Fantasy Battler #1: Sins World

56 10 5
                                    

Description: Ang isa sa pinakamalaking problema sa sarili natin ay ang umamin at tanggapin ang mga nagawang kasalanan natin.

Why: Kase gusto ko, at sa dinami dami ng idea na gusto ko dito ako bumagsak.

How: Nag-isip ng concept.

---

Jok's POV

"E tarantado ka pala e! Kung hindi ka humarang diyan edi sana hindi ka natapunan" sabi ko ng matapunan ko ang damit ng lalaking to, ng pagkaing order sa kabilang table.

"Aba loko!" Agad akong inambahan ng suntok sa mukha pero nakailag naman ako, habang siya napasubsob sa lamesa.

"Hoy Jok pang-ilang away mo na yan dito sa karenderya ah! Ibabawas ko na 'to sa sweldo mo!" Sabi ni aling Meng.

Nginitian ko lang ang matanda. Tumingin naman ako sa lalaki sabay ngisi sa kaniya.

"Iniinis mo talaga ako ah!" galit na sabi niya habang papunta sa akin. Ramdam ko ang bilis ng hangin habang papunta siya, iniisip ko kung ano bang gagawin ko lalaban o huwag ng padamihin ang kaltas sa sweldo ko?

"Tama na, ayoko ng gulo" madiin at malalim kong sabi, habang ibinungad ko sa mukha niya ang kutsilyong nasa bulsa ko lang.

Napaatras ito, "ayoko ng masisirang gamit boss, umalis na kayo" kalmado kong sabi.

Ibinaba ko na ang kamay ko at naglakad na patalikod.

"Tss, edi padaliin natin to!"

"Pre!" Sigaw ni Tep.

"A-ahh!" napaupo na lang ako matapos tumarak ang kutsilyong kanina'y hawak ko lang. Nasipa ako nito sa likod at nabitawan ko ang kutsilyo na agad namang itinarak sa akin ng gagong lalaking iyon.

Nanlalabo na ang paningin ko, wala na akong naririnig na kung ano, hanggang sa mismong kinahihigaan ko may isang bilog na liwanag ang bumukas at...

---

"WHAAAA!"

Napatayo ako at napakapa sa katawan ko, gulong-gulo at nanlalaki ang mata ko.

"Ha! N-nasan ang sugat ko? P-patay na ba k-"

"Hoy tabi! Ayos lang yan di ka pa patay!"

May babaeng tumatakbo papunta sa akin at tumatawang sinasabi na hindi daw ako patay.

"ARAY! Sabi ko tabi e"

Nagkabungguan kami, nakatulala lang ako dahil naguguluhan ako sa nangyayare.

"HOY! YUNG PERA NAMIN IBALIK MO!" Napatingin ako sa tatlong galit na lalaking papunta sa amin.

"Ay nako naman! Tara bilis." Tumayo kami at bigla na lang nito hinawakan ang kamay ko at tumakbo.

Hinagl na hingal na ako kakatakbo, habang itong babaeng to tuwang-tuwa pa sa sitwasyon niya. Nagtago kami sa likod ng isang bahay.

"Oy Jok, hawak ka sa balikat ko" masaya nitong sabi.

"Ha?"

Umiling ito at siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at ipinatong sa balikat niya.

"Okay, tatakbo tayo pagkatapos isipin mo hindi ka babangga sa katapat nating pader ayos?'

Ano! Isiping hindi babangga?

"ONE! TWO! GO!"

"AHHH ANO BA TO!" Napasigaw nalang ako habang tumatakbo at napapikit na lang, putek!

Pagkamulat ko ng mata nasa isang kwarto ako.

"Whooo! Ang saya non!" Masiglang sabi nito.

"Oh Jok musta sa mundo niyo?" Tinanong ako nito na parang kilalang kilala niya ako.

Watty Writer's Guild Writing BattleWhere stories live. Discover now