At Last, A Letter

5.2K 141 43
                                    


12

“ANO KA ba naman, Besille? Huwag ka munang susuko. Nagpapatalo ka naman kasi agad sa sitwasyon, eh.”
Sinulyapan lang ni Besille si Minnie at nangalumbaba siya. Nasa campus sila noon, magkaharap na nakaupo sa concrete bench na nakapalibot sa gilid ng covered walkway. Pareho silang naghihintay na matapos ang vacant period bago pumasok sa classroom.
“Naiisip ko lang kasi, talagang ang priority ko dapat pag-aaral muna. Hindi ko pa dapat ipilit na ipagpatuloy ang relasyon namin ni Robert lalo ganito na nasa LDR kami. Ang hirap kaya i-workout ng long distance relationship.”
Napasimangot si Minnie. “Alam mo, para ka ding ang mommy mo. Corny mo kaya.”
“Kasi naman, sa umpisa pa lang, may hindrance na sa relationship namin ni Robert. At hindi lang isa kundi madaming hindrances.”
“Bru, tigilan mo na ang kaka-emote d’yan. May naisip na ‘kong paraan para maging smooth na ang communication n’yo ni Robert-my-love mo.”
“Ano?”
“First, kakailanganin muna natin ang cooperation ng favorite cousin mo.”
“Nakuha ko na nga ang phone number ni Robert sa kanya, di ba?”
Impatient na sumimangot ito. “Pakinggan mo nga muna ako. Since nakakausap naman ni Mig si Robert sa phone, siya muna ang patatawagin natin. Kung hindi mo pa din makakausap ang sweetheart mo through him, si Mig na din ang kukuha ng address ni Robert at magbibigay ng address mo. Clear?”
“Alam naman ni Robert ang address ko pero hindi nga niya puwedeng i-address sa bahay namin ang sulat. Baka harangin lang ni Mommy.”
“Hindi ko naman sinabi na pangalan mo ang ilalagay niyang addressee.”
Naguguluhan na tiningnan niya ito. “Explain.”
“Pangalan ko ang ilalagay ng Robert mo sa ibabaw ng envelop. Pero naka-care of sa iyo at hindi niya lalagyan ng return address sa labas ng sobre. That way, hindi pakikialaman ng mother mo ang dadating na sulat. At the same time, mababasa mo ‘yon agad.”
“Paano pag nagtanong si Mommy bakit sa amin naka-address ang sulat mo?”
“Simple. Sasabihin mo lang na may sumasalbahe sa mailbox namin at madaming nawawalang sulat, kaya ‘yon ang paraan na naisip ko.”
Napatitig siya kay Minnie habang iniisip ang strategy na sinabi nito.
“Well?”
“I must admit, it’s a brilliant idea. Genius ka talaga sa kalokohan.”
Tumawa si Minnie. “Wala ka kasing bilib sa ‘kin, eh.”
Kasama niya si Minnie sa pagpunta kina Jackie nang hapon na iyon. Nagkataon naman na nadatnan nilang nakauwi na si Mig. Si Minnie na rin ang nagpaliwanag dito ng mga dapat sabihin kay Robert.
Tinawagan ni Mig ang kaibigan. Pero ayon sa nakasagot, hindi pa raw umuuwi si Robert. Nanlulumo na napatingin na lang siya kay Minnie.
“Ah, ah, don’t tell me na sumusuko ka na naman?” salag sa kanya ni Minnie. “Puwede namang tumawag ulit do’n si Mig mamayang gabi o bukas ng umaga. Imposible namang hindi ma-contact si Robert sa tatlong tawag, ‘no.”
Binalingan din siya ni Mig. “Huwag kang mag-alala. Busy lang talaga sa trabaho si Robert kaya mahirap siya mahagilap sa bahay nila. Bago pa lang kasi ang kapu-put up nilang expansion. I’m sure mako-contact ko din siya sa susunod na tawag.”
“Hayaan mo cousin, hindi namin titigilan ang pagtawag kina Robert hangga’t hindi namin siya nakakausap,” pangongonsola pa ni Jackie sa kanya.
“Pasensiya na kayo,” aniya. Nahihiya na siya sa mag-asawa. “Sobrang laking abala na nito sa inyo.” 
Inakbayan siya ni Jackie. “Ano ka ba? Para kang ibang tao d’yan kung magsalita. Cheer up! Makinig ka sa sinasabi namin ni Minnie. Huwag kang susuko.”
“Ayokong mag-drama pero salamat sa efforts n’yo para sa amin ni Robert.”
Kinabukasan lang ng hapon ay tinawagan niya sa telepono ang pinsan. Nakausap na raw ni Mig si Robert. Hindi raw ito makapaniwala na hindi niya natatanggap ang mga sulat na ipinadadala nito.
Ayon pa kay Jackie, gusto raw ni Robert na makausap siya sa darating na Linggo. Tatawag daw ito sa Linggo ng hapon sa bahay nina Jackie. Nakiusap daw ito na papuntahin siya uli roon.
Ngunit sa kalagitnaan ng linggo, inianunsiyo ng kanyang ama na may out-of-town silang mag-anak sa Tagaytay sa weekend na iyon. May reunion daw doon ang paternal relatives nila.
Lulugo-lugong tumawag na lang siya uli kay Jackie para ipaalam dito na hindi na siya makakabalik sa bahay nito sa Linggo.

