Part 32

1.3K 45 0
                                    

Ashira POV

Andito ang lahat ng estudyante sa gym. Pinatawag ng Alpha ang lahat ng estudyante sapagkat may mahalaga itong iaanunsyo. Nang dumating na ang Alpha tumahimik ang loob ng gym at tanging yabag lamang ng sapatos ng Alpha ang naririnig.

Bawat isa ay nag aabang sa kung anong sasabihin ng Alpha ganun na din kami ni kuya.

"Magandang hapon sa inyong lahat. Ngayong araw na ito isa na namang walang awa ang naganap sa pagkawala ng mga estudyante. Ginagawa na namin ang lahat ng aming makakaya upang malutas na ang gulong nararanasan natin ngayon. Alam natin lahat na nahihirapan ang bawat isa ngunit ngayon pa lamang sinasabi ko na maghanda kayo sapagkat bukas ay pansamantala nyo muna lilisanin ang eskwelahan na ito. Salamat."

Wala ni kahit anong ingay ang narinig namin. Mabilis na nawala ang Alpha sa aming paningin. Dahil malapit nang sumapit ang gabi. Pinabalik na namin ang mga estudyante upang makapag pahinga at makapag handa na rin para bukas.

Pinuntahan ko naman ang mga kasamahan ko at malungkot silang tinignan. Dumiretso ako sa kwarto at umupo sa kama ng biglang may kumatok.

"Pasok."

Nakita ko ang mukha ni Sheila na halatang nag aalala. Niyakap ako nito ng walang pasabi kaya naman niyakap ko din ito pabalik.

"Ashira maging matatag ka." Napaluha naman ako sa sinabi ni Sheila kaya naman iniharap ko sya sa akin.

"Kakayanin ko, ngunit hindi ko maipapangako kung hanggang kailan ako magiging matatag."

"Wag ka namang mag salita ng ganan. Gamma ka, at tungkulin mong lumaban para sa bawat isa."

"Sheila alam ko iyon at kailanman ay hindi iyon nawala sa isip ko."

"Ngunit Ashira mag iingat ka. Kung ano man ang natakbo sa isipan na maaring magdulot ng hindi maganda ay wag mo ng ituloy."

Nagtataka akong tumingin kay Sheila ngunit ngumiti lamang ito at nagpa alam na.

Napa higa na lang ako sa kama at pinikit ang aking mata. Alam kong si Damon ang pinaka nahihirapan dito kaya naman hinihiling ko na sana ay kayanin nya.

Dumating naman ang mga pinsan kong lalaki at tinabihan ako sa kama.

"Ashira, paano ka? Hindi man lang ba kayo uuwi ni Drake bukas?" Pagtatanong ni Kuya Cyrus.

"Oo nga naman Ashira, alam naming kasama ka sa tatlong antas ngunit hindi ba't baka mapahamak kayo?" Sa pagtatanong nila ay hindi ko na napigilang magsalita.

"Kakayanin ko mga kuyas, wag kayong mag alala uuwi kami ng buo ni kuya. Maayos din ang lahat ngunit hindi pa ngayon."

Tumango ang mga ito kasabay ng paghalik nila sa aking noo. Napatingin naman kami sa binta ng bigla itong bumukas at iniluwa nito si Kuya Drake.

"Dito na muna ako magpapalipas ng gabi." Seryosong saad ni Kuya.

Tumango naman ang bawat isa samin at sabay sabay kaming natulog na may dinadalang bigat sa dibdib.

***

Nagising ako ng nakaramdam ako ng may yumuyugyog sa akin at ng imulat ko ang aking mata ay nakita ko ang mga pinsan ko na dala ang kanilang mga bagahe.

"Aalis na kami Ashira." Pagpapa alam nila. Tumayo naman ako at sinabing sasama ako kahit man lang sa labas ng gate.

Maraming estudyante ang naka handa na at ang mga iba ay nag iiyakan. Patuloy lang kami sa paglalakad hanngang sa makita ko ang mga ka roommates ko na tila may hinihintay. Lumapit ako sa mga ito at gayun na din ang gulat ko ng bigla nila akong niyakap.

"Mag iingat ka Gamma. Sana sa pag babalik namin ayos na ang lahat."

Nag paalam na ang mga ito sa akin at nakita ko naman si Sheila na umiiyak habang papalapit sa akin. Hindi ko na rin napigilan maluha at yakapin sya.

"Babalik ka pa Sheila magkikita pa tayo." Pangungumbinsi ko sa kanya upang tumahan sa pag iyak ngunit mas lalo pa itong umiyak.

"Yun na nga eh, alam ko namang magkikita pa tayo pero iba yung nararamdaman ko. Ramdam ko kase na sa pag balik ko wala ka."

Napailing na lang ako sa sinabi ni Sheila at tuluyan na kaming nag pa alam sa isa't isa. Nang tumingin ako sa mga pinsan ko nakakapagtaka na sobrang tahimik ng mga ito.

"Huwag nyong sabihin na iiyak din kayo?"

Hindi ako sinagot ng mga ito at niyakap lang nila ako ng mahigpit.

"Mag iingat kayo Ashira. Hihintayin namin ang pag babalik mo."

Natapos ang pagpapa alam sa bawat isa at tanging mga gwardya lamang ang natira sa harapan ng gate.

Sinalubong ko si Damon ng isang ngiti at hinawakan nya naman ang aking kamay.

"Kakayanin natin ito."

Sabay naming tinahak ang hallway patungo sa office nito kung saan nag hihintay si Kuya Drake. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito ngunit nakakatakot pala ang Crimson University kung ganito katahimik.

Weird.

Binuksan ng Alpha ang pinto ng office at duon namin nakita si Kuya. Binitawan na nito ang kamay ko at nag tungo sa kanyang lamesa.

"Maghanda kayo mamayang gabi mayroon tayong kailangang ayusin." Nagkatinginan naman kami ni kuya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Pagtatanong ni Kuya.

"Nalaman ko lang na susugod dito ang tauhan ni Alucard. Kahit marami ang mga iyon ay mas malakas pa rin tayo."

"Paano ka nakakasigurado na mas ma lakas tayo sa kanila?" This time ako na yung nagtanong.

"Kung magtitiwala tayo sa sarili natin na kaya natin ito, magagawa natin silang matalo ng mabilisan."


Andito ako ngayon sa kwarto ni kuya upang maghanda sa kung anong mangyayari mamaya. Pinalipat ako ng kuya dito sapagkat natatakot sya na baka may mga tauhan ni Alucard na nag mamasid sa akin.

Hindi ko naman masisi si kuya sapagkat kahit ako ay nilalamon na ng kaba.

Natapos ang pag aayos ko kaya naman lumabas na ako. Nakita ko na seryosong nag uusap Si kuya at Damon. Nagtanguhan kami at tinahak na ang gym.

Habang naglalakad ramdam ko na may sumusunod sa amin ngunit hindi ko ito binibigyan pansin ngunit ng lumakas ang pakiramdam ko ay agad akong lumingon at hindi ako nag kakamali.

Agad kong nilabas ang aking patalim at sinaksak ito sa pangit na bampirang kaharap ko. Mistulang abo ito. Napatingin naman ako sa kanila na nakahanda na sa kung anong magaganap.

"Ito na ang laban."

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now