Part 1

3.8K 101 2
                                    

Ashira POV

Nandito kami ni Nathan ngayon sa gym. Pano ba naman kase kaninang umaga pinapunta kami ng Alpha sa opisina nya at ang parusa sa paglabag ng batas nya ay ang linisin ang buong University. Sa lawak ba naman ng university talagang mapapagod kami nito. Nang tapos na naming linisin ang gym dumiretso naman agad kami sa cafeteria at hindi ako nag kakamali napaka daming estudyante. Yung mga estudyante gulat, nalilito at yung iba naman ay may mapanglait na tingin.

Samu't saring bulungan ang naririnig ko pero hindi ko na lamang iyon pinapansin, ganun din naman si Nathan. Ilang oras ang makalipas ay hindi parin kami tapos ni Nathan maglinis kaya napa upo ako sandali dahil pagod na pagod na ako. Bukod sa wala akong tulog kagabi kakaisip kung ano ang magiging parusa ay wala pa akong kain ngayon. Nang mapansin ni Nathan ang pagod sa aking mukha agad nya akong tinabihan at binigyan ng tubig na kaagad ko rin namang tinanggap.

"Salamat." Habang umiinom ako kita kong nakatitig saakin si Nathan kaya tumingin din ako sa kanya pabalik. "May problema ba?" Agad naman syang umiling.

"Ashira kaya mo pa ba? Ang putla putla mo na at kitang kita sa mukha mo ang pagod, kaya kung gusto mo ako na lang ang gagawa ng parusa magpahinga ka na." Maotoridad na saad ni Nathan ngumiti naman ako sa kanya at nagsalita.

"Ano ka ba ako pa kaya---" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay natumba na ako at nagdilim ang paningin ko.

***

Pagkamulat ko puting kwarto agad ang bumungad saakin at kung hindi ako nagkakamali ay nasa clinic ako. Napatingin naman ako sa pinto ng pumasok doon si Nathaniel. Mukha syang nag aalala ng sobra sobra.

"Ashira ayos ka lang ba? Ano bang nangyari sayo?" Napangiti naman ako sa mga tanong nya. "Nako Ashira wag mo akong ngitian ng ganyan ha! Sabi saakin ng Beta ay hindi ka daw kumain mag hapon kaya't nawalan ka ng malay." Napa irap na lamang ako sa sinabi nya. Ang Betang iyon talaga! Bago pa man din ako makasagot sa sinabi nya ay pumasok si Nathan na may dalang dalawang malaking supot.

"Ashira buti naman gising ka na mahigit dalawang araw ka na natutulog dyan." Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Ano!? Dalawang araw!? Grabe naman, ganon ba talaga ang pagod ko kayat nawalan ako ng malay ng dalawang araw?" Natatawa namang umiling si Nathaniel at Nathan.

"Oo Ashira kaya naman kumain ka na para maging malakas ka na, nag aalala na din sila Sheila sa dorm." Nalungkot naman ako sa sinabi ni Nathaniel kaya naman tumango ako sa kanila upang pagsagot na talagang kakain ako ng marami. Kumain agad ako ngunit ng isusubo ko na sana ang pagkain ay bumukas ang pinto at niluwa nito ang Alpha na seryosong nakatingin sakin. Agad namang yumuko si Nathaniel at Nathan silbi ng pag galang.

"Maari bang iwan nyo muna kami ng gamma?" Tanong ng Alpha

"Masusunod Alpha." Magalang na sagot ng Beta. Agad naman silang umalis ni Nathniel at kinabahan ako ng sobra ng kaming dalawa na lamang ng Alpha ang natira.

"Kamusta ka?" Seryosong tanong ng Alpha.

"A-ayos lang Alpha." Nakayukong sagot ko sa kanya hindi ako makatingin sa Alpha dahil kinakabahan ako sa di mawaring dahilan.

"Kung hindi ka kase sumama sa malikot na Betang iyon hindi mo mararansan ang parusa, pero sadyang matigas ang ulo nyo dahil lagi nyong nilalabag ang batas ko!" Nagulat ako sa pag sigaw nya at pag bago ng kulay ng mata nya. Pula na ang mata nya. Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "Nakita ko ang lahat, kung paano kayo nagkabanggaan kung paano ka nya hinatak at pumayag ka naman na sumama sa kanya. Kita ko lahat, alam ko ang lahat! Dahil ako ang Alpha!" 

Kabang kaba ko syang tinignan. "Pasensya na Alpha hindi na mauulit." Ngunit umiling lang sya na tila alam nya na hindi lang ito ang huli.

"Matapang ka. Isa ka lang tao pero matapang ka. Hindi ka ba natatakot sa isang Bampirang katulad ko? O nag tatapang tapangan ka lang para hindi ko mawari ang emosyon mo?" Nagulat naman ako sa pag lapit sakin ng Alpha at ilang pulgada na lamang ay maari nya nang halikan ang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanya hininga ng muli syang nagsalita. "H'wag ka masyadong magmatapang hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo."

Kinabahan ako sa huli nyang sinabi at nakahinga lang ako ng maluwag ng hindi ko na naramdaman ang presenaya ng Alpha. Agad namang pumasok si Nathaniel at ang Beta ramdam kong may gusto pa silang tanungin pero ngumiti na lamang ako sa kanila.

"Kailangan ko ng magpahinga."

***

Kinaumagahan umuwi na rin kami ni Nathaniel sa dorm na tinitirahan namin. Nung una ay gusto pang sumama ng makulit na Beta ngunit sinabi kong magpahinga na lamang sya. Nang tuluyan ko ng nabuksan ang pinto agad akong sinalubong ng mga kasamahan ko para tuloy kaming nag group hug!

"Ashira naman pinag alala mo kami eh!" Naiiyak na saad ni Sheila. Niyakap ko na lamang sila dahil na miss ko talaga sila. Matapos ang maikling kwentuhan umakyat na agad ako sa aking silid upang mag ayos ng sarili.

Matapos kong maligo bumaba na ako at nakita ko naman silang nag uusap sa may lamesa. Lumakad naman ako papunta sa kanila upang malaman ang pinag uusapan nila.

"Gamma alam mo na ba?" Pagtatanong ni Xyril. Umiling naman ako sa kanyang tanong dahil naguguluhan ako sa tanong nya.

"Gamma uso mag update ha!" Natawa naman ako sa sinabi ni Sheila kayat pinagpatuloy na ni Xyril ang sasabihin nya.

"Kase gamma sa susunod na linggo ay magaganap na ang full moon party." Nagtatakang tinignan ko sila.

"Bakit napa aga ata?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Yun nga din ang pinagtataka namin gamma pero sabi ng mga nakakasalubong kong estudyante ay may iaanunsyo daw na panibagong batas ang Alpa." Dahil sa narinig ko tila nanlambot ang tuhod ko. Sana mali ang iniisip ko.

Sana...

***

Crimson University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon