Nothing Can Separate

10.1K 253 40
                                    


“BESILLE, sweetheart! Wake up! You’re dreaming.”

Nagmulat agad ng mga mata si Besille. Nakita niya ang pupungas-pungas na asawa sa kanyang tabi. Gusot ang buhok nito at namumungay pa ang mga mata na hindi halos maidilat.
Niyapos niyang bigla si Robert kasabay ng tahimik na usal ng pasasalamat. Nananaginip lang pala siya. Akala niya totoo na dahil totoo ang mga naunang eksena sa kanilang kasal doon sa panaginip niya.

Hinalik-kalikan nito ang kanyang ulo. Tuluyan nang nawala ang antok nito. “Ano ba’ng napanaginipan ng maganda kong asawa at tinatawag mo pa ang pangalan ko?”

Iniangat ni Besille ang sarili hanggang sa magkatapat ang kanilang mga mukha. Tinaniman niya ito ng masuyong halik sa mga labi. “Kahit pala sa panaginip hindi tayo kayang paghiwalayin ng kahit ano, mahal.”

Ngumiti sa kanya si Robert. Ngiti na punong-puno ng kaligayahan at pagmamahal. Sa nakalipas na mga buwan ay ipinakita sa kanya ng asawa kung gaano ito kaperpektong kabiyak. Kaya nga kusa niyang ipinaparamdam kay Robert kung gaano ito kahalaga para sa kanya.

Sa lahat ng pagkakataon, ipinakikita niya kung gaano ito ka-espesyal. Tinutumbasan niya ng pagsisilbi ang ginagawa nitong pag-aalaga at pagmamahal sa kanya.

Ngayon niya na-realize na mahalagang sangkap din pala ng pagmamahalan nila ang mga tiniis nilang hirap at pangungulila noon sa isa’t isa. Noong mga panahon na pinagkakaitan sila ng pagkakataon na magkasama dahil sa kahigpitan ng kanilang mga magulang.

Somehow, nakatulong ang mga iyon para mabuo ang kanilang mga karakter; at para mas maging matatag at matamis ang kanilang pagsasama ngayon ni Robert.

“You bet, my pretty.” Si Robert na ang nag-initiate ng sumunod na halik. Naging mas malalim at matagal nang gantihan niya. Naging mapanaliksik hanggang sa malubos ang kanilang pananabik.
Dumama at dumako ang kanilang mga kamay sa katawan ng isa’t isa gaya ng madalas mangyari sa loob ng apat na buwan mula nang maging mag-asawa sila.

Bago mag-isa ang kanilang mga kaluluwa, mapanudyo na binulungan niya ito. “Careful kay baby, mahal.”

Binusalan nito ng malalim at makapugto ng hiningang halik ang kanyang mga labi.

-end-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Besille & Robert COMPLETEDWhere stories live. Discover now