Part 19

1.5K 61 8
                                    

Ashira POV

Dahil sa napag usapan kagabi. Kinabukasan pag gising ko ay nandito na ang buong pamilya. Tinotoo ni mommy ang sinabi nya na ang mga pinsan kong lalaki ang magbabantay sakin. Lima ang pinsan kong lalaki kaya't hindi ko alam kung paanong pakikisama ang gagawin ko sa kanila. Masaya dahil makakasama ko ulit ang mga pinsan ko at buong pamilya pero ang problema lumipat ang mga pinsan kong lalaki para lang sa seguridad ko.

Last week pa pala ay enroll na ang mga pinsan ko kaya wala ng proproblemahin, kasing edad sila ni Kuya ngunit sila ang mga bago kong kasamahan sa Gamma Department. Inexplain na naman ni kuya ang patakaran ng school at kung bakit kailangan naming mag panggap bilang tao. Gaya ng sinabi ni kuya Neil sya ang naghatid sakin papuntang school at nakasunod naman sa likod ang mga pinsan kong lalaki.

Bago ang lahat ipapakilala ko muna sila sa inyo. Si Kuya Paul Evans. Kuya Cyrus Evans. Kuya Darius Evans. Kuya Marcus Evans at Kuya Lucas Evans. Pare parehas lang ang ang ugali ng mga yan. Masiyahin, minsan seryoso minsan malag. Maasahan din naman sila mabait sila guys.

"Mas malaki ang school na ito kumpara sa school namin diba guys?" Manghang sabi ni kuya Cyrus kaya napatingin kami sa kanya. Nakita ko naman na tila nag lalaway ang mga mata ni Kuya Lucas at Kuya Marcus. Kambal sila.

Nagkatinginan naman si Kuya Lucas at Kuya Cyrus sa isa't isa na para bang iisa lang ang iniisip nila. Napailing na lang kami nila kuya paul. Alam na.

"Marcus/Lucas" sabay nilang banggit sa sarili nila.

"Iisa ba ang naiisip natin lucas?" Baliw na tanong ni kuya marcus. Agad namang tumango si kuya lucas.

"Maraming chix dito!" Sabay nilang sigaw. Napatakip na lang kami ng tenga at medyo yumuko dahil nag titinginan na ang mga ibang estudyante samin.

"Pumasok na kayo." Natatawang sabi ni Kuya Neil. Nagpasalamat naman ako sa paghatid nya sakin at ngumiti sya't nag paalam na.

Habang nag lalakad, maraming estudyante ang nakatingin samin. Or I say maraming estudyante ang nakatingin sa mga kasama ko. Papunta kami ngayon sa bahay na para sa gamma upang pag pahingahin muna sila. Tumigil ako sa tapat ng pinto kaya't napatigil din sila. Tinignan ko sila at nakita ko namang nilibot nila ang tingin nila.

"Ahm mga kuyas, pag pasensyahan nyo na ha kung maliit lang itong bahay na pag titirhan nyo. Para sa mga gamma lang kase ito kaya sana maintindihan nyo." Nahihiyang sabi ko.

"Ano ka ba Ashira, ayos lang no! Kami nga ang dapat mag pasalamat dahil pumayag ka na dumito muna kami dahil alam naman naming wala ka namang choice." Nagtawanan kami sa sinabi ni kuya darius.

"Pero serysoso ashira salamat. Hayaan mo hindi ka namin pababayaan." Medyo na touch naman ako sa sinabi ni kuya paul.

"Group hug" natatawa namang niyakap ako ng mga mokong kong pinsan. Natigil naman ang aming pagyayakapan ng nagsalita si Kuya Lucas.

"Tama na ang dramahan. Gusto ko ng magpahinga." Pinagbabatukan naman nila kuya paul si Kuya Lucas.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko na busy ang mga kasamahan ko sa pag aayos. Nang nakita nila ako agad naman silang yumuko. Pinakilala ko naman ang mga pinsan ko sa kanila at napangiti na lang ako. Mukhang magkakasundo talaga sila ah. Pinapasok ko sila sa kwarto ko upang duon muna mag stay. Ang kwarto ko kase ang pinaka malaki sa lahat ng kwarto dito dahil ako nga ang namumuno sa mga tao.

