Part 23

1.4K 55 5
                                    

Someone's POV (pt.2)

Naguguluhang tumingin si Ashira sa matanda. Halos masira na ang kanyang ulo sa kakaisip kung anong ibig sabihin nito. Ngumiti ang matanda at mahina syang tinapik sa balikat.

"Apo matutulog na ako, ikaw na ang bahala sa magandang binibining ito." Sunod tingin si Ashira sa matanda hanggang sa pumasok na ang matanda sa isang silid.

Napaupo na lamang sya at napahawak sa ulo nya. Naramdaman naman nyang umupo si Dexter sa tabi nya kaya naman nag angat ulo sya. May dalang isang basong tubig ang lalaki at agad nya naman itong tinanggap. Tinignan nya ang lalaki at walang pagdadalawang isip ay tinanong nya ito.

"Ano ang pinahihiwatig ng lola mo?" Naguguluhan nyang tanong. Napailing naman si Dexterat kinuha ang baso ng tubig sa kamay nya.

Tumayo ito at dumiretso sa kusina kaya naman tumayo din sya at sinundan ang lalaki.

"Alam ko na itatanong mo sa akin yan." Makahulugang sagot ng lalaki.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtatanong ni Ashira na hindi maalis ang tingin sa lalaki.

"Una, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni lola. Bata pa lang ako sinasabihan na nila na baliw daw ang lola ko mangkukulam at kung ano ano pang pang iinsulto. Ang nanay at tatay ko nagtratrabaho sila sa isang malaking kompanya. Maganda ang takbo ng buhay namin. Ngunit sa isang iglap lahat nagbago. Isang gabi nagsalita si lola ng mag isa sinabi nya na "may mawawala pero lahat ng pagsubok kailangang kayanin." Noong una naguguluhan ako, hanggang isang araw nakita na lang yung katawan ng nanay at tatay ko sa isang gilid ng kalsada na wala ng buhay." Napatakip si Ashira ng bibig dahil na rin sa gulat. Hindi nya inaasahan na ang lalaking kaharap nya ay maikwekwento ang buhay nito sa kanya.

"Ang ibig mo bang sabihin pinatay ang mga magulang mo ng masasamang tao?" Umiling ang binata sa tanong ni Ashira.

"Hindi mga tao ang pumatay sa kanila. Mga hayop. Ang black wolf." Nagulat si Ashira sa sinabi ng binata.

"Ang black wolf ang sumugod sa pamilya ko. Para paikliin ang pag uusap, maari bang totoo ang sinasabi ng lola mo?" Tumingin ang binata dito at tumango.

"Hindi pa nag kakamali ang lola sa mga sinasabi nya. Kailangan mong mag ingat Ashira." Napangiti na lamang si Ashira sa pahayag ng binata.

Nagtungo ang binata sa isang silid at sinabi nya na sumunod si Ashira.

"Paumanhin Ashira kung hindi gaano kaganda ang kwartong ito. Pagtyagaan mo muna." Si Ashira ang nahihiya sa sinabi ng binata.

"Ano ka ba Dexter, ako ang dapat mahiya. Salamat dahil kahit hindi mo pa ako kilala ay pinatuloy mo ako." Ngumiti si Dexter kay ashira.

"Matulog ka na binibini kailangan mong mag handa para bukas."

"Ikaw din. Salamat." Tango na lamang ang sinagot ni Dexter bago ito tuluyang tumalikod. Sinara na ni Ashira ang pinto at nahiga na sa kama.

Tumingin sya sa kisame at iniisip ang sinabi ng matanda at pati na rin ang kwento ni Dexter. Kung may darating pagsubok kailangan ko itong kayanin bulong ni Ashira sa sarili nya.

Pumikit si Ashira at hinayaang higitin sya ng antok.

***

Nagising si Ashira ng may marinig syang ingay. Bumangon sya sa kama ngunit agad din naman syang napaupo dahil naramdaman nya ang kirot sa may paanan nya. Iika ikaw syang tumayo upang tunguhin kung saan nanggaling ang ingay na narinig nya.

"Paumanhin binibini hindi ko ginustong gisingin ka." Napalingon naman agad si Ashira sa kanyang likudan at napagtantong naghahanda pala ng almusal si Dexter.

Agad nya namang nalanghap ang mabangong pagkaing inihanda ni Dexter na nagpakalam ng kanyang sikmura.

"Mukhang gutom ka na binibining Ashira halina't samahan mo na akong kumain." Napatango na lamang si Ashira at umupo na. Nagtataka naman syang tumingin sa paligid at nabigo sya sa kanyang hinahanap.

