Part 25

1.4K 53 0
                                    

Ashira POV

Napamura na lang ako ng mahina ng nakita kong ang Alpha pala ang nadali ko. Agad ko naman syang tinulungang makatayo at ng makatayo na sya ay nakakapagtaka dahil hindi nya pa din binibitawan ang kamay ko. Hinila ko ang kamay ko pero mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkakahawak dito. Napairap na lang ako.

"Maari mo na bang bitawan ang aking kamay?" Magalang pero inis kong tanong. Umiling naman ito at ngumiti ng nakakaloko. Ano na naman bang trip nito?

"Sabi ko tawagin mo ako sa tunay kong pangalan kapag tayong dalawa lang ang magkasama." Nakangiting saad nito na tila nang iinis pa.

"Ano na naman bang trip ito Damon?" Talagang diniinan ko ang pagtawag sa napaka ganda nyang pangalan.

"2 days kang nawala. Tapos yung pagkikita natin ngayon ang pangit pa. Nawala ka noong isang araw pero nakakapagtaka dahil nung nawala ka, nawala din ang beta at ang mga bagong salta." Halos kagatin ko ang dila ko sa sobrang kaba. Ano na naman kayang palusot ang gagawin ko?

"Emergency. Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na nagawang mag paalam sa inyo." Nakayukong saad ko upang hindi nya makita ang reaksyon ko. Ngunit, matalino ang Alpha hinawakan nya ang baba ko at inangat ito.

Nagkasalubong ang mga mata namin. Sobrang seryoso at napakalamig na tingin ng Alpha. Nakipagtitigan ako ngunit ako rin ang unang sumuko dahil para bang inaalam nya ang pagkatao ko gamit ang malalim nyang pagtitig. Umiling ito na para bang may nalaman.

"Linisin mo ang buong gym habang yung mga lalaking yun." Napatingin naman ako sa tinuro nya. "Sila ang maglilinis ng cafeteria." Napakunot noo naman ako at nag protesta.

"T-teka Damon bakit ang daya naman ata? Alam kong malaki ang cafeteria pero ako? Mag isang lilinisin ito? What the heck!?" Napatawa naman ang Alpha sa sinabi ko at mahinang kinurot ang pisngi ko.

"Kaya mo yan. Alam kong malakas ka." Napanguso na lang ako sa inasta ng Alpha. Tatalikod na sana ako ngunit may pahabol pang sinabi ang Alpha.

"By the way pagkatapos mong maglinis. Pupuntahan kita dito kailangan kitang makausap ng tayo lang dapat." Nakakapagtaka dahil ano na naman ba ang sasabihin nya?

Nagmartsa na ako palayo at nakita ang mga pinsan ko na may hawak na iba't ibang panlinis. Nang makalapit na ako sa kanila ngising ngisi naman sila na parang baliw. Hindi ko na lamang sila pinansin at kumuha na ako ng mga panlinis.

"Pisilan pa more!" Duon ako napatawa sa sinabi ni Kuya Darius. Paano ba naman kase nag boses babae pa. Mabuti na nga lang at sila lang ang nakakita sa ginawa ng Alpha.

"Ano ka ba Kuya Darius! Maglinis na nga lang tayo." Pagsasabi ko. Hindi ko napigilang ngumiti ng alalahanin ang ginawa ng Alpha. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramadaman ko ang pagbilis ng kalabog nito.

"Napapangiti yung isa dyan o. In love na ata ang ating baby." Napakamot ulo na lang ako. Pinalibutan naman nila ako na para bang nag iimbestiga.

"Ganon ba kayo ka close ng Alpha?"

"Bakit kinurot ka nya?"

"May namamagitan ba sa inyo ng Alpha?"

"Patagong relasyon ba ang mayroon kayo?"

"Alam na ba ito ni Drake?"

"Kamusta naman ang kotse mo na nasa masukal na daan?"

