Final Battler #3: Fate Diary

27 2 6
                                    

Description: Halos lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nakasulat sa ating diary. Paano naman kaya ang mangyayari kapag mayroon tayong fate diary? May mababago ba? Ito ang kasagutan sa huling tanong,

Wala, dahil ang iyong itinakdang hinaharap ay hinding-hindi mababago ng kahit sinuman o anuman.

-Amaine Fernandez

Why: Dahil activity po ito, ano pa po ba? Haha.

How: Nag-isip ng isusulat. Hindi po ako nakapag-edit dito at lasing po ako nung isinulat ko po ito kaya, paniguradong magmumukhang patapon ito. Tingin ko nga hindi ito pasado sa kategoryang isinulat ko, hindi naman po kasing mukhang demonyo ang bida eh HAHA. At tsaka yung theme at elements, parang hindi rin eh! Ihanda mo na nga lang po ang basurahan mo! Wahaha.

ווו×

Nakaupo ako sa isang wheelchair na tinutulak ng isang nurse. Dadalhin ako sa entrance ng ospital dahil may taong sumusundo sa'kin galing sa isang orphanage.

Ang dahilan ng pangyayaring ito ay dahil sa pagkakamatay ng aking ina sa isang aksidente. Samantalang ako naman ay nawalan ng mga alaala. Kaya kaysa sa magluksa ako dahil sa pagkakamatay ng aking ina, blanko lamang ang aking pakiramdam hanggang ngayong oras na ito. Wala akong nararamdamang kahit anong emosyon, pakiramdam ko tuloy mukha na akong robot.

Malapit na kami sa entrance ng ospital nang may nakabangga akong wheelchair, dahilan upang muntikan na akong mahulog. Mabuti na lamang at may kasama akong nurse, kundi baka duguan na talaga ang ulo ko ngayon. Paniguradong magmumukha akong zombie, at ayokong mangyari sa'kin iyon.

"Ay ma'am, pasensya na po." Paumanhin ng nurse na nakabangga sa'min. Napatingin ako sa tinutulak nitong wheelchair at nakita kong may tinutulak din itong pasyente. Lalaki ito at duguan ang katawan, halatang naaksidente siya katulad ko.

Napatingin ang lalaki sa'kin at ngumiti naman ako ng matamis dito. Hindi ko alam kung bakit ko siyang nginitian ng gano'n ngunit kusang gumalaw ang aking labi para ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko nga para akong natuwa sa hindi malamang dahilan pagkakita ko sa kanya.

Ngunit kaysa sa suklian niya ang aking ngiti, iba ang naging reaksyon niya. Kabaligtaran sa aking ginawa.

Biglang nanlaki ang kanyang mata at namutla. Kitang-kita ko ang pag-usbong ng takot sa kanyang mata. Para bang nakakita siya ng multo dahil sa aking ginawa. Mabilis niyang kinalabit ang kanyang nurse habang nakatingin sa akin.

"Ate, dalhin mo na ako sa k'warto ko. Ngayon na, dalian mo." Mabilis niyang saad at halata ang takot sa kanyang boses dahil nanginginig ito. Sumunod naman ang kanyang nurse sa sinabi niya at iniwan akong naguguluhan dahil sa nangyari.

Problema ng lalaking 'yon? Alam kong punong-puno ako ng mga sugat at pasa kaya nakakatakot ang aking hitsura. Pero parang hindi iyon ang kinakatakot ng lalaking nakabangga ko sa'kin eh. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang grabehang takot. Parang mayroon pang isang mas malalim na dahilan kung bakit gano'n siya kung matakot sa akin nung nakita niya ako.

Bigla na lamang tinulak ng aking nurse ang aking upuan na nagpabalik sa'kin sa reyalidad. Napailing na lamang ako sa aking mga naiisip. Masyasdo lang yata akong naninibago dahil sa pagkawala ng aking mga alaala kaya kung ano-ano ang mga naiisip ko.

~*•*~

Bumuntong-hininga na lamang ako dahil sa pagod at humiga sa aking kama.

Lutang na lutang talaga ang aking isipan hanggang ngayon, salamat sa lalaking nakabangga ko kanina.

Hindi ko nga maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi ko maialis sa aking sistema ang lalaking 'yon. Samantalang nakabangga ko lang naman siya.

Watty Writer's Guild Writing BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon