Part 10

1.9K 76 4
                                    

Ashira POV

Ilang Araw na ang nakalipas pero walang paramdam si Kuya. Nag aalala na ako ng sobra pero isinantabi ko na muna iyon. Iniisip ko pa din ang pag iiba ng mata ni Vincent. Nakakapagtaka dahil sya na mismo ang nagsabi na sya ay normal na tao. Hindi ko man dapat gawin ito pero kailangan.

Iimbestigahan ko sya dahil ayokong mapahamak ang sarili ko dahil sa katangahang pinapairal ko.

Baka nga siguro tama ang beta. Paano kung nagpapanggap lang sya na mabait? Na isa din syang masamang bampira? Ano ba talaga ang pakay nya.

Andito ako ngayon sa room at hinhintay na mag bell upang gawin ang kailangang gawin. Hindi naman ako nabigo at tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase mabilis kong binitbit ang bag ko at lumabas na ng room.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita ang Alpha o kahit presensya nya pero nakakasiguro ako na alam nya ang lahat lahat na nangyayari sa paaralang ito labas man o sa loob. Kumain muna ako dahil kailangan ko ng lakas kung sakali mang kagulat gulat ang masasaksihan ko mamaya.

Habang kumakain ako ay dumating si Vincent kaya agad akong napa ayos ng upo.

"Hi ashira." Masaya nyang bati nginitian ko naman sya at binati din.

"Hello Vincent."

"Bakit mag isa ka lang? Wala ba yung mga kaibigan mo at yung beta." Hindi ko alam pero medyo nabadtrip ako sa pagkakasabi nya ng beta.

"Busy sila." Pormal na sagot ko.

"Nga pala my sister bought me a condo here."

"Mabuti naman, akala ko sa labas ka matutulog eh."

"Nako hindi mangyayari yun."

"Okay?"

"You okay?" Pagtatanong nya na iknakunot noo ko.

"Yes I am."

"You look so pale."

Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Alam ko sa sarili ko na kinakabahan ako pero hindi ko naman akalain na mamumutla ako. Mabilis akong tumayo at sinabi sa kanya na may gagawin pa ako pero bago ako makaalis ay nakita ko ang munting pag ngisi nya.

Wala ako sa mood para makipag usap sa kanya dahil bukod sa pinoproblema ko ang pagkawala ni kuya pinoproblema ko din kung paano ko susundan si Vincent mamaya. Umuwi muna ako sa dorm at nagpahinga dahil para bang magkakasakit ako ngayong araw na ito.

Habang nakahiga sa kama at nakapikit hindi talga mawala sa isip ko ang pagbabago ng kulay sa mata ni Vincent at yung pag ngisi nya kanina. May masama ba syang balak? Kung may masama man syang balak, mamaya. Mamaya ko aalamin lahat ng kailngan kong malaman.

Aalamin ko kung sino ka Vincent.

***

Nagising ako sa pag kirot ng ulo ko. Agad akong napabangon ng napagtanto kong gabi na pala. Agad kong inayos ang sarili ko. Black V-neck shirt black pants black leather jacket with black shoes. Ngayong gabi ang pinakahihintay ko.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso pababa hindi ko na naabutan sila Nathaniel siguro ay busy nga talaga sila dahil parating na din ang mid-terms. Nang makalabas na ako tinignan ko muna kung wala ng tao sa paligid at ng nakita ko na malalim na ang gabi ay wala na akong nakitang estudyante bukod sakin.

Dahan dahan akong naglalakad at tanging tunog lamang ng sapatos ko ang naririnig. Napatigil ako sa paglalakad ng may nakita akong mga naka itim na lalaki kaya nagtago ako katabi ng isang malaking halaman. Nang papalapit na sula saakin ay narinig ko ang pinaguusapan nila.

"Magaling naman magpanggap ang boss natin ah."

"Magaling nga, mukhang napaikot nya na ang ulo ng babaeng iyon."

Napatulala ako sa sinabi nila. Ako ba ang tinutukoy nilang babae? Hindi ko masyado makita ang mukha nila dahil ang tanging buwan lamang ang nagsisilbing liwanag.