"Ang lola mo, asan sya?" Ngumiti naman ang binatang si Dexter sa tanong ni Ashira.

"Wala si lola. May kailangan kase syang gawin kaya naman mamaya pang gabi ang kanyang uwi." Magalang na sagot ng binata.

Kumain sila ng tahimik. Agad din naman silang natapos sa pagkain at si Ashira na mismo ang nag alok na sya na ang maglilinis ng pinagkainan. Hindi na din naman nakatanggi si Dexter dahil nagprotesta na si Ashira.

Natapos si Ashira na maglinis at lumabas ng bahay. Napagtanto nya naman na wala si Dexter sa labas kaya naman pumasok ulit sya sa bahay at duon napagtanto na meron palang bakuran sa likod ng bahay. Agad syang pumunta duon at nakita si Dexter na nag eensayo.

Natigil ang pag eensayo ng binata ng naramdaman nya na mayroong mga matang nakatingin sa kanya. Agad naman napaiwas ang dalaga sa lalaki sapagkat ito'y walang saplot na pang taas.

"Paumanhin." Nakayukong sabi ng dalaga. Napatawa naman ang binata at lumapit sa kanya.

"Hindi mo kasalanan na makita akong ganito. Ako nga dapat ang humingi ng paumanhin dahil hindi ako nag ingat na makita mo akong ganito." Magalang na sagot ng binata.

Napatango na lamang si Ashira. Inabutan nya naman ng tubig si Dexter at kaagad naman itong tinanggap ng binata. Napansin naman ng binata sa hindi gaano kaayos ang lakad ni Ashira kaya naman dumiretso sya sa loob ng bahay upang kumuha ng panggamot. Nagtaka naman si Ashira kaya naman naisipan nya na lamang na maupo sa isang tabi.

Napa angat naman sya ng ulo ng biglang lumuhod sa kanyang harapan ang binata. Dahan dahan na kinuha ng binata ang kaliwang paa ni Ashira. Medyo nahiya naman si Ashira sa inasta ng binata dahil sarili nyang sugat ay hindi man lang nya nagamot.

"Dexter, hindi mo naman kailangang gawin yan." Nahihiyang sabi ng dalaga. Umiling naman ang binata.

"Ano ka ba Ashira, tungkulin ko na gamutin ang sugat mo. Ayoko na may makita akong babaeng nasasaktan." Napangiti naman ang binata ng natapos nya ng balutan ng malinis na puting tela ang may sugat na parte ng paa ni Ashira.

"Salamat sa pagtulong." Nakangiting saad ni Ashira. Inalalayan naman ni Dexter na makatayo si Ashira.

"Ashira, wala bang nag aalala sayo? Baka akalain nila naglayas ka na sa tahanan nyo." Pabirong sabi ng binata ngunit bago pa man din makasagot ang binata agad itong tumilapon.

Nakahiga ang binata habang nakatungtong ang isang kulay abong lobo sa dibdib nito. Pinalilibutan ang binata ng limang naglalakihang lobo. Agad namang lumapit si Ashira sa lobo na nasa dibdiban ng binatang si Dexter.

"Kuya, stop." Agad namang lumayo ang lobo sa katawan ni Dexter.

"Sinaktan ka ba ng lalaking ito!?" Pagtatanong ng kanyang kapatid ng bumalik na ito sa pagiging normal na tao.

"Kuya mali ang iniisip mo. Siya ang tumulong sakin." Tumingin naman ang Kuya ni Ashira sa lalaking nakatayo na sa pagkakahiga.

"Pasensya na ginoo ngunit kung ano naman ang iyong iniisip laban saakin ay mali. Nakita ko ang iyong kapatid sa gitna ng kagubatan kaya naman tinulungn ko sya at dinala na rin dito upang hindi na mapahamak." Tumango si Ashira sa kanyang kapatid na tila sinasabing totoo ang sinasabi nito.

"Kung ganoon, maraming salamat sa pag tulong sa kapatid ko." Magalang na sagot ni Drake.

"Walang anuman." Sagot naman ng binata.

"Kailangan na naming umalis." Agad namang sumakay si Ashira sa likod ng kanyang kuya ng nag anyong lobo ulit ito.

Ngumiti sya kay dexter.

"Maraming salamat Dexter." Masayang saad ng dalaga. Lumapit naman sa kanya si Dexter na nakangiti.

Kinuha ng binata ang kamay ng dalaga at hinalikan ang harapan ng kamay nito.

"Sa muli nating pagkikita binibini."

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now