Part 26

1.4K 53 1
                                    

Ashira POV

Nandito ako ngayon sa loob ng room dahil may klase kami ngayon. Katabi ko sa Sheila dahil kaklase ko sya sa subject na ito. Tahimik lang akong nakikinig sa aming teacher ng tumunog na ang bell kaya naman nagpa alam na ang aming teacher.

Bell na pero wala akong ganang umalis sa kinauupuan ko kaya naman yumuko na lang ako at sinandal ang ulo sa lamesa ng upuan ko. Naramdaman ko naman na may mahinang yumuyugyog sakin kaya naman napa angat ulo ako.

"Ayos ka lang?" Nakangiting tanong ni Sheila. Nginitian ko naman sya pabalik.

"Oo naman, anong rason para hindi ako maging okay diba?" Tumango naman ito pero ramdam ko na gusto nya pang mag tanong.

"Tara, kain tayo libre ko." Tuluyan na akong tumayo na bitbit ang gamit ko.

"Tara libre mo eh." Nakangiti kong sagot.

Habang papunta kaming cafeteria. Nakita ko ang mga pinsan ko na nangunguna sa pag iingay. Napa iling na lang ako. Sinabi naman si Sheila na sya na daw ang bibili ng pagkain kaya naman ako na ang humanap ng aming mauupuan. Nakita ko naman na mayroong bakante sa may dulo kaya agad ko itong pinuntahan at agad din umupo.

Luminga linga ako ngunit bigo ako dahil hindi mahanap ng mata ko ang gusto kong makita. Nagulat naman ako dahil hindi ko naramdaman na nandito na pala si Sheila.

"Sino bang hinahanap ng mga mata mo?" Nakangiting tanong ni Sheila.

"Hinahanap ka dyan, wala no! Kain na lang tayo." Natatawang sabi ko. Umiling naman si Sheila at inumpisahan na namin ang aming pagkain.

"Ashira may kwento ako sayo pero secret lang natin ito ha?" Tumango naman ako.

"Sure. Ano ba iyon?" Huminga muna ng malalim si Sheila at sinimulan na ang pagkwekwento.

"May boyfriend ako dati." Nagulat ako sa sinabi nya kaya naman napatayo ako.

"We!?" Hinigit naman ako pabalik ni Sheila sa pag kakaupo at duon ko lang narealize na nakakahiya ang ginawa ko.

"Ang ingay mo naman Ashira eh!" Nag peace sign naman ako at sinabing ituloy nya na ang kwento nya.

"So ayun nga, may boyfriend ako dati. Mabait, gwapo, sobrang marespeto at magalang. Nagkakilala kami sa gubat noon. Sa likod kase ng bahay ng lola ko may magandang garden, sa sobrang ganda ng garden hindi ko alam na masyado na pala akong napalayo. Mag gagabi na noon at tanging kaba lang ang nararamdaman ko hanggang sa dumating sya, tinulungan nya akong bumalik sa bahay. Napaka saya ko noong araw na iyon dahil bukod sa tinulungan nya ako yun din yung time na nagkakilala kami ng sobra. Lagi kaming nagkikita sa likod bahay ni lola. Halos ikwento ko sa kanya ang bawat detalye ng buhay ko. Then one day umamin sya sakin na gusto nya ako, natakot ako noong una dahil baka iwan nya lang ako pero sinubukan ko kase gusto kong maranasan na mahalin ng iba. Masaya kami, halos wala kaming pinoproblema. Pinakilala ko sya kay lola pero laking gulat ko ng nalaman ko na hindi pala sya normal na tao." Nagulat naman ako sa simabi nya at hindi napigilang magtanong.

"Hala! P-paanong?" Naguguluhan kong tanong. Hinawakan nya ang kamay ko at tinuloy ang pag kwekwento.

"Ang lola kase namin, parehas manghuhula. Hindi ko alam na ganoon ang matutuklasan ko. Actually nung nangyari iyon hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Ako? Sa isang hindi normal na tao? Halos gumuho ang mundo ko nung sya na mismo ang nagsabi saakin ng totoo. Sa pag aakalang sya ang mang iiwan, ako ang nang iwan." Medyo nanghinayang ako sa kwento ni Sheila. Hindi ko kase inaakala na bukod pala kay Nathaniel may nauna pa pala. Napa hinga tuloy ako ng malalim.

"Bakit di mo pinaglatuloy? Natatakot ka ba kase iba sya sayo? Iba sya sa inyo? Mabait naman sya diba? Yun nga yung nagustuhan mo sa kanya eh. Bakit ka sumuko? Bakit hindi mo pinaglaban." Hindi ko mapigilang magtanong kay Sheila. Medyo natawa naman sya sa naging reaksyon ko.

"Ashira, hindi mo alam kung gaano kahirap noong sinabi ko sa kanya na itigil na namin yung namamagitan samin. Sobrang sakit kase kailangan kong bumitaw dahil yun yung tama." Agad akong kumontra sa sinabi nya.

"Yung yung tama para sa kanila. Tama na bumitaw ka pero, inisip ba nila yung mararamdaman mo nung pinili mo yung desisyon na yun?"

"Siguro. Siguro, tama ka. Yung desisyon ko tama para sa kanila. Hindi mo rin naman ako masisisi kase sobrang gulo ko noong mga panahon na iyon. Hindi naman lahat ng nang iwan hindi nasaktan. Minsan pa nga, kung sino yung nang iwan sila pa yung mas nasaktan. Kapag kase nang iwan ka, akala ng ibang tao nagsawa ka na nakahanap ka ng iba. Hindi naman kase ganun yun, minsan kase kahit alam mo na, na masasaktan ka mas pinili mo pa ding masaktan kase alam mo na yun yung mas makakabuti."

"Sheila ang pinupunto ko lang naman dito, naging masaya ka ba sa pinili mong desisyon?"

Biglang tumahimik si Sheila. Napayuko at hindi napigilang maluha. Buti na nga lang at konti na lang ang mga estudyante at dahil nasa dulo kami wala rin masyadong nakakakita samin.

"Mali yung pinili ko. Kaya nga hinihiling ko na kung sakali mang magkita kaming muli gustong kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong sabihin na mahal ko pa rin sya. Si Nathaniel kase yung naramdaman ko sa kanya hindi kasing lalim ng naramdaman ko kay Dex."

"Kaya hanggang ngayon hindi mo pa rin nakalimutan? Sheila ikaw na mismo nagsabi na hindi kita masisisi pero, kung sinunod mo lang sana yung gusto mong desisyon siguro masaya ka kasama sya ngayon."

"Wala eh, simula nung bumitaw ako nawalan na ako ng balita sa kanya. Hindi ko alam kung saan na sya nakatira ngayon kung kamusta na ba sya? Kung masaya na ba sya? O kung mayroon na syang iba?" Lumipat ako ng upuan at tinabihan si Sheila inakbayan ko sya at kinutusan na ikinatawa namin.

"Yan kase! Wala ka tuloy boyfie! HAHAHA pero soon mahahanap mo sya. Malay mo yung Dex mo ulit yun." Natawa naman sya at inalis ang pag kaka akbay ko sa kanya.

"Sira ka talaga gamma. Bigat ng braso mo taba mo!" Tawa lang kami ng tawa hanggang sa may sumagi sa isipan ko.

"Sheila, anong full name nung tinutukoy mo?" Napatingin naman sya sakin.

"You mean Dex?" Tumango naman ako sa kanya.



















"Dexter Montague." Simple nyang sagot na kinagulat ko.

"Damn, you've gotta be kidding me."

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now