Umayos naman ako ng tayo upang hindi nila ako mapansin. Nang paalis na sila at hindi ko na sila makita ay agad akong lumabas sa pinag tataguan ko.

Napaatras ako sa sobrang gulat ko at sa kaba na din na nararamdaman ko ngayon.

"Alam mo bang masama ang makinig sa usapan ng iba gamma?" Nakakakilabot na boses na tanong nya.

"You are a fucking vampire!?" Galit na sigaw ko pero hindi sya nagpatinag at lumapit lang ng lumapit sa harapan ko at atras naman ang ginagawa ko.

"Yes dear, I am." Pagkatapos nyang sabihin ang salitang iyon ay nagbago ang kulay ng mata nya at lumabas ang pangil na tinatago nya.

Natatakot ako pero hindi ko pinapahalata pero dahil matalino ang bampirang ito mabilis syang lumipat sa likod ko at pinulupot ang kamay nya sa bewang ko.

"Hmm you smell so sweet." Inaamoy amoy nya ang buhok ko hanggang bumaba ito sa leeg ko at hinalikan nya ito.

Kumulo ang dugo ko sa ginawa nya at wala na akong sinayang na minuto ay kinuha ko ang kamay nya at pinaikot ito na nagpasigaw sa kanya.

"You freakin bitch!" Galit na sigaw nya sakin pero imbes na maawa ako ay nginisihan ko lang sya.

"Yes I'm a bitch!" Galit kong sagot sa kanya at tinadyakan sya sa mukha. Nang makatayo na sya ay parehas kaming nagsagutan ng suntok at dahil lalaki sya hindi mapagkakaila na malakas talaga sya.

"Marami na akong alam tungkol sayo."

"Walanghiya ka! Hayop ka!"

"Ikaw ang hayop! Masyado kang pakilamera! Alam kong mangyayari ang araw na ito kaya hinanda ko na talaga ang sarili ko."

"Kung kailangang mangielam talagang mangingialam ako. Tanga ka ba?"

Nang sinabi ko iyon ay bigla nya akong inatake pero nakaiwas ako. Nagtitigan kami ng tingin pero ng maalala ko ang sinabi ni Kuya binawi ko ang titig sa kanya.

'Basta bunso ito ang tandaan mo magaling makipaglaro ang mga bampira hindi lahat ng nakakasama mo ay totoo sayo. Huwag kang makikipagtitigan sa mata nila lalo na sa masasamang bampira'

Napangisi ako sa naisip may hinugot ako sa bulsa ko na ikanakunot ng noo nya.

"What the fuck are you doing!?" Galit na sigaw nya. Tumawa lang ako sa sinabi nya yung tawang pang demonyo para instense. Kung kanina sya ang lumalapit at ako ang lumalayo ngayon baliktad. Ako ang nalapit at syang ang lumalayo. Kita ko ang kaba sa kanyang mga mata.

"Magaling kang mag panggap. Napaka husay mo. Sa sobrang husay mo hindi ko akalaing tratraydurin mo ako."

"Kung hindi ka naman kase tanga! E di sana nalaman mo!" Galit nyang sigaw. Hinugot ko ang baril sa likuran ko at itinutok ito sa kanya.

"Papatayin mo ako? Sige iputok mo alam ko namang hindi mo kaya eh dahil ayaw mong madumihan ang kamay mo."

Natawa na lamang ako sa sinabi nya. Nilabas nya ang pangil nya at unti unting lumalapit sakin.

Unang hakbang.
*bang*

Pangalawang hakbang
*bang*

Pangatlo itinutok ko na sa puso nya at hindi na ako nag aksayang paputukin ito. Unti unting ngumiti ang kanyang gwapong mukha na nagpatulo sa luha ko.

"I saw everything." Napalingon naman ako sa nagsalita na si Sheila umiiyak din sya katulad ko. Lumapit sya sakin at nagyakapan kami.

"He's a vampire Ashira." Napangiti ako ng mapait sa sinabi nya.

"Yes. He's a vampire. Our beloved Nathaniel is a traitor and a vampire.

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now