Part 37

1.5K 49 3
                                    

xIstepaniLoreynx

Ashira POV

Sama sama kaming nasa lamesa upang simulan na ang pagkain. Marami ng nangyari nitong naka raang araw at syempre kailangan pa rin naming mag ingat. Habang nag kwekwentuhan ay nalipat ang tingin ko kay Damon na seryosong nakikinig sa usapan nila.

Nagpaalam naman ako at tumayo upang tumungo sa aking kwarto. Nakapagtataka naman na bukas ang pinto ng aking kwarto gayun din na sinarado ko naman ito. Dahan dahan akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Naka awang ang binta kaya naman lumapit ako upang saraduhin iyon.

Pinagmasdan ko ang buwan na napaka liwanag bago ko sinara ang binta. Pag ka lingon ko ay napa daing ako dahil kumikirot na naman ang kaliwang braso ko. Hindi ko na nakaya at tuluyan na akong napaluhod. Napasigaw ako sa sobrang sakit bago ko marinig ang unggol ng mga lobo.

"Ahooooooo"

Nakita ko ang mga magulang ko na nasa labas ng bahay. Nakahilera ang iba pang myembro ng aking pamilya. Nandun din ang lahat ng estudyante sa gitna ng kakahuyan. Tumayo ako at dahan dahang tinignan si Alucard.

Nakangiti ito sa akin na kahit anong oras ay pwede akong patayin. Mabilis ang naging pag kilos ng mga ibang estudyante ngunit hindi iyon sapat upang mapatumba si Alucard.

Pinalibutan ng mga estudyante si Alucard ngunit sa isang ikot ni Alucard ay tumalsik ang mga ito. Maraming sipa at suntok ang pinakawalan ng bawat isa ngunit hindi iyon magiging sapat. Nakita ko naman si Damon na katulad kong seryoso lamang nakatingin tulad ko.

Napalaki ang mata ko ng makita ko ang pag ataki ng kapatid ko kay Alucard. Ininda nito ang sakit ng pagbaon ng mahahabang kuko ni Alucard na nasa pagitan ng kanyang balikat. Sunod na sumugod ang mga pinsan ko at kita ko kung gaano nila gustong pumatay.

Tumingin sa akin si Alucard bago binalik ang tingin sa aking mga pinsan napa sigaw si Kuya Darius ng nakita nya ang ginawa ni Alucard sa kanya. Napadaing sila ng nakita nila ang malalim na sugat sa dibdib nila. Hindi ko na kaya ang nakikita ko.

Nilapitan ko si Alucard ng hindi nya nararamdaman at binigyan sya ng isang malalim na kalmot sa kanyang pisngi. Napa daing ito at sumama ang tingin sa akin na tila kasama nya si Satanas ng mga panahon na ito. Tinignan ko si Damon at nagtanguhan kami.

Binigyan ko ng panibagong kalmot si Alucard sa kanyang kabilang pisngin habang binaon naman ni Damon ang kanyang mahahabang kuko sa balikat ni Alucard. Nawala ito sa aming paningin at ilang segundo pa lamang ay napa daing kami ni Damon sapagkat ramdam namin ang kuko ni Alucard sa balikat namin. Tumayo ako ng dahan dahan at inangat ang kanan kong kamay at itinutok iyon kay Alucard nawala ang ngiti sa kanyang labi at tuluyan na syang bumulagta.

Maraming alagad si Alucard kaya naman kitang kita ko ang hirap sa mga mata ng bawat estudyantr at aking pamilya. Nakita ko naman ang aking kapatid na tuloy pa rin sa pakikipaglaban gayun din ang iba ko pang pamilya.

"Papatayin kita."

Malalim at malamig na boses na bigkas ni Damon. Tumawa naman ng parang demonyo si Alucard at unti unti akong tinignan at itinuro.

