Part 18

1.5K 56 2
                                    

Drake Nathan POV

Napalingon kami ni Neil sa sinabi ni Ashira. Nakatulala ito at tila may nakita na hindi nya inaasahan. Tinapik ko ito ng mahina sa balikat kaya't bumalik ang atensyon na saamin.

"Ayos ka lang?" Pagtatanong ko sa kanya. Tumango naman sya.

"Ashira nagkakamali ba ako na narinig ko na binanggit mo ang salitang Alpha?" Napatingin naman ako kay neil na maghihintay kung ano ang isasagot ni Ashira.

"W-wala. Wala akong sinabing ganon." Iling iling na sagot nya.

"Oh. Sorry." Tinignan ko naman si Ashira na biglang natahimik.

Mabilis kaming nakarating sa bahay. Agad kong pinark ang kotse at bumaba na kami. Tahimik na bumaba si Ashira na talaga namang pinagtataka ko. Nagkatinginan kami ni neil na para bang iisa ang tumatakbo sa isip naming dalawa.

Nang makapasok na kami sa bahay agad kaming sinalubong ni mom and dad ng yakap. Nginitian ko na lamang sila at dumiretso kami ni neil sa kwarto.

"Drake nung nasa mall tayo, wala ka bang napansin?" Tinignan ko si neil ng mabuti.

"Actually bro, meron eh. Ramdam mo din ba na parang may sumusunod satin?" Pagtatanong ko.

"Oo. Pero feel ko na hindi talaga tayo ang pakay." Naguluhan naman ako sa sinabi ni neil.

"What do you mean." Naguguluhang tanong ko.

"Well bro as a werewolf malakas ang pakiramdam natin and I guess hindi tayo ang pakay nung sumusunod satin." Napakunot naman ang noo ko. Sino naman kaya ang sumusunod samin?

"You mean si Ashira ang sinusundan?"

"Yes bro. Kaya sana pag ingatin mo si Ashira, yung kanina hindi ako nagkakamali na binggit nya ang salitang Alpha."

Ashira POV

Nakikinig ako sa usapan nila kuya neil habang nakasandal ako sa pinto. Binuksan ko ang pinto ng narinig kong sinabi ni kuya neil ang Alpha.

"Tama ka kuya neil. Binanggit ko ang salitang Alpha." Seryoso kong sabi sa kanila. Mukha naman silang nagulat dahil hindi ata nila inaasahan na naririnig ko ang mga pinaguusapan nila.

"What the hell Ashira!? Kaya ba ang tahimik mo kanina?" Galit ma tanong ni kuya.

"Look kuya, hindi ko naman ineexpect na ang Alpha ay makikita ko." Pagdadahilan ko ngunit nagulat ako sa sinabi ni kuya neil.

"Ang lalaking nakita mo kanina, hindi sya ang Alpha." Seryosong sabi ni kuya neil. Napanganga naman kame ni kuya.

"What the!? Hindi yun ang Alpha?" Sabay na sigaw namin ni kuya drake. Nagkatinginan kami pero agad ding bumalik ang atensyon namin kay kuya neil ng nagsalita ito ulit.

"Nakita ko na ang Alpha. Pero yung nakita mo kanina hindi sya ang Alpha. Kung sya ang totoong Alpha kahit hindi pa yan nakaharap sayo makakaramdam ka agad ng kaba pero sa nakita ko kanina. Isa syang masamang bampira at ikaw ang pakay nya Ashira." Napalunok ako sa sinabi ni kuya neil.

"Pero bakit ako?" Kinakabahang tanong ko.

"Hindi ko alam. At walang nakakaalam kung bakit ikaw ang pakay nya. Mag iingat ka sa mga nakakasama mo. Hindi mo alam kung totoo ba talaga sila sayo." Mas lalo akong kinabahan sa binigay na payo ni Kuya neil. Tumingin naman ako kay kuya drake na nakatingin pala sakin.

"Kuya, bukod ba sa ating pamilya may nakakaalam pa ba na isa akong taong lobo?" Napabuntong hininga si kuya at lumapit sakin.

"Wala na tayo tayo lang. Pero Ashira, maaari bang huwag ka munang masyadong dumikit sa Alpha?" Napakunot noo naman ako sa sinabi ni kuya.

"Tama sya Ashira. Mas mabuting lumayo ka muna sa Alpha para iwas na din sa gulo. At kung sino man yung masamang bampira na iyon makikilala din natin sya." Mahabang salaysay ni kuya neil.

Nagpa alam na ako sa mga ito at sinabing mag papahinga na ako. Napagpasyahan naman ni kuya neil na dito muna sya matutulog upang sya na ang maghatid sakin bukas sa school. Nahiga ako sa kama at niyakap ang unang katabi ko. Napa buntong hininga na lang ako. Hanngang kailan ba matatapos ang gulong ito? Pinikit ko ang mata ko at hinayaang higitin ng antok.

***

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng uhaw. Tumayo naman ako sa kama at binuksan ang pinto, ng pababa na ako ng hagdan napansin ko na para bang may tao sa salas. Kabang kaba akong lumapit hanggang sa lumingon ito sakin. Nakakatakot ang itsura nito. May mahaba syang pangil at mahahabang kuko at ang mata nya na itim na wala kang makikitang puti.

Habang sya ay papalapit ako naman ay paatras ng paatras. Nakangisi ang pangit nitong mukha habang nakalabas ang mahaba nitong dila. Mayroon itong binunot sa gilid nya at niluwa nito ang isang matilos na patalim. Unti unti nya itong inangat na tila isasaksak saakin.

Malakas ko syang nasipa kaya't tumalsik ito na nakagawa ng matinding ingay ihinagis nya sakin ang patalim at tumama ito sa kaliwa kong braso. Napasigaw ako sa sakit.

"Leche kang halimaw ka." Mahina kong bulong. Agad naman na tumakbo ang pangit na bampira na iyon at nakita ko na lamang sila kuya kasama si daddy at mommy.

"Sinong may gawa nan sayo!?" Nag aalalang tanong ni dad.

"Dad gamutin nyo muna ako masyado ng mahapdi." Tumango naman sila at agad akong inalalayan ni kuya drake.

Matapos magamot ang sugat ko. Nagulat si kuya sa pag iiba ng kulay ng mata ko.

"Hey you okay? Namukhaan mo ba sya!?" Nag aalalang tanong ni kuya drake habang si kuya neil naman ay nakatingin sakin ng mabuti.

"Yung mukha nya katulad sya nung masamang bampira na nasa selda. Kuya, sinabi nya na babalikan nya ako. Natatakot ako mom and dad. Bakit ba hindi na matigil ang mga masasamang nangyayari sakin? Pagod na ako." Hindi ko mapigilang maiyak. Agad namang lumapit sakin si mom at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko na umiiyak din si mom kaya mas lalo akong naiyak ng sobra.

Nag usap usap naman sila dad kuya drake, at kuya neil. Pinag usapan nila kung kailangan na bang papuntahin ang buong angkan sa bahay dahil yun ang nakakabuti. Agad namang sumang ayon si mom at kuya. Hindi gaano kalaki ang bahay namin pero malawak ang bawat kwarto kaya nakakasiguro ako na kasya ang buong angkan namin dito.

"Mom, hindi ba masyadong malaking abala na iyon?" Mahinang tanong ko. Agad namang lumapit sakin si mom.

"Anak matagal na nilang gustong pumunta dito. Ang mga pinsan mong lalaki nag aalala na sila sayo and this time hindi na namim palalampasin ang nangyaring ito sayo. Itong ginagawa namin ay para din sa ikabubuti mo. Pag nandito sila mas lalo kang maproprotektahan ng mabuti."

Napa buntong hininga na lang ako. Tumingin ako kay dad tumago ito pati na rin sila kuya drake at kuya neil ay ganon din. Yumakap sakin si kuya drake at bumulong.

"Ngayon nila malalaman kung gaano kabangis ang mga taong lobo."

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now