Part 36

1.3K 41 2
                                    

Dexter POV

Nagulat ako dahil sa pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang nakita ko. Hindi ko inaasahan na mag kakamayroon ng ideya ang kapatid ni Ashira na maaring dito nga sya pumunta. Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari subalit kailangan kong tumulong sapagkat iyon ang narararapat.

"Asan ang kapatid ko."

Lumingon ako sa isang silid kung saan mahimbing na natutulog si Ashira bago ko ulit ibinalik abg tingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko. Kung hindi ako nag kakamali Damon ang pangalan ng lalaking kasama ng kapatid ni Ashira. Binuksan ko ang pinto at yumuko sa kanila.

"Nasa loob ang iyong kapatid, maari kayong pumasok."

Pinaupo ko muna sila sa kahoy na silya at tsaka binigyan sila ng pansin. Tila naguguluhan naman ang kapatid ni Ashira sa kung anong nangyayari ngunit ang isang lalaki ay seryoso lamang ang tingin.

"Sabihin mo, ano ang nangyari sa aking kapatid?"

Inaasahan ko na na ito ang itatanong sa akin kaya naman tinignan ko sya ng seryoso at sinagot ang tanong nya.

"Pag katapos ng labanan na nangyari tumungo dito ang iyong kapatid. Nagulantang ako ng makita ko ang hindi ko maipahiwatig na kung ano sa kanyang braso. Tila mga pulang ugat at nag uube nyang balat ang iniinda nyang sakit. Pumunta sya dito ng kabilugan ang pulang bwan kaya alam ko na mayroong mangyayaring hindi maganda."

Naging seryoso ang tingin sa akin ng kapatid ni Ashira at duon lang ako binigyan pansin ni Damon base sa kanyang narinig.

"Ano ang ibig mong sabihin? Paano ka nakakasigurado na may mangyayaring hindi maganda?"

Inalala ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw at pinagtugma iyon.

"Noong unang punta dito ni Ashira ay buhay pa ang aking lola. Sinabi ng aking lola sa mismong harapan ni Ashira na sya ang itinakda. Nakapagtataka kung bakit napaaga ang labanan at kung bakit namatay agad si Alucard kung sya ang pinaka malakas. Sa paglipas ng araw ay parati kaming nakatatanggap ni Ashira ng isang puting kahon na naglalaman ng puso."

Tila hindi makapaniwala ang dalawa sa aking sinabi. Kaya naman napa kunot noo ako.

"Pinadadalhan ka din?"

Tumango ako bilang pagsagot. Napatingin naman kami sa kwarto ng biglang nakarinig kami ng pag daing. Agad kaming tumungo sa silid upang makita kung anong nangyayari.

"Ashira. Anong nangyayari?"

Nakapikit si Ashira habang hawak ang kanyang braso na tila iniinda ang sakit. Ilang saglit pa man ay tumigil sa pag sigaw si Ashira at huminahon sa pag hinga. Agad akong kumuha ng tubig at binigay sa kanya.

"K-kuya."

Umiyak si Ashira sa bisig ng kanya kapatid.

"Ano ang nangyari sayo?"

Umiling si Ashira na tila takot na takot. Hinawakan ng kanyang kapatid ang kamay ni Ashira upang pakalmahin.

"Nanaginip ako."

Tumahimik kaming lahat. Tila bawat isa sa amin ay hinihintay kung anong susunod nyang sasabihin.

"Darating si Alucard. Maglalaban kami ngunit may darating na lalaki na kakalaban kay Alucard ngunit sa huli sya ay mamamatay."

Hindi ko mapigilang kabahan sa aking narinig. Marami ng nagawa si Alucard. Marami na syang pinaslang na mga inosenteng tao bukod na dun ang lola ko at hindi na ako papayag na may mawala pa.

"S-sino ang lalaking iyon?"

Napatingin silang tatlo sa akin dahil sa aking tinanong tumingin sa akin si Ashira at dahan dahang tinuro ang nasa likod ko.

