Battler #5: The Stellar Professor

71 10 0
                                    

Sampung taon. Sampung taon mula nang tinanggalan ako ng tungkulin. Sampung taon na rin ang nakalipas mula nang pinatalsik ako saking mundo at itinapon dito; at higit sa lahat, sampung taon ko na ring kinikimkim ang puot at pighati laban saking mga magulang nang mas pinili nilang pakinggan si Polaris kaysa sakin. Kung tutuusin, matagal na panahon na ang lumipas ngunit napakasariwa pa ng pangyayari para sakin.

Sir Rigel, are you okay?

Napa-ha ako at saka lamang naalalang nasa loob pa rin pala ako ng silid at nagtuturo ng siyensya. Lahat ng mga estudyanteng nakaupo sa naka-arkong mga upuan ay nakatingin sakin at bawat isa sa kanila ay ibat iba ang mga ekspresyon sa mukha. May mga estudyanteng nakakunot ang noo at nagtatanong ang mga mata, habang ang iba namay kyuryos akong tinitigan.

A-Ah, yes. Okay lang ako, nauutal na sagot ko. Napakunot ang aking noo saka sinundan ng tingin ang  tumuturong daliri ni Hannah at napatingin ako sa sariling kamay. Nanginginig ito habang nakahawak sa bakal na cylindrical apparatus na nayupi ko na pala.

Napamura ako sa isip nang mapagtantong hindi ko namalayan ang nangyaring yon dahil sa malalim na pag-iisip. Maingat kong ibinaba sa mesa ang nasabing bagay, saka bumawi at nginitian silang lahat.

See how adrenaline rush makes someone stronger than he normally is?

"Wow! Ang cool mo talaga, Sir." Napabuga naman ako ng hangin habang panay ang puring natanggap mula saking mga estudyante. Itutuloy ko na sana ang diskusyon nang tumunog ang buzzer.

Okay, study chapters 5-6 of Applied Science," salita ko habang nagsitayuan na silat kanya kanyang ligpit ng mga gamit, and I will see you on Thursday." Unti-unti kong ring iniligpit ang sariling mga gamit at bahagyang nagulat nang may lumapit sakin.

Sir, di ba hindi nagkaka-adrenaline rush ang isang tao kung walang trigger? Like for example, nabubuhat ng tao ang isang sobrang mabigat na bagay kung may sunog na nagyayari malapit sa kanya, or something. Natigilan ako sa sinabi ni Neil.

"Yes. Yes, may trigger ang adrenaline rush. Bakit mo naitanong? sabi ko at nagpatuloy sa pagliligpit.

So, ano ang naging trigger mo kanina?"

Tila napako ako saking kinatatayuan. Hindi naman kasi adrenaline rush ang nangyari sakin kanina. Nayupi ko ang bagay na yon dahil sa kakayahan ko. Sa aming mundo, normal lamang ang pagtataglay ng pambihirang lakas.

Nanggaling ako sa Stratim na siyang mundo ng mga bituin at ang aking ama ang namumuno ron. Ang mga kumikinang na tila mga bola ng liwanag na nakikita sa gabi sa mundong ito ay simbolo lamang ng bawat mamamayan ng Stratim, at ang simbolismong aking pagmamay-ari ay ang Rigel Kent, na siya ring aking pangalan.

Sir? muling tawag ni Neil kaya ginawaran ko ito ng ngiti.

Anger, Mr. Montero. Anger," at pagkatapos ay nauna nang lumabas sa silid na yon, upang maputol na ang aming pag-uusap. Napatingin ako sa suot na relos at nakita kong alas sais na pala ng gabi, kaya napagpasyahan ko nang umuwi dahil huling klase ko na rin naman yon. Niyaya pa ako ng mga kapwa kong guro sa unibersidad, ngunit tinanggihan ko ang kanilang alok na kumain sa labas at idinahilang may importante akong gagawin.

Buong akala ko na normal lamang ang araw na yon, kagaya ng nakaraang ilang taon, ngunit nagkamali ako, sapagkat nang makarating ako sa inuupahang bahay, nakita ko ang isang nakalutang na bola ng liwanag sa mismong sala. Agad kong nalaman kung kaninong enerhiya yon.

Lumabas ka na, Polaris. Alam kong nandito ka.

Mabilis kong ibinuka ang nakakuyom na kamay at mula rito ay may nabuong asul na liwanag. Naging alerto ang bawat parte ng aking katawan, partikular na ang aking mga mata, tainga, at mga kamay. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagpapakita ang aking traydor na kapatid. Si Polaris ang naging dahilan ng pagtatakwil sakin at pagpapalayas mula sa aming mundo. Siya ang nagnakaw ng Rock of Azul, ngunit ako ang napagbintangan nang muntik na itong mahuli ng aming inang si Reigna Vega. Ginaya niya ang aking mukha, pati na rin ang aking kapangyarihan kung kayay ako ang napagbuntungan ng galit ng aming amang si Reignus Antares, na siyang nagpatapon saking sa mundo ng mga mortal.

Watty Writer's Guild Writing BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon