Science Fiction Battler #2: A Little Lost

72 6 7
                                    

Description: Hindi ko naman alam na dahil sa katangahan ko, unti-unti ko na pa lang nasisira ang mundo. I'm a little lost that time!

Why: Sinulat ko to kasi gusto kong bigyan ng story---yung kahit short story lang, eto kasi yung naisip ko noon eh. Tsaka this story is hinango ko sa Supernova ni Luna King, hindi naman sa totally na hinango ko siya. Doon ko nakuha yun characteristics ng mga robots dito sa story ko.

How: Sinulat ko lang 'to kanikanina kasi pinag isipan at nag research pa ako talaga about sa terms eh kasi knowing Sci-Fic, mahirap mag sulat ng genrang iyan kasi gagawa ka pa ng sarili mong world and other scientific terms eh.

-------------

Noong makalabas kami sa laboratoryo, sumakay na kami sa IXJY-4990 papuntang Cicatrice City. Ang paligid ay punong puno ng buildings at factories, halos wala na nga kaming makitang mga puno at bulaklak pati na din damo. Pero kung meron man paniguradong gawa na sa plastic 'yon.

Nakarating na kami sa aming kinaroroonan at pag baba pa lang namin ang makakapal na usok ang sumalubong sa amin na halos hindi na namin makita ang isa't isa. Mabuti na lang at naka suot ako ng mask dahil inaasahan ko na ito talaga ang bubungad sa amin.

Noong isang araw hindi pa ganito kalala ang pag sabog ng mga gadgets na bagong salta galing Europe, pero ngayong araw na 'to, halos sunod sunod na ang pag sabog, nag kakaksiraan na ang mga bahay bahay pati ang mga iba't ibang stores and buildings. Hindi lang dito sa Cicatrice City pati na din sa distrito nito na South Wimmusk, North Scupus, East Dig, West Plippic, Midtown Wrial at Midtown Cestruc according sa mga pinadala naming Scientist na nag check doon. Dito sa Cicatrice City talaga ang may pinaka malala ang pag sabog kaya dito agad ang pinuntahan namin upang matignan ang problema, dahil kung hindi namin maayos paniguradong kakalat ito sa counter part ng lungsod na 'to.

Pumunta kami sa mga bahay bahay at hindi pa kami nakaka pasok, amoy na amoy ko na ang plastik na sunog kahit may takip na ang ilong ko. Nakakahilo!

Naglakad ako patungo sa second floor ng bahay na 'to, chineck ko din sa mga kwarto-kwarto, tanging tunog lamang ng aking takong ang aking naririnig at ang mga kaonting nagsasabugang gamit sa labas.

Nagtataka nga kami dahil pati ang bagong imbento ni Jarrick, madali na lang ding sumabog. Knowing Jarrick Petterson, he's a genius!

Si Jarrick Petterson ay isang sikat na scientist at the same time inventor since 4023, marami na siyang nagawang siyantipikong bagay at maraming tao ang umiidolo sa kanya dahil sa kanyang katalinuhan at dahil na din sa makisig niyang hitsura.

Galing siya sa year 4000's pero nandito siya sa era ng 5000... ginamit niya kasi ang QFJX-28690117 o Macchina del Tempo na hindi pa nilalabas sa publiko dahil maaring madisgrasya ang mga gagamit nito tulad na lang ng mga tao ngayon na nasa Ospital dahil in-overuse nila ang kanilang gadgets kaya sumabog.

Sa panahon ngayon, hindi na uso ang trabaho sa mga tao, kundi ang mga OL-MMCXXX-34991231 ver. 4.0.3 o mas kilala sa pangalang Il Automa, isa itong robot na parang tao ang hitsura at kayang gawin ang mga bagay na ginagawa din ng mga tao. Kaya ang mga tao ngayon, hindi na sila ang gumagawa ng kanilang mga sariling pera, kundi ang kanilang sari-sariling Il Automa.

3499 ang taong naimbento ito ngunit hindi pa ganon ka-advance katulad ng Il Automa na ginagamit ngayon, nag karoon ng iba't ibang bersyon ang Il Automa.

Ang orihinal na lumikha ng OL-MMCXXX-34991231 o Il Automa ay hindi nakilala dahil sa misteryong pagkakakilanlan nito. Hindi pa nagtagal, nawala na parang bula ang lumikha ng Il Automa at pinag patuloy iyon ni Mr. Marson Kendricks, hindi niya din ito natapos dahil namatay siya sa edad na 39 dahil sa malubhang sakit kaya naipasa ito kay Mrs. Victoria Dawson na mahilig mag collect ng robot, gumawa siya ng iba't ibang bersyon hanggang sa naging mas advance at mas high tech na ito dahil kay Jarrick Petterson na ini-idolo ng mga tao ngayon.

Watty Writer's Guild Writing BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon