Prologue

6.9K 142 13
                                    

Mga naglalakihang gusali ang unang bubungad sayo. Isang malaking gate na may nakalagay na Crimson University. Ilang taon na rin akong naririto. Nag aaral ng mabuti upang maiahon ko ang pamilya ko sa hirap. Nagtataka siguro ang mga estudyante kung bakit ako nakapasok na paaralang ito. Sa totoo lang ayokong pumasok sa lugar na ito pero mas ayoko namang biguin ang aking magulang kung hindi ko tatanggapin ang pagiging eskolar sa paaralang ito.

Hindi sa pinag mamayabang ko pero maliban sa maganda ako ay matalino din naman ako. Hindi ako katulad ng mga ibang babaeng estudyante na kaya lang pumapasok sa paaralan ay para lang magpaganda at lumandi sa iba.

Sa paaralan ding ito talagang halata na mayayaman lang ang may kayang pumasok dito o kaya naman sa mga swerteng estudyante nakakakuha ng eskolar katulad ko.

Ngunit ang hindi alam ng iba sa paaralang ito hindi lang tao ang makakasama mo. Iba't ibang uri ng tao. May bampira o kaya naman kalahating bampira. Meron din namang werewolf o kalahating werewolf. At syempre kaming mga tao. Hindi kapanipaniwala na may nag eexist pa palang katulad nila pero kailangang paniwalaan dahil iyon ang totoo.

May iba't iba ring uri ng antas. Ang Alpha (bampira), pinakamataas na antas kumbaga siya ang batas. Siya lang ang pwedeng mag utos na dapat ay sundin mo at ito ay si Damon Collins.

Sumunod naman ang Beta (werewolf) sya naman ay si Nathan Evans. Hindi sya katulad ng Alpha na pwedeng mag utos ng kahit na ano kailangan nya pa ding humingi ng permiso sa nakakataas at yun ang Alpha.

Pinakahuli ay ang gamma (tao). Sa  kasamaang palad ako ang gamma. Nung una hindi ko alam kung bakit ako ang pinili ng Alpha pero ngayon naiintindihan ko na naman. Sabi nya kase saakin kaya ako daw ang pinili nya ay upang mapagtanggol ko ang mga kasapi ko. Ako nga pala si Ashira Astrid palaban ako dahil kung hindi mo ipagtatanggol ang sarili mo, kawawa ka.

Andito nga pala ako ngayon sa aking silid. Kasama ko ang mga kauri kong tao dahil hindi naman porket gamma ako ay kailangan ko ng magmayabang.

Sabi ng Alpha at Beta bilang Gamma daw ay kailangan kong bumukod sa mga taong ito ngunit tumanggi ako sa kanilang hiling. Hindi ko kayang iwan ang mga taong tumulong sakin noong wala pa akong kaalam alam sa lugar na ito. Siyam kaming babae at isang lalaki. Hindi man kalakihan ang tinutulayan namin naiintindihan naman namin ito dahil mga eskolar lang kami sa paaralang ito.

Habang nagmumuni sa aking silid isang malakas na katok ang aking narinig na kinagulat ko.

"Buksan mo ang pinto." Sigaw ni Nathaniel ang tinutukoy kong nag iisang lalaki. Tumayo naman ako upang pagbuksan sya ng pinto ngunit bago ko buksan ang pinto ay may naisip ako. "Aray!" Sigaw nya na kinatawa ko ng sobra sobra pano ba naman kasi sinuntok ko lang naman sya sa tyan nya. HAHAHA

"Ayan kaya ka nasasaktan eh hindi mo kayang dipensahan ang sarili mo! Kalalaki mong tao ang hina mo!" Napakamot na lang sya sa ulo at napanguso at mas lalo naman akong napatawa sa sinabi nya.

"Eh bakit ikaw!? Kababae mong tao nanununtok ka!" Bilang pagsagot sa sinabi nya inakbayan ko na lamang sya at sabay kaming bumaba para kumain ng hapunan. Habang pababa kami ng hagdan kita ko ang tingin ng mga kasamahan namin yung tingin na may something ba sa inyo look.

"Oy-oy anong mga tingin yan ha? Nako nako! Tara na lang kumain kung ano yang nasa isip nyo!" Agad ko namang hinatak paupo si Nathaniel at nagsimula na kaming kumain.

Matapos naming kumain napagpasyahan ko munang maglakad lakad ngayon sa University. Marami kaseng galaan dito, hindi sya ordinaryong school. Ikaw ba naman makakita na may bar pala sa school na ito meron din mall at kung ano ano pang gagalaan.

Nga pala, gusto ko lang linawin na sampo lang kaming normal na tao dito. Yes, sampo lang kami kayat sama sama kami sa tinutuluyan naming bahay. Yung sa mga bampira naman sama sama din sila, malaki ang tinutuluyan nila pero hindi nila kasama ang Alpha dahil nakabukod ito sa kanila ganun din sa mga werewolf.