Napasigaw kaming anim sa hindi inaasahang pagkakataon. Bigla kasing sumulpot si Kuya at tinanong kung kamusta na nga ba ang kotse ko. Napatayo kami at agad ding nag seryoso.

"Simulan nyo na ang paglilinis." Agad kaming naghiwalay na anim upang simulan ng mag linis.

Sayang outfit ko tapos maglilinis ako ng gym? Nang nakaganito? Sinimulan ko ng linisin ang gym at sa gilid gilid ako nagsimula. Mukhang matatagalan pa ako sa paglilinis dito.

***

Napa upo ako dahil sa matinding pagod. Tapos na din mag linis sila Kuya Darius kaya sabay sabay na kaming bumalik sa bahay ng mga gamma.

Pagkarating namin nag unahan kami sa cr pero dahil nag drama ako pinauna na nila ako.

Napapikit ako ng naramdaman ko ang malamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko. Mabilis din naman akong natapos dahil na alala ko na kailangan nga pala naming mag usap.

Mabilis akong nagbihis at sinabing may pupuntahan lang. Pag kalabas ko ng pinto ramdam ko ang simoy ng hangin. Mabilis kong tinahak ang gym at nakita duon ang Alpha.

"Damon, ano yung pag uusapan?" Napalingon ito sa akin at tumingin ng diretso.

"Bukod sa masasamang bampira na ating inaalam mayroon pang dumagdag sa listahan." Nagtataka naman ako sa sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot noong tanong ko.

"Bad black wolf. Pamilyar ka ba sa kanila?" Nagulat naman ako sa tanong ng Alpha. Bakit nya sa akin tinatanong? May alam na ba sya?

"H-hindi. Hindi ko sila kilala at ngayon ko lang sila narinig." Kahit anong gawin ko ay hindi mawala ang kaba lalo na sa pag sasalita ko.

"Totoo nga ba talaga? Na wala kang alam?" Tinignan ako ng seryoso ng Alpha. Hindi ko ito tinignan dahil natatakot ako na baka malaman nya.

"A-ano bang sinasabi mo?" Nilapitan ako ng Alpha at hinawakan ng mahigpit sa kamay. At sa isang iglap, nasa ibang lugar na kami.

Nilibot ko ang mata ko at napagtantong nasa garden na pala kami. Naupo ang Alpha sa damuhan kaya naman umupo din ako sa tabi nya.

"Noong bata palang ako, hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay. Laging sinasabi ni mom at dad na kapag nasa labas daw ang isang tulad ko ay maaring manganib ang buhay ko. Naiingit ako sa mga ibang bata noon. Feeling ko kase malaya sila, itulad mo na lang sakin na nakakulong sa bahay. Isang araw sinuway ko ang utos ng mga magulang ko. Lumabas ako sa kagustuhan kong maging malaya. Mayroon akong naging kaibigan. Halos ituring ko syang kapatid pero lahat ng pinakita nya sakin ay kasinungalingan. Ang pamilya nya at pamilya ko ay magkalaban. Wala akong ka alam alam sa mga nangyayari. Namatay ang nanay ko sa pagliligtas sakin. Simula ng nangyari ang lahat ng iyon, nagbago ang pakikitungo ng tatay ko. Halos hindi nya na ako kilalanin bilang anak nya, halos isumpa nya ako araw araw, at hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko sa pagtitiwala sa maling tao." Hindi ko alam pero nagu-guilty ako. Na aawa ako dahil hindi ko alam na ganito pala ang buhay ng Alpha. Pero nagtataka din ako.

"Bakit mo sakin sinasabi ang lahat ng iyan?" Malumanay na tanong ko. Tumingin ng diretso ang Alpha sakin.

"Dahil ang ayoko sa lahat ay ang mapagpanggap na tao. Kaya tatanungin ulit kita, sino ka ba talaga






Ashira Astrid Evans?"

***

Crimson University (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu