Battler #1: A Writer's Desire

123 20 9
                                    

Description: Lahat ng writer ay merong kagustuhan, ngunit kapag ito'y hindi nila nakamit, maaari silang makagawa ng isang aksyon na hindi kaaya-aya.

Why: Marami kasi akong nakikitang mga young journalist writers na kung ano-ano ang nangyayari sa buhay kapag nasayang lamang ang mga pinaghirapan nilang article. Kaya naisip ko, bakit hindi na lamang ito ang gawin kong konsepto sa aktibidad namin?

How: Gamit ang aking utak, puso, kamay, mata, at cellphone.  Hindi ko iniisip ang Writing Battle habang sinusulat ko 'to, basta sinulat ko na lamang ang aking saloloobin. Tsaka sabog din ako habang sinusulat 'to, kaya pagpasensyahan na po kung hindi ko na-achieve ang taste ninyo.

~*~

Mahinang kumatok si Khayne sa conference room kasama ang kanyang kaibigan na si Jaera. Sila ay mga journalist writer ng school paper publishing house. Pinapatawag sila ng kanilang editor-in-chief sa isang pagpupulong sa hindi malamang dahilan kaya't balot na balot ng kaba at takot ang kanilang sistema. Alam nilang pinapatawag lamang sila nito tuwing may hindi kaaya-ayang nangyayari sa eskuwelahan.

Pinagbuksan sila ng pinto ng kanilang associate manager. Pinapasok sila nito sa loob ng kwarto at agad silang sinalubong ng malamig na hanging galing sa air conditioner. Umupo ang magkaibigan sa isang upuan sa likod at hinintay ang pagdating ng kanilang editor-in-chief.

Ilang minuto ang lumipas bago bumukas ang pinto ng conference room, at iniluwa nito ang kanilang editor-in-chief na halatang pagod sa mga gawain dahil sa gulong-gulo buhok nito at malaking eyebags. Inayos muna nito ang kanyang damit bago pumunta sa harapan ng mga miyembro ng publishing house. Pumeke ito ng ubo na nagpaagaw ng atensyon sa mga taong nasa loob ng kwarto.

"Mga journalist writers, malamang ay wala kayong kaalam-alam kung bakit ko kayo pinatawag sa isang pagpupulong. Kaya't hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa at sasabihin ko na sa inyo ang rason ng pagtawag ko sa inyong lahat." Bungad nito at agad binalot ng mga bulungan ang kwarto. Kung ano-anong teyorya ang nabubuo sa kanilang isipan dahil sa sinabi ng kanilang editor.

"Dahil ito sa biglaang pagkakamatay ng mga journalist writers at managers sa iba't-ibang publishing houses ng mga eskuwelahan." Napahinto ang pagbubulungan sa kwarto sa inanunsyo ng editor. Agad binalot ng katahimikan ang paligid. Ang kaninang nagbubulungan ay natahimik.

Binalot agad ng kilabot at takot ang mga damdamin ng mga tao sa loob. Kung mga members lamang ng mga publishing houses ang namamatay, maaaring masama din ang kanilang publishing house. Maaari ding maputol ang linya ng kanilang buhay.

Nagtaas ng kamay ang isa sa mga writer na lalaki na may suot na salamin at tumingin ang lahat ng tao dito.

"Editor, sino naman ang taong gumawa nito?" Tanong nito at inayos ang kanyang salamin gamit ang nanginginig nitong kamay bago muling umupo sa upuan nito.

"Wala pang pagkakakilanlan sa taong ugat ng mga pangyayaring ito."

"Ligtas po ba tayong lahat, Editor? Hindi naman din tayo mamamatay katulad ng ibang publishing houses, hindi po ba?" Kinakabahang tanong ni Khayne habang mahigpit na nakahawak sa libro nito. Nakakagat ito ng labi dala ng kaba at takot na binabalot ang kanyang sistema.

"Hindi ko alam ang kasagutan sa iyong katanungan, Khayne. Basta ang aking alam ay kailangan nating mag-ingat anuman ang mangyari." Sagot na lamang ng editor at umupo na si Khayne sa kanyang upuan. Nanginginig ang katawan nito dala ng kaba. Nakaramdam siya na may tumapik sa kanan niyang balikat kaya't napatingin siya dito at nakita niya ang kanyang kaibigan na nag-aalalang nakatingin sa kanya.

"Hindi po ba kaya si Jaera ang salarin?" Sagot ng isang miyembro na babae at nagsitayuan agad ang mga balahibo ni Khayne. Agad siyang napatayo sa kanyang kinauupuan at nanliliit na matang tumingin sa kapwa nitong miyembro. Pumeywang muna siya bago magsalita ng kanyang saloloobin.

Watty Writer's Guild Writing BattleWhere stories live. Discover now