Napakapit ako sa aking braso ng naramdaman kong kumikirot ito. Napaluhod ako at ramdam ko ang paglapit ni Alucard. Nakita ko naman na lumapit si mommy ngunit tumalsik ito. Tinignan ko ng masama si Alucard ng tuluyan na itong pumantay sa akin. Tinignan ko ang aking ina at nakita ko ang sakit na kanyang iniinda. Tumingin ako kay Damon, Dexter, at kay Kuya Drake tumango ang mga ito sa akin bago ako pumikit.

Tumingin ako kay Alucard na nakangisi sa harapan ko na gustong kunin ang puso ko ngunit bago nya pa man din magawa iyon ay binigay ko ang buong lakas ko at kinuha ang puso nya. Kitang kita ko ang gulat sa mata nya. Lumapit si Damon at walang kahirap hirap na pinutol ang ulo ni Alucard. Sinindihan naman ni Dexter ang hawak nyang kahoy bago binigay kay Kuya Drake. Isang malakas, mahaba, at nakakapangilabot na unggol ang pinakawalan naming mga taong lobo bago tuluyang sunugin ang katawan ni Alucard.

Unti unting naglaho na parang abo ang mga kasamahan ni Alucard. Tinignan ko ang mga estudyante na nagtatawan at ang iba naman ay nag iiyakan. Lumapit ako sa pamilya ko at binigyan nila ako ng isang malaking yakap.

"Tapos na anak."

Napaiyak ako sa sinabi ng aking ama. Tinignan ko naman ang aking ina na umiiyak. Nilingon ko ang aking kapatid na nakangiti sa akin. Niyakap nila ako na mas lalong nagpataba ng aking puso. Hindi ko napigilang maging emosyon sapagkat lahat ng sakripisyo at pag hihirap ay tapos na.

Lumapit ako kay Dexter at niyakap sya ng mahigpit. Itong tao na ito ang tumulong sa akin nung mga panahon na kailangang kailangan ko sya. Nagpapasalamat ako na nakilala ko ang isang tulad ni Dexter.

"Dexter, salamat."

"Ako ang dapat mag pasalamat tinanggap nyo ako kahit hindi nyo ako masyado kilala."

Ngumiti ako dito at umiling.

"Pamilya ka namin at ang matagal mo ng hinahanap na pag mamahal ay nandyan na."

Tinuro ko ang isang babae na naging parte ng buhay ko. Ang babaeng tumulong katulad ng pagtulong sa aking ng iba. Ang babaeng tinuring ko na aking kapatid. Sheila.

"P-paanong?"

Nilagay ko ang daliri ko sa labi nya.

"Shh go. Get her now."

Masaya ako na nakikita ang mga mahal ko sa buhay na masaya. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Sheila. Umiiyak ito habang si Dexter naman ay pinupunasan ang kanyang mukha.

Lumingon ako sa isang lalaki na una pa lang bumihag na sa puso ko. Ang lalaki na napaka suplado ngunit malambot rin pala ang puso. Ang lalaki na nagpasaya sa akin bukod sa aking pamilya. Ang lalaki na nagparamdam sa akin na isa akong prinsesa sa mundong aming ginagalawan. Ang lalaki na nagparamdam sa akin ng tunay na pag-ibig na aking hinahangad.

"Damon, mahal ko."

Niyakap ako nito ng mahigpit kaya naman niyakap ko rin sya pabalik. Umiyak ako dahil sa saya na aking nararamdaman. Ramdam ko rin ang pag alog ng balikat ni Damon hudyat na umiiyak din ito. Humiwalay ako sa yakap at tinignan sya.

Ngumiti ako dito at pinunasan ang luha sa kanyang mukha. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Ang kanyang mukha na kahit kailan ay hinding hindi ko makakalimutan. Tumingkayad ako at hindi naman ako nabigo na maabot ang kanyang labi.

Dumampi ang kanyang labi sa aking labi. Nakarinig kami ng isang malakas na sigawan at palakpakan. Tinignan ko ang mga tao sa paligid at lahat sila ay masaya. Tinignan ko si Damon at ganun din sya.












"Please, marry me."

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now