Chapter Thirty Six

455K 15.9K 11.6K
                                    

SASKIA

"Huwag ka munang mag-aasawa, ha?" Sabi ni Tintin habang nakahiga sa tabi ko at pinatutulog ko na siya. Sumiksik siya sa tagiliran ko at ipinulupot ko ang mga bisig ko sa kanya bago hinalikan sa noo.

"Bakit mo naman iniisip na mag-aasawa ko? Kahit ikaw lang ang makasama ko buong buhay ko, okay na okay na sa akin." Sabi ko.

"Eh kasi parang nanliligaw na sa'yo si sir Neil." Ngumuso siya at nalukot ang mukha.

Natawa ako ng bahagya. "Paano mo naman na sabi?"

"Palagi ka niyang pinupuntahan dito saka palagi siyang nagpapa-pogi points sa'yo. Sabi ni Jodie ang mga lalaki, magaling lang sa umpisa. Pag nakuha na nila ang gusto nila, nag-iiba na daw ang ugali." 

"Si Ninang talaga kung anu-ano ang sinasabi sa'yo." Nailing na lang ako bago isinuklay ang mga daliri ko sa mahaba niyang buhok. Ang buhok na namana niya pa kay Migs kaya nga madalas ay mapagkamalan siyang anak ng kano. Kamukhang-kamukha siya ng ama niya. Mula sa ulo hanggang sa talampakan. Kaya nga siguro hindi ko siya makalimutan. 

"Si Sir Neil, tinutulungan akong makakuha ng scholarship para makapag-aral ako sa magandang eskwelahan nang libre lang. Hindi pa sabi mo gusto mo akong makapagtapos ng pag-aaral at maging titser?" Tanong ko sa kanya.

"Paano yan? Hindi ba sa Maynila yung eskwelahan? Lilipat ka nang Maynila? Iiwan mo ko dito?" Lumabi siya.

Sandali akong natigilan. Bakit ba hindi ko naisip ito? Kapag nag-aral ako sa Maynila, maiiwan si Tintin at sina Mammy dito. Hindi ko yata kayang mahiwalay sa anak ko. Minsan na akong nawalan ng anak at ayaw ko na ulit mangyari iyon.

"Hindi kita iiwan. Kung nasaan ka, nandoon din ako." Sabi ko sa kanya. "Hindi na lang ako tutuloy sa Maynila. Tatapusin ko na lang ang pag-aaral ko dito."

"Paano kung sumama na lang ako sa Maynila? Hindi ba pwede yun?" Tanong niya.

Inipit ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga niya. "Masyadong magulo sa Maynila saka masikip, mausok, mabaho..."

"Eh bakit sabi ni Yuka okay naman daw dun? Sabi niya dati daw nakatira kayo sa magandang bahay, may aircon pa nga eh." Kumunot ang noo niya.

"Eh alam mo naman yung babaeng yun, ilusyunada." 

"Bakit hindi tayo lumipat sa Maynila? Hindi pa kasi ako nakakapunta doon, eh." 

Bumuntong-hininga ako at yumakap ng mas mahigpit sa anak ko. "Alam mo, mabuti pa, matulog ka na. Tignan mo nga yang mata mo halos papikit na."

"Mahal na mahal kita, Saskia." Yumakap siya sa akin at isinubsob ang mukha sa dibdib ko.

"Mahal na mahal din kita." Sagot ko sa kanya at pinugpog siya ng halik sa mukha. 


"Sir Neil." Gulat na sabi ko nang buksan ko ang pinto at bumungad siya sa harap ko.

"Hi, Saskia. Good afternoon." Ngumiti siya sa akin.

"Pasok po kayo, sir." Niluwagan ko ang pinto at pinatuloy siya.

"Ikaw naman. Hanggang ngayon ba naman sir pa rin ang itatawag mo sa akin? Tapos naman na ang semester, hindi na kita estudyante." Lumawak ang ngiting naglalaro sa mga labi niya.

"Syempre, sir-"

"Niel na lang."

"Syempre, Niel, kahit naman tapos na ang sem, professor pa rin po kita." Sabi ko.

"Kaibigan ang tingin ko sa'yo, Saskia." Sabi niya sa akin.

"Saskia!" Narinig kong umiiyak si Tintin mula sa labas ng bahay. 

Lipstick LullabyWhere stories live. Discover now