Boyfriend Ko

6K 143 2
                                    


KAHIT NA walang namagitan na mga salita kina Besille at Robert ay nagkaunawaan sila. Kahit pa nga tila dumidistansiya si Robert sa kanya—hindi na ito naglalagi sa weaving room kapag naroon siya. Bihira na rin silang magkasabay sa uwian. Pero nararamdaman niya kung gaano siya kaimportante kay Robert tuwing magkakasama sila kaya hindi siya nababahala.
Nang dumating ang second periodical exam nila ay saka pa lang sila nagkaroon ng pagkakataon ni Robert na magkasarilinan sa ibang lugar. Niyaya niya itong mamasyal sa Ali Mall pagkatapos ng exams niya, sa pag-aakala na walang sino mang kakilala ang maaaring makakita sa kanila roon. Malayo ang lugar at hindi puntahin ng mga taga sa kanila.
“Alam ko mali ito, Besille. Pero napakahalaga mo sa ‘kin para tumanggi ako sa pag-aaya mo.” Nasa loob sila noon ng isang hindi mataong restaurant sa loob ng mall.
“Wala naman tayong ginagawang masama.”
“Pero hindi tayo makalantad sa mga taong nakakakilala sa atin.”
“Kasi hindi nila tayo nauunawaan. Ano ba ang mali? Nagkataon lang naman na bata pa ako, ah.”
“At nagkataon din na nasa tamang edad ako. Sa ating dalawa ako ang mas may sapat na isip para gawin kung ano ang appropriate. Pakiramdam ko tuloy sinasamantala ko ang pagiging minor mo. At ‘pag iniisip ko ‘tong kalagayan natin, napapamukha sa akin na cradle snatcher talaga ako.”
Gusto na ni Besille na magtampo rito. Parang lumalabas na hindi siya makaunawa sa kanilang sitwasyon. Hindi nga lang niya magawa. Nakikita niya sa mukha ni Robert na nahihirapan ito sa sitwasyon nila.
Hinawakan niya ito sa braso. “Tama na. Let’s just enjoy the moment na magkasama tayo ngayon. Hindi man lang tayo nagkakausap ng tungkol sa ‘ting dalawa. Gusto ko kuwentuhan mo ‘ko kung kelan mo ‘ko napansin. Kung crush mo ba ako agad o nagustuhan mo lang ako dahil palagi tayo nagkakatinginan.”
Pumanatag ang ekspresyon sa mukha ni Robert. Natawa pa ito at ipinatong ang palad sa likod ng kamay niya na nakahawak dito. “Besille, palagay mo ba crush mo lang ako?”
“Hindi,” sabi niya na umiling pa. “Di ba nakuwento ko na sa ‘yo na may secret love ako?” Si Robert ang secret love niya. Sigurado siya na alam na nito sa simula pa lang.
“Kaya nga. Kung ikaw sa sarili mo inaamin mo na love mo ‘ko, eh, di lalo naman ako. Kaya hindi lang kita crush, Besille. Do you believe me?”
Nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi ni Robert. Nagbaba siya ng tingin. Ikinatuwa niya ang sinabi nito pero nakaramdam siya ng hiya. Agad din namang bumalik ang mga mata niya rito nang maramdaman na sinalo ng isang palad nito ang baba niya. Iniangat nito iyon hanggang sa magkatapat ang mga mukha nila. Marahan munang humaplos ang mga daliri nito sa pisngi niya bago bawiin ang kamay.
“I was hooked, Besille. Noon pang una kitang makita sa garden habang namimitas ka ng rosal. Hindi mo lang alam. I was watching you from the window. You were like an innocent child picking flowers. Only you’re not a child but a lovely young woman.”
“Kaya pala pakiramdam ko no’n may mga mata na nakatingin sa ‘kin. Gumalaw pa nga ang kurtina sa bintana.”
“Wala kang idea kung paano na halos pumutok ang dibdib ko nang makita ka sa simbahan, dressed in all your finery, looking so beautiful and fragile. Kaya nga yata bigay-todo ang kanta ko noon. You inspired me that much.
“I was hoping na eighteen ka man lang sana para malaya akong makapanligaw. As it is, hindi man lang ako makadalaw sa inyo dahil hindi lang sa minor ka pa kundi dahil mahigpit ang parents mo. Hindi ko naman sila masisisi. Sipunin pa ang only child nila.”
Nahila ni Besille ang kamay niya na hawak ni Robert at tinampal ito sa balikat. “Sipunin pala, ha.”
Natatawa na sinalo lang nito ang kamay niya. “Hindi nga ba bumahin ka lang kaya mo ‘ko nakita?”
“But unlike you, boses ang una kong nadinig. Dahil do’n kaya ako nagka-crush sa iyo. Nakikipag-argue ka no’n. Kahit galit ka, I found myself na gusto ko ulit madinig ang boses mo. And then I saw you at the church.”
“Kaya ba naging love ang crush mo sa ‘kin?” tudyo uli nito.
“Ang yabang po niyan. Ikaw nga, naramdaman ko na nakasilip ka sa ‘kin sa bintana the next day na bumalik ako sa garden.”
“Ewan ko ba. Naramdaman ko na lang na gusto ko uli na makita ka. Buti na nga lang lumabas ka ng bahay noon. Nakita pa nga ako ni Lola na nakasilip sa bintana. Mabuti na lang hindi niya ako tinukso. Imagine my embarrassment na mahuli niya na sisilip-silip ako sa iyo.”
“Alam na ba ni Lola Fem ang tungkol sa atin?”
“Wala pa akong sinasabi sa kanya. Pero malakas makiramdam ang lola ko.”
“Kaya pala tinutukso ka na niya sa ‘kin.”
Pinagmasdan siya ni Robert na parang nasisiyahan nang husto sa nakikita. “She likes you, you know.” Sumagap ito ng hangin. “It tortures me when I thought about the years we still need to have to wait.”
“Pero maghihintay tayo, di ba?”
“Yeah. Pero hindi man lang kita… mahalikan.”
“Puwede naman, ah,” sabi niyang yumuko dahil nakaramdam uli siya ng hiya.
“Alam ko. Pero hindi ko sasamantalahin.” Hinalikan na lang nito ang kamay niya. Hinaplos ang singsing doon na ibinigay nito. “Our time will come, my pretty.”
Marami pa silang napag-usapan. Hindi maubus-ubos ang mga kuwento nila sa isa’t isa na dati ay nakatago lang sa kanilang mga puso at isipan. Sa kabila noon, tiniyak nila na maaga silang makakauwi para hindi maghinala ang kanyang mga magulang.

Besille & Robert COMPLETEDWhere stories live. Discover now