Habang naglalakad lakad ako nawalan ako ng balanse dahil may nakabangga ako. Pumikit na ako dahil handa ko ng maramdaman ang matigas sa likuran ko pero ilang segundo ang nakalipas ay naramdaman kong may bumalot na kamay sa likuran ko at awtimatiko naman akong napahawak sa leeg nya. Pagkamulat ko ng nakita ko ang napaka gwapong nilalang na tumulong sakin upang hindi ako mahulog ng tuluyan. Matangos na ilong mahabang pilikmata isama mo pa ang kakaibang kulay ng kanyang mata at mapulang labi. At ngayon ko lang din napagtanto na ang Beta pala ang may hawak sakin kaya agad ko syang naitulak ng hindi ko sinasadya.

Marahan naman syang tumawa na kinapula ng mukha ko. "Hindi mo ata namalayan na ilang minuto tayo na nasa ganoong posisyon dahil sa pagtitig mo sa aking mukha." Sa narinig ko ay gusto ko na lamang magpakain sa lupa. Nahalata nya siguro? Ang engot ko naman.

"Pasensya na Beta." Nakayukong saad ko. Hahakbang na sana ako palayo ng hawakan nya ang pulsuhan ko kaya gulat akong tumingin sa kanya.

"Maari mo ba akong samahan?" Ngunit bago pa man din ako maka sagot ay hinigit nya na ako patakbo napatingin ako sa magkahawan naming kamay at napangiti na lamang ako ng palihim. Hingal na hingal akong tumakbo sa bilis ba naman ng werewolf tumakbo ewan ko lang kung makasabay ka. Mala Jacob ka lang sa twiglight. Natigil ang pagtakbo namin at tumigil kami sa isang hindi pamilyar na lugar saakin. Napatingin naman ako kay Beta ng nagsalita sya.

"Pasensya ka na kung isinima kita dito ha? Gusto ko lang kasi ng kasama." Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ayos lang Beta." Nangunot naman ang kanyang noo na parang may mali akong sinabi.

"Nathan na lang masyadong pormal ang beta hindi ako sanay na tinatawag mo akong ganun." Natawa naman ako sa sinabi nya at tumango lang upang pag sagot.

Ilang oras na din ang nakalipas pero tanging huni lamang ng mga ibon ang naririnig. Napatingin ako sa langit ng napansin kong gumagabi na.

"Halika na Ashira gumagabi na baka mahuli pa tayo ng Alpha." Napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Oo nga eh kaya't tara na at baka maparusahan pa tayo ng Alpha." Tinulungan nya naman ako sa pagtayo ko ngunit ng nakatayo na ako ay hawak nya pa rin ang kamay ko.

"Ashira maari bang sumakay ka na lang sa likod ko?" Tila humihingi ng permisyo si Nathan.

"W-what do you mean? Piggy back ride?" Naguguluhang tanong ko.

"Oo sana eh kung tatakbuhin kase natin yan tsak na mapapagod ka at talagang gagabihin tayo pero kung sasakay ka sa likuran ko mapapabilis ang pag uwi natin, malayo layo kase ito sa dorm nyo." Tumango na lamang ako sa kanya. Tama naman kase sya masyadong malayo ang lugar na ito at baka maabutan pa kami ng Alpha. Umupo naman si Nathan at agad akong sumakay sa likuran nya. Nang maramdaman kong handa na syang tumakbo ay napahawak ako leeg nya napatawa naman sya sa ginawa ko.

"Wag masyadong mahigpit baka hindi na ako makahinga nan." Ginawa ko naman ang sinabi nya at walang paalam na tumakbo sya ng sobrang bilis kaya napasigaw ako.

"Aaaaggghhhh Nathan!" Tawa lang sya ng tawa kaya naman napatawa na din ako. Wala pang ilang minuto ay nasa harap na agad kami ng aking dorm. Agad naman akong bumaba sa pagkakapasan sa kanya.

"Maraming salamat Nathan." Hindi mabura ang ngiti sa aking labi.

"Ako dapat ang magpasalamat Ashira salamat at sinamahan mo ko ngayon pero grabe ang bigat mo pala." Nag stretch pa si Nathan na tila nahirapan talaga sa pagbuhat sakin. Akmang susuntukin ko sya pero agad nya sinalag ang aking kamao.

"Not so fast Ashira." Natatawang sabi nya habng hawak hawak ang kamay ko. Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang seryosng boses na kinakatakutan ko. Alpha

"Nag enjoy ba kayong araw na ito?" Nakakakilabot na boses ang sumalubong samin ni Nathan kaya naman mas lalo ko pang hinigpitan ang paghawak sa kamay nya. Seryoso naman ang tingin samin ng Alpha at bumagsak ang mata nito sa magkahawak naming kamay.

"Alam nyo na naman siguro na may parusa ang pag labag sa batas, magpahinga na kayo at maghanda para bukas."

Napakabilis ng pangyayari at agad nawala ang Alpha sa harapan namin. Ano na kayang mangyayari samin bukas?

***

A/N: Ang bampira sa storyang ito ay parang mga normal na tao. Hindi sila takot sa araw at mas lalong hindi sila kumakain ng tao. Umiinom sila ng dugo pero hindi galing sa tao dahil galing sa hayop.

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now