Part 27

1.3K 54 2
                                    

Ashira POV

Dumiretso ako sa next class ko ng natapos ang pag kwekwentuhan namin ni Sheila. Nadatnan ko naman na walang tao sa room kaya naman nakapagtataka dahil wala naman akong nabalitaan na kanselado ang klase. Naka receive naman ako ng mensahe sa isang unknown number.

Unknown Number
-punta ka sa office now na.

Agad naman akong nagtungo sa office ko at nadatnan ang Alpha na nakaupo at seryosong may tinitignan sa aking lamesa. Lumapit naman ako dito at yumuko bilang pag galang.

"Mabuti naman at nandito ka na, Beta na lang ang kulang upang masimulan ko na ang ating pag uusapan."

Napapikit naman ako sa sinabi ng Alpha. Medyo na awkward nga ako dahil sa huli naming pag uusap ramdam ko na marami na syang alam na tila ba hinihintay na lang akong manguna. Tapos dadagdag pa si Kuya Drake? What the heck? Mas lalong awkward yun.

Napatingin naman ako ng nagbukas ang pinto at nakita ang si Kuya Drake na seryosong nakatingin samin ng Alpha. Napatingin naman ako kay Kuya Drake at napatingin din sya ngunit sya na mismo ang umiwas ng tingin sa akin.

"Kung hindi nyo nakikila si Andrea Berde, vampire, class A bilang third year high school. Gusto ko lamang na malaman nyo na ilang araw na syang nawawala at gusto kong bigyan natin ito ng pansin. Masyado ng lumalala ang mga masasamang bampira at nabalitaan nyo naman siguro na ang Bad Black Wolf ay tuluyan ng nakapasok sa paaralang ito. Hindi sapat ang seguridad natin dito kung hindi natin bibigyang pansin ang mga bagay tulad nito."

Seryoso ang Alpha na nakatingin samin ni Kuya. Binigay nya samin ang larawan ng Andrea na tinutukoy nya. Pinagmasdan ko itong mabuti. Parang nakita ko na sya. Umiling ako at tinignan ulit ng mabuti ang larawan.

Nagbukas naman ang pinto at niluwa nito ang dalawang babae na siguro ay kasing edad ko lang o kaya naman kasing edad lang ni Andrea.

"Maupo kayo." Umupo ang dalawang babae sa sofa na hindi pa rin naka angat ang ulo.

"Sino sila." Mahinang tanong ko sa Alpha.

"Sila ang kaibigan ni Andrea, at nandito sila upang bigyan tayo ng direksyon upang malaman nating kung sino ang huling nakasama ng kaibigan nila." Napatango naman kami ni kuya.

Ramdam pa rin ang hindi pag kikibuan namin ng beta at matinding pag kailang sa isa't isa. Ngunit ngayon, kailangan ko munang balewalain ito.

Inutisan naman ako ng Alpha na ako na daw ang magtanong ng bawat detalye sa dalawang babaeng nasa harapan namin. Kumuha ako ng silya at humarap sa dalawang babae.

"Sisimulan ko na. Handa na ba kayo?" Tumango ang mga ito ngunit ramdam ko ang takot at kaba sa mga ito.

"Kailan kayo huling nag sama sama?"

Sumagot ang isang babae na nag ngangalang Ericka.

"Noong Sabado. Masaya pa kami noong magkakasama. Nagkwekwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari sa loob ng klase. Wala naman syang nabanggit na kahit ano samin na konektado sa pag kakawala nya."

Sinulat ko naman ang binigay na salaysay sa akin ni Ericka. Tinuon ko naman ang atensyon ko kay Angela na isa pang kaibigan ni Andrea.

"Any idea kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ang kaibigan nyo?"

Tumingin naman sa akin ito ng diresto. Napaka lamig ng tingin nito at sobrang seryoso. Bumuntong hininga muna ito bago simulang ang pag sasalita.

"Mayroon syang nabanggit sakin." Napatingin ang Alpha at Beta na kanina lang ay nag uusap.

"Noong sabado na magkasama kami. Mayroon syang binanggit na pangalan. Lagi nya itong ikinikwento sa akin. Una pa lang nakaramdam na ako ng kakaibang pangitain ngunit dahil kaibigan ko sya, hindi ko sya pinangunahan."

Natigil ang kanyang pag sasalita ng sumabat ang kanyang kaibigang si Ericka.

"Bakit hindi ko alam ang tungkol dyan Angela?" Tila naguguluhang tanong ng kaibigan nya.

"Dahil ayaw ni Andrea na mag alala ka. Dahil alam nya na kokontra ka kapag sinabi nya na nakakilala sya ng bagong nag papasaya sa kanya lalo na at lalaki ito." Hindi ko mapigilang magtanong na nag pa serysoso lalo sa usapan.

"Yung lalaking tinutukoy mo, matagal na ba syang kakilala ng kaibigan mo?" Umiling ito at mapait na ngumiti sa amin.

"Yun nga yung problema. Wala akong kaide ideya kung paano nya nakilala ang lalaking tinutukoy nya. Kaibigan nya kami pero wala kaming ka alam alam sa kung ano ng nangyayari sa kanya."

Hindi nito napigiling maiyak dahil sa binitawan nyang salaysay.

"Pag katapos ng naging pag uusap nyo noong sabado, wala ba syang nasabi sa inyo na konektado sa pag kakawala nya?"

Napatingin naman ako ng biglang nagsalita si Ericka na tila ba may na alala sya.

"Ako natatandaan ko." Napakunot naman ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Seryosong tanong ng Alpha.

"Noong gabing nasa kwarto na kami nagising ako dahil nakita ko sya na tila may pupuntahan. Hindi ko iminulat ang mata ko at nag panggap na lamang na tulog ako. Narinig ko yung huli nyang sinabi bago sya umalis ng tuluyan." Habol hininga si Ericka habang nag bibigay ng salaysay.

"Anong sinabi nya? Sabihin mo na!" Hindi napigilan ng betang sumigaw. Marahil ay naguguluhan na din sa kung anong mga nangyayari.

"Sinabi nya gusto nyang maging masaya kasama yung lalaking nakilala nya."

Halos magulantang ako sa aking narinig. Kung hindi ako nag kakamali ang tinutukoy nya. Kinuha ko ulit ang larawan at ng mabuo ang detalye na nasa utak ko, duon ko lang nalaman ang lahat.

"Si Andrea nung gabing nawala sya, nakita ko sya." Napatingin ang Beta sakin.

"P-paanong nakita mo!?" Tinignan ko ang Beta at Alpha na naghihintay sa isasagot ko.

"Nagmamadali ako noon. Nung sabadong iyon yung yung araw na umalis ako dahil kinailangan kong umuwi. Mabilis ang bawat kilos ko noon. Hanggang sa may nabangga ako at tama, tama yung nasa isip ko. Si Andrea yun at bago pa man din sya tuluyang mawala sa paningin ko binanggit nya ang pangalan ng lalaking kasama nya."

Natigil ang aking pag sasalita ng may naramdaman akong kakaiba. Para bang may nakatingin sa amin. Huminga ako ng malalim at seryosong binanggit ang pangalan na aking narinig.

"Alucard."

***

Crimson University (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang