Part 3

2.5K 101 0
                                    

Ashira POV

Maaga akong nagising dahil nakatanggap ako ng mensahe mula sa Beta na kailangan naming magkita sa gym dahil may sasabihin daw sya. Nung una nga nag dududa ako, baka kase kalokohan lang ang gagawin nya pero sinabi nya naman sakin na importante daw iyon.

Habang nag lalakad ako papuntang gym madami akong nakakasalabong na kababaihan as usual pinag uusapan nila ang mga susuotin nila para sa magaganap na party mamaya. Nang makalapit na ako sa gym agad kong nakita ang Beta kaya't nilapitan ko sya.

"Ano bang pag uusapan natin?" Pagtatanong ko sa kanya. Sumilay naman ang kanyang nakakalokong ngiti. Sabi na nga ba may gagawin ito!

"Easy gamma, sayang ang ganda." Tinignan ko naman sya ng masama kaya tumigil sya sa pagtawa nakalipas ang ilang segundo ay seryoso ko syang tinignan at seryoso na din syang tumingin saakin.

"So ano na? Tumatakbo ang oras beta." Agad naman syang tumikhim at tumingin saakin na may ngiti pa din sa kanyang labi.

"Mamaya ay susunduin kita sa labas ng dorm nyo. Sa ayaw at gusto mo ako ang magiging partner mo." Napanganga ako sa sinabi nya. Seriously? Akala ko pa naman may mas seryoso pa syang sasabihin bukod don. Palakad na sana sya palabas ng gym ng lingunin nya ulit ako.

"Please lang mamaya magsuot ka ng ayos, yung mag mumukha kang tao." Bago ko pa man sya mabatukan ay nawala agad sya sa panigin ko. Ang asong lobong iyon talaga!

Pwes mag handa sya mamaya titiyakin kong nganga sya sa makikita nyang pagbabago ko.

***

Malapit ng magsimula ang party. Nandito ako sa kwarto ko habang nakatingin sa salaming pinagmamasdan ang sarili ko. Nakasuot ako ng black off shoulder fitted gown na may mahabang slit kayat kitang kita ang mahaba at makinis kong binti sa kaliwa. Bukod don kitang kita din ang hubog ng katawan ko sa aking suot na tinernuhan ko pa ng black heels na may taas na 5 inches. Yung buhok ko naman ay kinulot ko ng konti dahil wavy na talaga ang buhok ko at kulay brown. Tinignan ko ulit ang itsura ko at naglagay ng red na lipstick. Perfect!

Maya maya ay nakarinig na ako ng katok kayat bumaba na ako. Huminga muna ako ng malalim at binuksan na ang pinto. Napaka gwapong nilalang ang sumalubong sakin with his black suit tuxedo. Agad naman syang natigilan na tila may nakitang multo sa kanyang harapan. Napatawa naman ako sa reaksyon nya at pakunwariy sinarado ang bibig nya. Nang maramdaman nya ang ginawa ko agad syang bumalik sa dati nyang reaksyon.

"Hindi ko naman akalain na gagawin mo talaga ang sinabi ko." Natatawang saad nya kaya't nahampas ko sya sa kanyang braso. Tinignan ko sya with matching taas kilay.

"Oh ano ka ngayon? Nga nga! Pero infairness bagay tayo ngayon, saan ba pupuntahan nating lamay?" Natawa naman sya sa sinabi ko at walang pasabing pumulupot na ang kanyang kamay sa aking bewang. Ngayon ay amoy na amoy ko na ang pabango nya.

"Baliw ka talaga. Tara na at baka naiinip na ang Supremo." Naglalad na kami patungo sa pag gaganapan ng party.

Nathan POV

Matagal ko ng kaibigan si Ashira. Bukod sa mabait sya matalino at talaga namang maganda sya. Habang papunta kami sa Full moon party. Napangiti na lamang ako ng hindi sya umaangal sa paghawak ko sa bewang nya.

Napakaganda nya ngayong gabi. Actually hindi lang ngayon,araw araw pero kaibigan ko to di kami talo. Kitang kita ang hubog ng katawan nya isama mo pa ang slit na nagpapakita sa napaka ganda nyang hita.

Nang malapit na kami doon ko lang napansin na lahat ng mata ay nakatingin saamin na para bang kami ang pinaka importanteng tao.

Natauhan ako ng sikihun ako ni Ashira kaya napangiwi ako. Amazona!

"Tayo na lang pala ang hinihintay pa VIP pa tayo eh!" Natatawa nyang saad. Lumapit naman ako sa tenga nya at binulungan sya.

"Nakatingin ng masama satin ang Alpha, mukhang nagseselos." Natatawa kong sagot sa kanya. Dahil sa sinabi ko mas lalong namula ang napaka ganda nyang mukha.

Nasa harapan na kami ng Alpha at tinuro nya ang dalawang bakanteng upuan na siguro ay para samin. Umupo kami ni Ashira. Nagsimula ng maglakad ang Alpha sa unahan at tumapat sa mikropono.

"Magandang gabi sa inyong lahat." Nakakakilabot dahil sa sobrang seryoso ng boses nya. "Ngayon malalaman nyo ang panibagong batas na ipaguutos ko sa inyong lahat. Pero bago ko sabihin iyon gusto ko munang magsaya kayo, maraming pagkain ang nakahanda kaya't kumain na muna kayo." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng Alpha. Napatingin naman ako sa katabi ko pero laking gulat ko ng wala na sya sa tabi ko at nakita ko na lamang sya na kumukuha na ng napakaraming pagkain. Natawa na lang ako sa ginawa nya.

Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik si Ashira na may dalang dalawang plato na may dalang iba't ibang pagkain.

"Oh kain na." Sasagot pa sana ako ng sinubuan nya ako. Natawa naman sya sa ginawa nya sakin. Napaka bully talaga.

Tapos na kaming kumain ni Ashira at ng mga ilang estudyanteng bampira at werewolf. Nagulat ako ng biglang may tumugtog na kanta at kasabay nito ang pagtayuan ng ilang estudyante. Tinignan ko naman si Ashira at nilahad ang kamay ko, agad nya naman iyong tinanggap kayat pumunta na kami sa dance floor.

I found a love for me
Darling just dive right in, and follow my lead
I found a girl beautiful and sweet
I'll never knew you we're the someone waiting for me

Kusang pumulupot ang kamay ni Ashira sa leeg ko habang ang kamay ko naman ay nasa bewang nya. Sway sway lang kami.

Cause we we're just kid when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
Darling just kiss me slow, your heart is all i own
And in your eyes your holding mine

Bago pa dumating ang chorus ng kanta biglang namatay ang ilaw kayat napaka dilim. Pero dahil isa akong werewolf malinaw ang pangin ko at kita ko ang Alpha na nasa harapan ng stage. Maraming estudyanteng nagsisigwan pero tumigil ang mga ito ng narinig nila ang anunsyo ng Alpha

"Pinapalitan ko na ang batas, maari na kayong umuwi sa tahanan nyo once a month."

At dahil sa narinig ko. Narinig namin. Ay nagsigawan kami at bumukas na ang ilaw kasabay ng pagbukas ng party song.

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now