Part 35

1.2K 44 14
                                    

Drake Nathan POV

Hindi kami makapaniwala sa nangyari. Nag uumapaw ang saya na aming nararamdaman. Tinignan ko ang buong paligid. Nakangiti ang lahat. Ngunit nabigo ang aking mata dahil wala ang gusto kong makita. Napakunot ako ng noo at nilabas ang cellphone ko. Tinawagan ko si Ashira ngunit hindi ko ito matawagan.

Binaliwala ko na lamang iyon at nagmadaling umalis. Agad akong sumakay sa aking kotse upang dumiretso sa bahay. Mabilis ko itong pinaandar at ng nasa tapat na ako ng gate. Agad akong bumaba at tumakbo upang bigyan ng mahigpit na yakap ang aking mga magulang.

Tila nagulat pa ang mga ito sa pagrating ko ngunit kinalaunan ay nag kayayaan ng pumasok sa loob upang magdiwang. Pagka pasok sa loob ay nakita ko ang mga pinsan kong lalaki na tahimik na nakaupo sa sofa. Nakahawak ang mga ito sa kani kanilang telepono na tila ba may importanteng ginagawa.

Umiling na lamang ako. Kumuha ako ng manok sa lamesa tsaka dumiretso sa kwarto ko. Kinuha ko naman ulit ang cellphone ko sa bulsa ko ngunit wala pa rin akong natatanggap na kahit anong mensahe na galing kay Ashira. Duon na ako kinabahan. Mabilis kong pinuntahan ang kwarto nya at nakakapagtaka na wala sya sa kanyang silid.

Mabilis akong tumakbo palabas at tinignan ang buong kapaligiran bago ulit bumalik sa loob.

"Nawawala si Ashira."

Sa pagkabanggit ko ng mga salitang iyon at tsaka ko lamang na agaw ang atensyon ng mga pinsan kong lalaki. Lumapit ako sa kanila at hindi ko napigilang kwelyuhan si Darius.

"Alam mo ba kung nasaan sya!?"

Hindi ko mapigilang sumigaw sanhi na rin ng aking galit. Pinag gitnaan kami ng aking ina at sinabing huminahon ngunit hindi ko iyon magagawa ngayon.

"Baka naman may pinuntahan lamang sya, nagawa mo na ba syang tawagan?"

Tumango ako sa aking ina. Napatingin naman kaming lahat sa pumasok at nakita ko si Damon na tila ba may gustong ipahiwatig.

"Asan si Ashira."

Sa halip na sagutin ko sya ay tumungo ako sa labas kaya naman sumunod sya. Nag kakagulo na sa loob ng bahay kaya naman hindi ko gusto ang nararamdaman ko.

"Pagkatapos ng labanan hindi ko na sya nakita. Tinatawagan ko sya ngunit hindi ito sumasagot."

Napailing ang Alpha at nagpakawala ng buntong hininga. Napalingon naman kami sa paligid ng bigla kaming nakarinig ng kaluskos. Lumapit kami sa Gate ng may na aninag kaming isang puting kahon. Kinuha ko ito at dahan dahang binuksan.

Agad ko itong naihagis ng napagtanto ko ang laman nito. Isang puso na tumitibok pa. Nahulog naman ang papel na kasama ng kahon. Kinuha ito ng Alpha at dahan dahang binasa.

"Hindi pa tapos ang lahat."
-Alucard

Nagkatinginan kami ni Damon at biglang napalingon sa lalaking naka itim. Tumingin ito sa amin at nagbigay ng nakakapangilabot na ngiti. Napalaki ang mata ko ng napagtanto ko kung sino iyon. Hindi maaring buhay pa siya.

***

Ilang araw ang lumipas ay wala pa rin paramdam si Ashira. Sa ilang araw na iyon maingat ang bawat isa sa amin dahil hindi namin alam kung ano ang pwedeng mangyari ngayot nalaman namin na buhay pa sya. Buhay pa si Alucard.

Hindi man kapanipaniwala ngunit yun ang totoo. Isang malaking patibong lamang ang naganap noong labanan. Nalaman ng lahat ang katotohanan kaya naman ang mga estudyante ng Crimson University ay nagsama sama upang bumuo ng isang malakas na pwersa. Umaasa ako na gagana iyon.

Habang nakaupo ako ngayon sa gitna ng garden hindi ko pa rin mawari kung bakit biglang naglaho si Ashira. Ni wala akong ideya kung ano ang plano na gagawin nya ngunit alam ko, na lahat ng ginagawa nya ay may rason at ikabubuti namin.

Napatayo naman ako ng bigla akong may narinig na sigaw. Nagmadali akong pumasok at nakita ko duon ang mga mata ng bawat isa na tila may tintignan na kung ano. Bumagsak ang aking mata sa isang puting kahon na mayroong lamang puso. Hindi rin nagpalampas sa akin ang isang papel kaya naman ka agad ko itong pinulot.


Paparating na ako
-Alucard


Sulat dugo ang gamit sa nakasulat. Kung titignang mabuti sariwa pa ang dugo na ginamit dito.

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now