya na nakangiti sa akin habang pinapadyak ang maliliit niyang paa. 

Bigla akong napaigti ng tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa la mesita katabi ng kama. Agad kong pinunasan ang luha ko at dinampot iyon. Nakailang tawag at text na si Migs sa cellphone na iyon. Sabi ni Yuka ilang beses din daw tumawag si Migs para kumustahin ako kahapon, sabi na lang nila na tulog ako.

"Migs..." Pinigil ko ang panginginig ng boses ko dahil sa nagbabadyang luha.

"Hey..." Rinig ko ang ngiti mula sa boses niya. "I've been trying to call you since last night. Sabi nina Yuka tulog ka pa raw."

"O-oo, napasarap kasi ang tulog ko..." Nilunok ko ang namumuong bukol sa lalamunan ko. "Kumusta naman diyan?"

"Everything's going smooth. Napadaan ako sa store kanina. I found the perfect stroller for baby." Bakas sa boses niya ang tuwa. "I'll purchase it before we head home there. Kung anu-anong mga nakikita kong magagandang gamit para sa kanya. You know I'm thinking of buying a huge balikbayan box and fill it up with things for the baby. Ang daming magagandang gamit dito."

"Migs, huwag na..." Pumiyok ng konti ang boses ko nang kumawala ang hikbi mula sa lalamunan ko. Kinailangan kong ilayo ang cellphone mula sa akin para hindi niya iyon marinig. Huminga ako ng malalim bago ako muling nakapagsalita. "Huwag na. Dito na lang tayo mamili."

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon