Missing You

4.9K 127 5
                                    

NAKAKAILANG katok na si Besille sa pinto ng silid ni Lola Eufemia ay hindi pa rin siya pinagbubuksan. Hindi rin ito sumasagot man lang. Tinawag na lang niya si Martina para ito na lang ang tumawag sa matanda.
Matapos siyang makipag-usap sa telepono kay Minnie ay doon na siya tumuloy. Sabi ng kaibigan niya ay nasa Makati Avenue daw ang nag-iisang internet café na alam nito. Pero kung email lang daw ang habol niya, puwede  raw siyang mag-email at makigamit ng computer sa bahay ng mga ito buong Sabado. Iyon daw ang araw na hindi iyon ginagamit ng kuya nitong computer geek.
Matagal ding kumatok si Martina sa pinto bago iyon mabuksan. Lumabas doon ang nakasimangot na si Lola Eufemia.
“Bakit iniistorbo ninyo ang pamamahinga ko?” ang masungit na sabi.
“Pasensiya na po, Lola Fem,” lakas-loob na sagot niya. Hindi sanay si Besille na makita ito sa ganoong mood. Nakasanayan na niyang makita itong masayahin at masigla. “Nag-aalala lang naman po kami sa inyo. Sabi kasi nitong si Martina lagi daw kayong nagkukulong dito sa kuwarto. May dinaramdam po ba kayo?”
Tila napahiya ang matanda. Lumabas na ito ng silid at nagpauna nang lumakad patungo sa weaving room. Sumunod siya rito at nagpaiwan naman si Martina.
Naupo ang matanda sa silyang kaharap ng habihan. Nanatili lang na nakatayo si Besille hanggang sa galawin nito ang silya na nasa kanan ng loom. Tahimik na sinasabi nito na maupo siya.
“Hindi n’yo pa po sinasagot ang tanong ko kung may dinaramdam kayo, Lola Fem,” untag niya.
“Nagtatampo na ako sa aking nieto. Hindi na niya ako tinatawagan. At ang mga anak ko, para na silang mga walang magulang. Hindi man lang nila ako dalawin dito. Masyado na silang abala sa kani-kanilang buhay para ako bisitahin man lang.”
Noon lang narinig ni Besille na nagsenti ito. “Hayaan po ninyo, Lola Fem, lagi ko na po kayong dadalawin para maaliw po kayo.”
“Hindi ko kailangan na magpaaliw sa ibang tao. Ang mga kamag-anak ko ang gusto kong umaliw sa akin,” sabi nitong medyo napataas ang boses.
Pakiramdam ni Besille ay para siyang sinampal dahil sa sinabi ng matanda. Pero mabilis siyang nakabawi. “Kayo po, Lola Fem, hindi na ibang tao ang tingin ko. Para pong totoong lola na ang turing ko sa inyo. Pakiramdam ko nga po kadugo ko kayo. Kasi po napamahal na kayo sa ‘kin.” Tumayo na siya. “Sige po, Lola Fem, pasensiya na kayo sa pangungulit ko. Uuwi na po ako.”
Hindi umimik ang matanda. Hindi na rin niya ito tiningnan hanggang sa makapanaog siya ng bahay. Nasaktan kasi siya talaga sa sinabi nito. Bata pa lang siya noon ay magkapitbahay na sila kaya talagang napakalapit nito sa kanyang puso. Lalo pa at malayo sila sa tunay niyang mga lolo at lola.
Mahirap palang umasa na ang isang taong minahal mo ay gagantihan ka rin ng katulad na pagpapahalaga at pagmamahal.

KINAGABIHAN,  sa halip na manood ng TV na karaniwan nang ginagawa ni Besille bago matulog ay naging abala siya sa pagko-compose ng sulat para kay Robert. Kahit malayo pa ang Sabado, gusto na niyang magawa ang ilalagay sa email niya para dito. Baka kasi kapag kaharap na niya ang screen ng monitor ay mablangko siya.

Dearest Robert,
I also missed you as much as you are missing me. Buti na nga lang busy ako sa studies. Alam ko na busy ka pa din sa expansion ng negosyo ninyo. Nasabi sa akin ni Mig. It’s too bad we weren’t able talk some the last time we saw each other. Alam ko, marami ka pa sanang gustong sabihin sa akin, at ganoon din ako.
Tungkol naman sa mga nauna mong sulat, talagang walang nakarating sa akin. Ilang beses ko nang kinulit si Lola Eufemia pero sabi niya wala daw talaga siyang natatanggap.
Nagtatampo na nga pala siya sa iyo. Hindi mo daw siya matawagan man lang. Malungkot nga siya nitong mga huling araw. Wala daw nakaalala sa mga kamag-anak niya na dumalaw. Kahit hindi tayo magkausap sa phone, sana kahit si Lola Fem matawagan mo.
I’m taking up Business Administration. Iyon ang course na gusto ni Daddy na kunin ko. Wala din kasi akong maisip na gusto kong course kaya sisikapin ko na lang na magustuhan ‘yon.
Sana kapag hindi ka na sobrang busy, dalawin mo kami dito ni Lola Fem. Ang hirap kasi isipin na almost four years pa ang dapat na hintayin ko para maging malaya na tayong ipaalam sa iba ang relasyon natin.
Every Saturday lang ako makakapag-email sa iyo hanggang makahanap ako ng place na malapit para makapag-send ako. Makikigamit lang ako ng computer sa bago kong friend. Si Minnie. She’s cool, I tell you. Naikuwento ko na sa kanya ang tungkol sa atin.
Suot ko pa din palagi ang singsing na bigay mo. It eases the ache somehow when I got insecure. Kasi naiisip ko na magaganda ang mga Cebuana na nakapaligid sa iyo. Promise me that you’ll be faithful. Kasi wala akong ibang lalaki na mamahalin kundi ikaw lang.
I miss your smile, your voice, your song… Please don’t make me wait too long before I see you again. Do take care of yourself for me…
Always,
Besille

Iyon ang simula ng regular nilang pagsusulatan ni Robert. Mas marami pa siyang nalaman tungkol dito kaysa noong nasa Manila pa ito at nagkikita sila. Mas nakilala niya ito nang husto. Naisusulat din niya kay Robert ang lahat ng tungkol sa kanya na gusto niyang malaman nito. Alam niya na mas nakilala rin siya nito dahil sa pagsusulatan nila.
Kahit paano, nabawasan ang malalim na pangungulila nila sa isa’t isa. Hindi na kainip-inip ang pagdaan ng mga araw. Hanggang ang mga linggo ay naging mga buwan at ang mga buwan ay naging mga taon.

Besille & Robert COMPLETEDWhere stories live. Discover now