"Mamamatay ka Damon."

***

Nung araw na dinalaw si Ashira ay ang araw na inuwi na rin sya. Andito ako ngayon sa bahay nila sapagkat sinama ako ng kanyang kapatid upang tumira dito pansamantala. Mahirap na daw kase at wala pa akong kasama sa gitna ng kakahuyan.

Bumalik na naman ang dating Ashira na masiyahin ngunit hindi pa rin mapagkakaila na may dinadala pa rin syang problema. Kinaumagahan narinig ko naman ang pag uusap ni Ashira at Damon.

Hindi ko inaasahan ang aking narinig na nagpatawa sa akin ng mahina.

"Bakit pumayag ka na dito tumira ang lobo na yan?"

"Ano ka ba Damon isipin mo na lang ang sitwasyon nya, mag isa lang sya sa gitna ng kakahuyan at maaaring malahamak sya."

Nakita ko namang sumimangot si Damon.

"Tsk. Bakit lalaki naman sya ah!"

"Eh bakit ba nagagalit ka!?"

"Kase nga nakikita ko na parangmas importante pa sya sayo kaysa sa akin!"

"A-ano?" Natatawang tanong ni Ashira.

"Tsk."

Napatawa si Ashira na mas lalong nagpasimangot kay Damon.

"What the heck Damon? What's wrong with you? Are you jelous?"

Matagal bago makasagot si Damon ngunit nagulat si Ashira sa sunod nitong sinabi.

"Oo nag seselos ako! Ang akin ay akin."

Nakanganga si Ashira kaya naman ng tuluyan ng umalis si Damon ay duon na ako lumabas at tinignan sya ng nagpipilit ng tawa. Nagulat naman sya at namula ang buong mukha. Umiling iling pa ito na para bang hindi nagustuhan ang nangyari.

"Pasensya na kung narinig ko ang inyong pag uusap."

Tumingin ito sa akin at bahagyang natawa.

"Tsk. Lakas ng trip ng Damon no? Grabe buhay dapat ang pinag uusapan pero sya? Ang dami nyang time para mag selos!"

Natawa naman kaming dalawa sa sinabi nya. Natigil ang aming pag tatawanan ng bumalik si Damon. Tumingin ako kay Ashira at kinausap sya sa isip.

"Paano ba yan binibini, baka mapatay pa ako ng Alpha mo kung hindi pa ako aalis."

"Oo nga. Sige mamaya na lang tayo mag usap kapag wala na ang lalaking ito."

Nilisan ko silang dalawa at dumiretso sa garden nila. Nakita ko naman ang kanyang kapatid duon at hindi naman ako nag dalawang isip na lapitan sya.

"Pare."

Pagsisimula ko. Tumango naman ito sa akin.

"Upo ka."

Umupo naman ako sa kanya at pumikit upang damahin ang ihip ng hangin.

"Pasensya na kung pati ikaw ay nadamay sa gulong ito."

Napatingin naman ako dito ng seryoso at umiling.

"Hindi nyo kasalanan yon, una pa lang ay kasama na ako sa gulong ito."

Naguguluhan namang tumingin sa akin si Drake.

"Pinatay ang lola ko. Ang nagpapahirap ng sitwasyon nyo ngayon ay syang pumatay sa lola ko. Nawala ang mga magulang ko dahil inataki kami ng masasamng lobo. Ang lola ko ang natirang pamilya sa akin ngunit hindi ko inaasahan na mawawala sya ng basta na lang."

"Pasensya na, hindi ko alam ang nangyari."

"Ayus lang at handa ko namang isakripisyo ang buhay ko upang makuha ko ang hustisya na aking hinihiling."

Tumahimik kaming dalawa. Ngunit nagulat ako sa sunod nyang tanong.

"Handa ka bang pumatay?"

Matagal bago ko sagutin ang tanong nya. Handa nga ba?



















"Oo handa ako kung kinakailangan."

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now