Hearing The Voice

4.8K 147 10
                                    


“ANO BA kasi ang problema at ayaw mo pang magpa-makeup? Kanina pa naghihintay sa iyo si Eppie. Nakakahiya na do’n sa tao. Besille naman. Don’t tell me na magpapa-late ka pa sa sarili mong party.
Sinulyapan lang niya si Minnie pero hindi siya umalis sa kinauupuang stool. Naroon sila sa gitna ng kanyang walk-in closet. Pinuntahan siya nito nang marahil ay mainip sa paghihintay sa kanyang silid.
Kahapon pa siya pinagagalitan ni Minnie. Hindi nito makuha ang cooperation na hinihingi sa kanya para maging maayos ang preparation ng eighteenth birthday niya. Ito kasi ang self-appointed coordinator ng debut party niya.
Niyugyog ni Minnie ang balikat niya. “Ano ba? Magsalita ka naman.”
Malungkot na nagbuntong-hininga si Besille. “Alam naman niya ang birthday ko pero bakit wala man lang siyang sinabi sa huling email niya sa akin?”
Natampal ni Minnie ang noo. “Shocks! Ang Robertong ‘yon na naman pala ang nasa isip kaya nag-iinarte. Pumalya ka ng padala ng email sa kanya sa Saturday. Tignan ko lang kung hindi mataranta ‘yon. Meanwhile, tumayo ka na d’yan bago pa mabuwisit sa iyo si Eppie at dumalo ka sa party mo nang mukhang bangkay sa kaputlaan.”
Mabigat pa rin ang loob na sinunod niya si Minnie. Iniwan na siya nito nang makita na naupo na siya sa harap ng dresser.
Nakangiti pa rin naman si Eppie nang labasin niya. Medyo malaki na ang tiyan nito sa ikalawang anak. Nananatiling suki siya nito sa mga ganoong okasyon.
“Dati mas matangkad pa ako sa iyo nang konti, ah. Pero ngayon, nakatingala na ako sa iyo.”
Pinilit niyang ngitian ang pasensiyosang hair and makeup artist. Sinimulan na nitong apply-an siya ng face foundation. Mabilis lang nitong natapos ang pagme-make up sa kanya na parang araw-araw nitong ginagawa.
“Okay na ang makeup mo. Kaya lang wala kang kasigla-sigla. Bakit ka ba malungkot? Birthday na birthday mo, ah. Dapat nga maging masaya ka.”
“Huwag mo na lang akong pansinin, Eppie. Halika, pakitulungan mo ako na maisuot ang gown ko. Sesermunan na naman ako ni Minnie pag pumasok ulit ‘yon dito at hindi pa ‘ko nakabihis.”
Tinulungan nga siyang magbihis ni Eppie.
Napakaganda ng repleksiyon na nakita ni Besille matapos maisuot ang soft pink gown na gawa pa ng isang kilalang designer.
“Parang nakikini-kinita ko na kung gaano na mas gaganda ka pa kapag ikinasal ka na, Besille,” humahangang sabi ni Eppie.
“Hanggang ngayon talaga, fan pa din kita.”
Ang mommy ni Besille ang nagpilit na maging bongga ang kanyang debut. Gusto raw nito na maging memorable iyon dahil nag-iisa lang siyang anak ng mga ito. Ang gusto pa nga nito ay ganapin ang debut niya sa isang hotel. Todo tanggi naman siya.
Sa sulok ng isip ni Besille, hindi na niya kailangan pang ipakilala at ipagmalaki sa madla na dalaga na siya. Matagal na siyang nakilala ng nag-iisang lalaki na gusto niyang makapansin na siya ay isa nang ganap na dalaga.
As it was, hindi rin naman siya makakakilala ng ibang tao sa party. Pulos kamag-anak niya ang bubuo ng cotillion. Iyon ang gusto ng kanyang ina. Hanggang ngayon talaga ayaw pa rin siyang paligawan nito.
Pagbalik ni Minnie sa silid niya ay kasama na ang kanyang ina.
“Mabuti naman at bihis ka na pala,” sabi ng mommy niya. “Madami nang bisita sa ‘baba. Hindi na ako magkandaugaga sa pag-eestima sa kanila.”
Sino ba kasi ang may gusto ng party at madaming bisita? tahimik na maktol niya. Walang imik na nagpauna na siyang lumabas.
Nagplaster siya ng ngiti sa mga labi nang bumababa na siya sa grand staircase patungo sa bulwagan. Inaasahan na niya ang pagtuon sa kanya ng lahat ng mga mata. Pinilit na lang niya ang sarili na magpatianod.
First dance ni Besille ang kanyang ama. Mga pinsan at tiyuhin na ang mga sumunod na nagsayaw sa kanya. Napansin niya sa isang tabi si Lola Eufemia kausap ang isa niyang tiyahin na may edad na rin. Mukhang nag-e-enjoy ang matanda sa kanyang party. Lalo lang tuloy niyang naalala si Robert.
Halfway through the dance ay nag-iba ang kanta. Narinig sa ere ang kantang “King And Queen Of Hearts.”
Pumitlag ang dibdib niya nang marinig ang boses ng singer. Naging malikot ang kanyang mata. Ngunit wala siyang nakita na taong kumakanta saan mang sulok ng bulwagan. CD lang yata ang naririnig niyang kumakanta.
God, ganito ko na po ba ka-miss si Robert at nagha-hallucinate na yata ako?
Medyo hilo na si Besille sa papalit-palit na kapareha. Tahimik siyang umusal ng pasasalamat nang mapunta na siya sa mga bisig ng pang-labimpito. Sa wakas, matatapos na.
Nanlaki ang mga mata niya at naparalisa ang buo niyang katawan nang ilipat na siya nito sa panglabingwalo. Dahil ang lalaking iyon na nakangiti habang kinakanta nang naka-headphone ang “King And Queen Of Hearts” ay ang nag-iisang tao na inaambisyon niyang makausap man lang sa mahalagang araw niya. “R-Robert…?” aniyang pabulong.
 

Besille & Robert COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang