Part 24

1.4K 52 4
                                    

ellaizachavez jelaine025 supremekath Luna_Resie salamat sa suporta although hindi pa sikat itong story na ginagawa ko pero lagi nyo akong pinupush na kaya ko ito! Matatapos ko ito! Salamat sa suporta! Love u!!!

Ashira POV

Andito kami ngayon ni Kuya sa loob ng aking silid. Tahimik at tila walang may balak na magsalita sa amin. Naghintay pa ako ng kaunting minuto ngunit wala pa rin kibuan ang nagaganap. Tumayo ako at hinawakan ang pihitan ng pinto ngunit hindi pa man din ako nakakalabas ay hinigit ako pabalik ni kuya.

"Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni Kuya. Nilingon ko naman sya at nakita ang munting luha na gustong pumatak sa mata nya.

"Hindi ko alam." Simpleng sagot ko. Napailing naman si kuya at nagulat na lamang ako ng sinuntok nya ng malakas ang pader.

"Fuck naman Ashira! Hindi naman pwedeng umalis ka lang tapos hindi mo na alam kung anong nangyayari sayo!?" Galit na sigaw nya. Napatayo naman ako at sa galit ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Hindi ko alam okay!? Hindi ko alam! Kahit ako hindi ko na alam kung anong nangyayari sa sarili ko! Kaya huwag mong isumbat sakin kung bakit ako ganito kase kahit ako hindi ko masagot ang tanong na yan! Kuya kita diba!? Intindihin mo naman ako! Kase pagod na ako sa sitwasyon kong ito! Kung pwede lang takasan ko ito! Kung pwede lang akong maging-" naputol ang pagsasalita ko ng sumabat si kuya.

"Na ano? Na sana tao ka na lang!? Para hindi mo maranasan lahat ng pagsubok na ito? Oo kapatid mo ako! Iniintidi kita! Pero ang isumbat mo sa akin na sana naging tao ka na lang? Sana nga. Sana nga nangyari na lang yon para hindi na lang kita naging kapatid." Natulala ako. Sa isang simpleng sagot tila nawasak na ako. Napaupo ako sa sahig at hindi binigyang pansin ang pagtulo ng luha ko.

Pumasok si Kuya Jake sa loob ng silid. Pinunasan ang luha ko. Sarado ang tenga ko dahil kahit anong sabi nya ay hindi ko pinapakinggan. Tumayo ako at iniwan syang mag isa, kinuha ko ang mga gamit ko at susi ng kotse. Ni hindi ko kayang lumingon kaya naman sa bintana ako dumaan. Pinatunog ko ang kotse ko at sumakay na ako mabilis kong pinaharurot ang kotse ko at napaiyak na lang ako. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa lumabo ang mata ko kaya naman nawalan ng balanse ang kotse ko at tumama ito sa isang masukal na lugar. Napahampas na lang ako sa manibela at napahawak sa ulo ko ng naramdaman kong may umaagos na likido.

Lumabas ako ng kotse at mabilis na tinahak ang paaralan. Ramdam ko ang tingin ng mga estudyante pero diretso lang ako sa paglalakad. Naramdaman ko namang may humigit sakin.

"Gamma, ano bang nangyari sayo at dumudugo yang gilid ng ulo mo?" Pabulong na sabi ni Sheila habang hawak ako. Tahimik lang ako hannga sa nakadating na kami sa bahay. Inupo nya ako at sinabing kukuha daw sya ng panggamot.

Napayuko na lang ako dahil feeling ko ang hina ko. Hindi ako normal na tao pero bakit ako pa ang nakakaramdam ng kaba at hina. Dapat malakas ako. Dapat kayanin ko. Nilinis ni Sheila ang sugat sa gilid ng ulo ko at ng tapos na ay tinignan nya ako. Hindi ko sya kayang tignan pabalik dahil masyadong mapagtanong ang mata nya.

"Ashira, anong problema? Maari mo bang ikwento sa akin?" Napatingin ako kay sheila. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero siguro ito na ang tamang panahon para malaman nya. Tumayo ako at tumalikod sa kanya.

"Papuntahin mo ang iba pang kasamahan natin. Mayroon akong importanteng sasabihin. Puntahan mo ako sa kwarto kapag buo na kayo." Umakyat ako sa kwarto. Dumiretso ako sa banyo at naglinis ng katawan. Nagsuot lamang ako ng itim na pants, itim na t-shirt, itim na sapatos, at itim na leather jacket.

Tinignan ko ang sarili ko. Inayos ayos ang buhok ko. Nang makarinig ako ng katok galing sa pinto. Bago ko buksan iyon ay naglagay muna ako ng itim na lipstick sa aking labi. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko na nakaupo ang mga kasamahan ko. Tumayo ako sa gitna ng lamesa at tinignan sila isa isa.

"May kailangan kayong malaman." Tumahimik sila na tila hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Hindi ako tao." Gulat ang nakikita ko sa mga mata nila. Hindi ko magawang tumingin sa kanila ng diretso.

"Anong ibig mong sabihin? Isa ka ba sa mga bampirang masasama?" Pagtatanong ng isa sa mga kasamahan ko.

"Tumahimik ka hindi ganon ang gamma! Lahat ng ginagawa nya ay may rason kaya igalang nyo pa rin sya dahil sya ang ating gamma!" Matapang na sigaw ni Sheila. Napa angat ako ng ulo at seryoso silang tinignan.

"Hindi ako tao. Isa akong taong lobo. Nagpanggap ako bilang tao upang protektahan kayo at protektahan ang sarili ko. Nagpanggap ako hindi dahil gusto ko kayong lokohin kundi dahil ito ang nararapat. Lahat ng ito ginawa ko dahil mayroon akong rason." Napatango naman sila ngunit hindi nagpaawat si Sheila.

"Yan lang ba ang gusto mong sabihin?" Umiling ako at inayos ang tindig ko.

"I'm Ashira Astrid Evans. Sister of Drake Nathan Evans."

Halos matawa ako sa reaksyo nila dahil lahat sila ay laglag panga na nakanganga ngunit mas pinili ko na lang na pigilan ang tawa ko at mag seryoso.

"Magkapatid kayo!?" Sabay sabay nilang tanong na parang ngayon lang natauhan sa sinabi ko. Tumango ako sa kanila.

"Kayo pa lang ang nakaka alam ng totoo. Hindi alam ng Alpha ang totoo kong pagkatao kaya sana pagbigyan nyo ang hiling ko. Huwag nyong sasabihin kahit kanino ang sikreto ko."

Nagpaalam ako sa kanila na may aasikasuhin ako ngunit hindi ko pa man din nabubuksan ang pinto ay nagtanong na naman sila. Napailing na lang ako at napangiti. Ang kukulit.

"Kaano ano mo yung mga kasama mo dito?" Napangiti ako sa tanong nila. Nilingon ko sila at binigyan ng isang matamis na ngiti.

"Mga pinsan ko." Tuluyan na akong natawa sa reaksyon nila. Agad akong lumabas ng bahay na seryosong mukha ang pinapakita.

Inisip ko pa din ang nangyri sa aking ama. Ang mga black wolf. Pagsisihan nyo ang ginawa nyo. Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa aking balikat. Sa sobrang gulat ko ay nabalibag ko ito at napalaki na lang ang mata ko ng nakita kong Alpha ito.

"Ano na naman bang ginawa ko?" Tanong ng Alpha na namimilipit sa sakit.

Ano na naman ba ito? Hindi ko na napipigilan ang sarili ko.

***

Blue_berrykisses hayaan mo ang mga taong ayaw sayo. Dadating ang karma at sa kanila tatama. Enjoy life lang love u!!!

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now