Of Hugs And Kisses

6.1K 166 31
                                    


“BESILLE…”
Si Robert ang nalingunan niya. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito. Pero malakas ito at nadala siya sa kotseng nasa likuran lang pala ng taxi na sinakyan niya. Tumigil lang siya sa panlalaban nang magawa nitong iupo siya sa passenger seat. Naisip niya na dapat nga siguro na ngayon na sila magkalinawagan kaysa patagalin pa nito ang paghihirap ng loob niya.
Parehong walang nagsasalita sa kanila nang umusad na ang kotse. Itinuon niya sa labas ang tingin. Sinisikap niyang pigalan na mapaiyak muli.
Nang makita niya na lumiko ang sasakyan sa pinaggalingan nila ay umalma siya. “Ihinto mo ang kotse!”
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Robert sa kanya.
Nagtagis ang mga ngipin ni Besille. “Wala akong balak na bumalik pa sa bahay n’yo ng babaeng ‘yon!”
Napailing ito. Itinabi nito ang sasakyan sa lilim ng isang malabay na puno. Gusto na niyang bumaba. Hindi nga lang nito binubuksan ang power lock ng pinto ng kotse. Humarap sa kanya si Robert. “Hindi ko babae si Anya, Besille.”
“Anya” pala ang pangalan ng babaeng ‘yon. Bagay na bagay. Parang laging nag-aanyaya ng lalaki. Itinuon niya ang tingin sa harapan. Ayaw paawat ng mga luha niya sa pagpatak. “K-kaya pala para siyang tuko kung makakapit sa iyo kanina.”
“Sweetheart, si Anya ay anak ng panganay na kapatid ni Papa.”
“Panganay na kapatid—” Napaharap na siya kay Robert. “Pinsan mo siya?” sabi niya sa tonong hindi makapaniwala at talagang hindi naniniwala.
“Matagal na,” sabi nito, boses-pabiro pero seryoso pa rin ang mukha. “She was the sister I never had. While she was growing up, madalas siyang hiramin noon ni Mama sa mga tito ko kaya close siya sa family namin. Kaya din siya malambing sa akin. Siya lang nga ang napagsasabihan ko ng tungkol sa ‘yo. At no’ng minsan na tuwag ka sa akin, siya pa ang nakasagot ng tawag mo.”
Napayuko si Besille, hiyang-hiya. Nag-conclude agad siya base lang sa kanyang nakita. “I’m… I’m sorry.”
Hindi umimik si Robert. Nagalit ba ito sa mababaw na basehan ng pagseselos niya? Nag-angat siya muli ng mukha. At hindi siya handa sa tenderness na nakita sa mga mata nito. Nagtama ang mga mata nila.
“Come here…” marahan na utos nito habang nakabuka ang mga kamay.
She didn’t need a second bidding. Sa isang iglap ay nagpakulong siya sa mga bisig nito. Dama niya ang sobra-sobrang pananabik ni Robert sa higpit ng yakap sa kanya. Matagal. Parang hindi pa ito naniniwala na magkasama na sila.
Saglit na inilayo siya nito para lang pakatitigan ang kanyang mukha. Dinampian nito ng mumunting halik ang mga bakas ng kanyang luha. Kusang inilapit ni Besille ang bibig sa bibig nito. Hindi siya nabigo. Tinikman ni Robert ang mga labi na nakalaan lang para dito.
Besille revelled at his kisses. Kung alam lang niya na ganoon pala katamis ang halik, noon pa sana niya tinukso si Robert na halikan siya. Siya na sana mismo ang nag-initiate ng halik dito.
Patuloy nitong sinamba ng mga labi ang kanyang bibig. She was unprepared for its lethal effect. Lumikha iyon ng hindi maipaliwanag na pagnanais na maangkin nito ang lahat-lahat sa kanya, right at that very moment.
Bago sila tuluyang kapusin ng hininga ay ito na ang tumapos ng halik.
“Sweetheart…” humihingal na anas nito sa namamaos na boses, “don’t make me break my promise to your father.”
Biglang nagkaroon ng pangamba si Besille. “A-anong ipinangako mo kay Daddy?” Hindi na yata niya makakaya kung maghihintay na naman sila ng mahabang panahon bago magkasama nang tuluyan. “That I won’t touch you until we are married.”
Nag-init ang pisngi niya. Hindi lang sa pagkahiya kundi pati sa pagkadismaya. Sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon, hindi na yata siya makakapaghintay pa kahit isang araw.
Mukhang nabasa nito ang iniisip niya. Ngumiti ito nang pilyo. “If you’re thinking I’ll let you out of my grasp, maling-mali ka. I can wrap you in my arms all night long and just plant soft kisses to your willing lips until sleep claims us both.”
“Kaya mo?” demure niyang tudyo.
Tumango si Robert, napapangiti. “Gano’n kita kamahal. Gano’n kita nirerespeto.”
Tears suddenly stung her eyes. Pero kasabay noon, naalala rin niya na hindi man lang siya naalala nito na tawagan sa loob ng nagdaang dalawang araw at tatlong gabi. “Gano’n mo ‘ko kamahal kaya hindi mo ‘ko naalalang tawagan o i-text man lang mula no’ng umalis ka sa amin,” sumbat niya. 
Nagnakaw ito ng halik sa medyo nakanguso niyang bibig. “Sa sobrang tuwa ko kasi after ko makausap ang daddy mo, nakalimutan ko na kung saan ko naipatong ang cell phone ko. Hanggang ngayon nga hindi ko pa din nakikita. Gano’n ang epekto sa akin nang sabihin ng daddy mo na puwede na nating planuhin ang kasal at siya na daw ang bahala sa mommy mo. Nag-long-distance call naman ako sa inyo kahapon at kanina pero laging ang mommy mo ang nakakasagot. Tumawag din ako sa office n’yo pero nag-half day ka daw. Tumawag ulit ako kanina pero on leave ka naman daw.”
Hindi makapaniwala si Besille sa narinig. “Sinabi ni Daddy ‘yon?”
“Boto na sa akin si Daddy Juancho, ‘kala mo ba,” mayabang na pahayag nitong pilyong-pilyo ang pagkakangiti sa pagbanggit ng tawag nito sa kanyang ama. “Pagkatapos, naging busy na ako sa pag-aasikaso ng ilang bagay sa magiging love nest natin…”
Kanila nga pala ang bahay. Hindi siya dapat nagduda roon.
“Si Anya ang kinuha kong interior decorator dahil forte niya ‘yon. Hindi mo siya dapat pinagselosan, sweetheart. She was moving heaven and earth, para i-furnish at mapadali ang pagde-decorate ng bahay in time for our honeymoon.”
“D-doon tayo magha-honeymoon?”
“Yeah. Sort of blessing the place before we go for a proper one in Paris.” Kumindat pa si Robert sa kanya. “Alam ko naman na wala ka pang visa. A-apply ka pa no’n. Matatagalan pa. Ako naman ang hindi makakapaghintay. Gusto mo ba sa Paris?”
Yumapos muli si Besille dito bilang sagot at isiniksik pa ang mukha niya sa leeg nito. “Oh, Robert, kahit na sa buwan, kung makakahinga tayo do’n, sasama ako sa ‘yong mag-honeymoon.”
His laughter was muffled in her hair. At muli nitong hinagilap ang kanyang labi.
“I love you, mahal…” sabi niya pagkaraan ng mahabang sandali. 
“I love you more, my pretty,” puno ng kumbiksiyon na pahayag nito habang tinititigan na naman siya ng titig na puno ng pagsamba. “And it has been for eight years now… Believe me, I love you more…”
At hinding-hindi na pagdududahan pa iyon ni Besille.

Besille & Robert COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon