Part 34

1.3K 43 0
                                    

ArrabellaOctavio

Ashira POV

Napaupo ako sa sobrang pagod. Tinignan ko ang lahat. Lahat sila ay nag sasaya. Nag sasaya na tila ba naabot na nila ang pinaka hihiling nilang mangyari. Tinignan ko ang Alpha at ganun din sya, masaya na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari. Tinignan ko ang ang Beta, tinignan ko ang aking kapatid. Masaya ako na natapos na ang lahat ng ito kaya naman tumayo ako ng dahan dahan na tinahak ang labasan ng hindi gumagawa ng kahit anong ingay.

Agad akong sumakay sa aking sasakyan. Hindi ko mapigilang umiyak na dapat ay saya na ang nararamdaman ko. Tinigil ko ang kotse sa isang bahay na pinagmulan ko. Ang tahanan ko. Tinignan kong mabuti ang mga tao na nagsasaya. Ang mga magulang ko na nakangiti ang mga pinsan ko na nagtatalon sa saya. Sila ang buhay ko.

Ilang minuto akong nanatiling nakatingin sa kanila ngunit gayun pa man ay kailangan ko ng lumisan. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Pinaandar ko ng mabilis ang kotse ko kaya naman hindi ko ito nabalanse ng maayos at nabangga ito sa puno.

Tanging ilaw lamang ng kotse ko ang nagsisilbing liwanag sa gitna ng kakahuyan. Tumingala ako at sinilip ang bwan na namumula. Lumaki ang mata ko at mabilis na umalis sa kotse. Tumakbo ako ng mabilis. Sa bawat takbo ko ay pumapasok sa utak ko ang mga masasayang ala-alang nangyari sa akin.

Hingal na hingal akong tumatakbo hanggang sa nasilayan ko na ang isang bahay na bukod tanging nasa gitna ng kakahuyan. Mabigat ang bawat paghinga ko. Kumatok ako sa pinto gamit ang buong lakas ko. Lumabas dito ang lalaking makakatulong sa akin.

"Binibining Ashira anong nangyari sa iyo?" Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong ni Dex at tuluyan na akong natumba sa kanyang bisig.

Napasigaw ako sa sakit na aking nararamdaman. Tinignan ko ang aking braso na unti unti nagkakameron ng pulang ugat at nagiging ube ang aking balat. Inalalayan ako ni Dex na makaupo sa kanilang kahoy na silya at nagmadaling isarado ang pintong naka awang.

Pumantay sya sa pagkakaupo ko at inangat ang ulo ko upang matignan ako. Ni hindi ko na kayang imulat ang mata ko sa sakit na aking nararamdaman. Pinagpapawisan ako ng butil butil at kahit hindi ko tignan ang sarili ko ay panigurado na sobra ang putla ko.

"Ano bang nangyari? Sagutin mo ako binibini, akala ko ba ay tapos na ang lahat?"

Pinilit kong imulat ang aking mata at tinignan sya ng dahan dahan. Ngumiti ako at tumulo ang luha na kanina ko pang pinipigilan. Umiling ako na nagpakunot ng kanyang noo. Dahan dahan akong tumayo at tumalikod sa kanya.

"Hindi pa tapos ang lahat." Halos kapos hininga kong saad.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Dex. Lumingon ako sa kanya at sinagit ang tanong nya.

"Buhay pa sya." Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay tila ba may malakas na pwersang hinhigit ako pababa na nagpawala ng aking malay.





Naglalakad ako sa kakahuyan. Ang huni ng mga ibon at pagaspas ng mga puno ang tanging ingay sa lugar na aking kinatatayuan. Umikot ako at pinakiramdaman ang hangin na dumadampi sa aking balat. Tinignan ko ang suot kong puting bestida na sumasabay sa sayaw ng mga puno. Inikot ko ang aking paningin.

Pinagmasdang mabuti ang lugar na aking tinahak. Nilibot ko ang aking mata hanggang sa tumigil ito sa isang lalaking naka itim na nasa gilid ng puno. Kaba ang aking nararamdaman ng mga sandaling ito. Kinain ko ang takot ko at dahan dahang lumapit sa lalaking nakaitim.

Hindi ko gaano makita ang itsura nito sapagkat nakayuko ito sa akin. Dahan dahan kong inangat ang aking kamay at laking gulat ko na lamang ng bigla itong nag angat ng tingin at binigyan ako ng isang nakakapangilabot na ngiti.

Ang mata nitong itim ay hindi maalis ang tingin sakin. Umatras ako sa pangamba na aking nadama. Hindi ako pwedeng magkamali. Umatras ako ng umatras hanggang naramdaman ko ang puno sa aking likuran.

Agad akong lumingon sa paligid ng biglang nawala ang lalaking naka itim, laking gulat ko na lamang ng bigla itong sumulpot sa aking harapan. Hinawakan nito ang aking braso ng napaka higpit kaya naman ang matilos nitong kuko ay ramdam ko kasabay ng pag agos ng likido sa aking braso. Napapikit ako sa sakit.

Tumawa ng parang demonyo ang lalaki. Unti unti nitong nilalapit ang kanyang pangil sa aking leeg ngunit ilang segundo ang lumipas ay wala akong naramdaman na kahit anong sakit. Minulat ko ang aking mata at nakita ang lalaking naka itim na tila may tinitignan.

Lumingon ako sa isang estrangherong lalaki. Hindi ko makita ang mukha nya sapagkat natatakluban ito ng kanyang saklob. Unti unti nyang tinanggal ang kanyang saklob at ng makita ko ang kabuoan ng mukha nya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Naglakad ito papalapit sa lalaking naka itim at nagsimula na silang maglaban. Hindi ko alam ang aking gagawin lalo na't nakita ko ang estarngherong lalaki na tumalsik at kita ko sa mukha nya ang kanyang inindang sakit.

Gusto ko syang lapitan ngunit hindi ko alam kung paano. Mabilis na nakasugod sa kanya ang lalaking naka itim ngunit mabilis din itong naka alis. Papalapit na ang lalaki sa akin. Kayang kaya ko ng abutin ang kanyang kamay ngunit bigla itong bumulgta.

Kitang kita ko ang luha na pumatak sa kanyang mga mata bago ito sumara. Napatingin ako sa lalaking naka itim na ngayon ay hawak ang puso ng estranghero. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Napaiyak na lamang ako sa nasaksihan ko.

Unti unti ang pag lapit ng lalaking naka itim sa akin. Ngumiti ito at bumulong sa akin.

"Hindi pa tapos ang lahat."






Nagising ako na pawis na pawis. Tila hinahabol ko pa ang aking hininga. Lumingon ako at nakita si Dex na tila nag aalala. Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng tubig. Ininom ko naman ito. Napabuntong hininga ako at napaiyak dahil sa aking naiisip.

"Ashira, ano ang iyong bangungot?"

Iyak lang ako ng iyak. Hindi ako makapagsalita ngunit pinilit ko.

"Hindi pa tapos ang lahat."

Naguguluhang tumingin sa akin si Dexter. Umiling ako at tinakluban ang mukha ko na puno ng luha ko.









"Buhay pa sya. Hindi pa tapos ang lahat."

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now