Humiga agad ang mga pinsan ko sa isang napaka laking kama. Kasya namang silang lahat duon. Mabuti na nga lang at dalawa ang kama ko dito. Isang pang malakihan at isang pang isahan lang. Sinabi ko sa kanila na magpahinga muna sila dahil may gagawin lang ako.

"Don't worry Ashira ayos lang kami." Agad naman akong tumango sa sinabi ni Kuya Cyrus at lumabas na sa kwarto.

Dumiretso ako sa office ko at nagulat ako ng nakita ko si Kuya Drake na nakaupo.

"Kuya anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko.

"Bakit bawal na ba ako dito?" Pabalik na tanong nya. Inirapan ko naman sya.

"Abnormal! Ano nga?" Pagtatanong ko ulit. Natawa naman sya sa reaksyon ko.

"Easy kafatid hahaha gusto ko lang tanungin kung kamusta ang mga mokong nating pinsan?" Umupo muna ako vago sagutin ang tanong no kuya.

"Ayun tulog. Pinagpahinga ko muna pagod sa byahe eh. Buti nga nagkasya sa kwarto eh." Natatawang saad ko.

"Pagpasensyahan mo na kung medyo nahihirapan ka na." Natawa naman ako dahil hindi ako sanay na ganito si kuya. Masyadong madrama.

"Bro, masyado ka ng madrama tara na lang sa cafeteria at nagugutom na ako." Tumayo naman ako at hinigit sya sa pagkakaupo nya. Agad namang tumayo si Kuya at inakbayan ako. Pagkabukas ko ng pinto bumugad agad ang mukha ng Alpha na seryosong nakatingin sakin.

"Pwede ka bang maka usap Ashira?" Parang isang kidlat ang boses ng Alpha. Medyo napasimangot naman ako dahil mukhang hindi ako makakakain na kasabay si kuya. Tumingin naman ako kay Kuya at tumango. Inalis ni Kuya ang pag kakaakbay nya sakin at umalis na.

Walang imik ang Alpha ngunit sinbayan ko na lamang syang maglakad. Dumiretso kami sa garden at naupo sa damuhan. Tinignan ko naman ang Alpha na seryosong nakatingin sa langit.

"May sasabihin ka ba?" Seryosong tanong ko. Napatingin naman sya sakin at bumuntong hininga.

"Nabalitaan ko na may mga bagong saltang estudyante. Kaano ano mo sila?" Tila gustong lumabas ng puso ko sa sobrang bilis ng kabog nito.

"Mga pinsan ko sila." Simpleng sagot ko. Pinakita ko na hindi ako kinakabahan. Tinitigan ako ng Alpha kaya't nakipag laban ako ng tingin.

"Evans. So bukod sa mga pinsan mo, kaano ano mo ang beta?" Para akong nabingi sa narinig ko. Tuluyan na akong kinain ng kaba ngunit bago pa man din ako makapag salita napatingin kami ng Alpha sa mga kalalakihang papalapit sa pwesto namin.

"Grabe ang ganda naman ng garden dito." Napapikit ako ng napagtanto ko na ang mga pinsan ko ang mga lalaking ito.

"Lupit nga pre eh. Ano ito? Pang wattpad?"

"Yuck pre nababakla ka na." Nagtawanan sila Kuya Paul. Napansin siguro nila na may kasama sila dito sa garden.

Medyo napatawa naman ako sa reaksyon nila. Para silang nakakita ng multo. Agad silang yumuko na kinagulat ko.

"Paumanhin sa aming pag iingay Supremo." Tumango ang Alpha sakin na parang sinasabing aalis na sya.

Nang makaalis ang Alpha parang nabunutan ng tinik ang mga pinsan ko. Nagkatinginan sila sa isa't isa at nagtawanan. Napahawak sila sa kanilang dibdib. Nagsalita naman si kuya darius.

"Kingina ang kaba ko, ganon pala katindi ang presensya ng Alpha."

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now