“ETO ANG gunting, Besille.”
Kinuha niya ang iniaabot ni Martina. Nasa front yard sila noon ng bahay ni Lola Eufemia. Naroon sila sa tabi ng doghouse. Hawak niya si Silver. Schedule ng gupit ng mahaba nitong balahibo.
Mula pa noon, siya na ang gumugupit sa makapal na balahibo ng poodle. Siya pa nga minsan ang nagpapaligo rito kapag hindi naaasikaso ni Martina.
Ganoon kahalaga sa kanya si Silver. Dahil kahit kay Lola Eufemia iniregalo ang aso noon, siya naman ang hinilingan ni Robert na magbigay ng pangalan.
“Hindi ko yata nakikitang lumalabas si Lola Fem?” sabi niya kay Martina habang ginugupitan ang aso.
“Ewan ko ba sa matandang ‘yon, laging nagkukulong sa kuwarto niya.”
“Wala ba siyang nirereklamo sa iyo o idinadaing na masakit sa katawan niya?”
“Wala naman. Siya nga lang ang matandang nakilala ko na hindi dinadapuan ng rayuma.”
Ipinagtaka niya iyon. Si Lola Eufemia ang tipo ng tao na hindi mapakali kapag walang ginagawa. “Baka naman may iba siyang iniinda, hindi lang sinasabi sa iyo.”
Nagkibit-balikat lang si Martina.
“’Buti pa siguro kumustahin ko muna siya. Puwede bang ikaw na muna ang magtuloy sa paggupit ng balahibo ni Silver? Pupuntahan ko muna si Lola Fem.”
“Sige.”
Iniaabot pa lang niya ang gunting kay Martina nang makita niyang dumaan ang kartero. Dalawang linggo nang halos araw-araw na inaabangan niya ang mga sulat na inihuhulog nito sa kanilang mailbox. “Sandali lang. Baka may sulat ako.” 
Lumabas siya ng bakuran at sinundan ang kartero. Ihuhulog na nito sa mailbox sa kanilang gate ang dalang mga sulat nang tawagin niya. “Sa akin mo na lang ibigay ang mga sulat.”
Tatlo ang sobreng iniabot sa kanya ng mailman. Dalawa roon ay bill ng kuryente at sobreng may logo ng isang insurance company na sa daddy niya naka-address. Ang ikatlo ay kay Minnie. May nakatatak doon na: “Priority Mail” at naka-care off sa kanya!
Excited na napabilis ang pagpasok niya sa loob ng kanilang bakuran. Nagtuloy agad siya sa kanyang silid at nag-lock ng pinto. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang plain white envelop. Pastel linen paper ang laman ng sobre.

My Pretty,
Kumusta na ang mahal ko? Ito ang ikalimang sulat ko sa iyo mula nang umuwi ako dito sa Cebu. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at hindi mo natatanggap ang mga sulat ko. Naka-address lahat iyon kay Lola Eufemia.
It was frustrating that I can’t even talk to you on the phone no matter how we tried. Nasabi sa akin ni Mig ang effort mo para ma-contact ako. To make matters worse, wala man lang nababanggit sa akin ang mga kasambahay ko tungkol sa mga tawag mo.
I know this is ridiculous but my mother doesn’t want me to have a Manilenia for a girfriend. Gusto niya na taga-Cebu din ang mapangasawa ko. So you see, pareho lang tayo ng predicament. Pero napag-usapan na natin na hindi tayo magpapaapekto sa mga hindrances na gaya nito, di ba?
Madami pa akong ikukuwento sa iyo pero gusto ko munang makasiguro na matatanggap mo ang sulat na ito. Gusto ko nga sana ipadala na lang ito sa courier para mas mabilis mong matatanggap. Pero nag-aalala ako na baka ang mommy mo ang makakuha nito.
I’m becoming more impatient with the way our postal system operates. Is there a chance that you could e-mail me instead? Nasa ibaba ang E-mail at return address ko. Office address ito dahil baka maharang din ang sulat mo ng mama ko.
I miss you so much. Para akong luko-luko kung minsan na kinakausap ang picture mo. I can’t wait for the time that I can talk to you face to face again. To hold you and look deep into your eyes while you whisper my name.
I’ll wait for your letter, my pretty. Take the best of care.
Yours forever,
Robert
Nakalimutan na ni Besille ang paggugupit sa balahibo ni Silver pagkabasa sa sulat ni Robert. Para siyang nakalutang sa ere sa nararamdamang kaligayahan. Itinago niya ang sulat. At pagkatapos, nagmamadali na siyang bumaba para tumawag sa telepono.
“Hello, Minnie, may alam ka bang malapit na internet café…?    

Besille & Robert COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin