Battler #9: The Wedding

64 8 0
                                    

Description: Kasal na kung saan lahat sila'y masaya, samantalang ako, nandito na naluluha dahil sa aking nakikita 

 Why: Actually, naisip ko lang 'to kanina. Nakikinig kasi ako sa Canon in D ni Pachelbel, when suddenly, na isip ko na what if sa isang kasal may nasasaktan? Well, lahat naman tayo hindi maiiwasan yun. Pag may nag mamahalan, may palaging nasasaktan. So I used that concept para mabuo ang entry ko. 

 How: Sinulat ko 'to habang higa lang. It is actually rushed, rush ko ginawa kasi nawawalan na ako ng oras then suddenly it hits me na... pag nag susulat tayo habang na prepressure, hindi mo makukuha yung pinaka the best part ng story. Katulad ng sinabi ko kanina sa "Why". Sinulat ko ang entry ko habang nakikinig sa Canon in D. Kasi yung Canon in D, yun yung gusto kong ipatugtog sa kasal ko, pang wedding march ba. Pero yun nga, naisip ko yung idea and the plot, kaya nabuo at natapos ko naman ito.

 ———————————— 

 Nag simula nang mag martsa ang mga kasali sa kasal. 

 Sa wakas... dumating na ang araw na pinaka hihintay ng lahat

Nag simula lahat sa simpleng ligawan, 'di sineryosong relasyon, at sa hindi ko inaaakala na mapupunta sa engrandeng kasalan. 

 I was once a bitch, a spoiled brat, but it was all change when I met the guy... whom I love 

 Hindi ko pa rin malilimutan ang mga memories namin, ang mga bagay na sabay naming pinangarap.... 

 Flashback 

 "Jeremy! Hahaha tumigil ka nga!" Nakahiga ako sa damuhan dahil kinikiliti niya ako sa leeg.

 "Sus! Mahal! Pambawi ko lang 'to sa'yo nung isang araw 'no! Bakit hindi mo kasi ako inubusan ng pagkain" Sabi pa niya ng nakapout. 

 "Engot ka! Para 'don lang. Tumigil ka na kasi." 

 "'O sige na nga!" Humiga siya sa tabi ko tsaka tumingin sa kalangitan. 

 Bigla kaming natahimik. Ang aming mabibigat na pag hinga lang ang aking tanging naririnig

 "Mahal..." Pagbabasag niya sa katahimikan 

 "Hmm?"

 "Mahal, pag kinasal tayo saang simabahan ang gusto mo?" 

 "Mahal, kahit anong simbahan basta ikaw ang groom ko 'no" Mukhang corny pero ganito ang mag mahal eh. 

 "Talaga mahal? Eh pano pag sinabi kong sa Hotel na lang tayo mag hapon at mag simula na tayong ikalat ang lahi ko?" Napabangon ako dahil sa sinabi niya.

 Pakiramdam ko, napunta lahat ng dugo ko sa aking mukha. Tumatakbo na naman ang kapilyuhan ng mokong na 'to. 

 "Gago ka mahal, tumigil ka nga 'di ka naman gwapo" Tawa tawa pa siya 

 'Sus! Kung 'di ako gwapo bakit nagustuhan mo'ko?" Ewan ko ba kung paano ako nahulog sa taong 'to, eh napaka hangin naman. 

 "Gwapo? Saan banda mahal na'ko, gusto mo lagyan ko ng kulay yang mata mo?" Natahimik siya bigla. 

 "Sabi ko nga mahal eh, titigil na po madam" 

 "Halika nga dito" Lumapit naman siya saka ko siya niyakap. 

 "Mahal... ako lang ha?" Sabi ko habang naka dantay ang aking ulo sa kanyang dibdib 

 "Mahal... ikaw lang" Sagot niya tsaka niya hinalikan ang tuktok ng aking ulo. 

End of Flashback 

 Natatakot ako na dadating ang araw na.. kung kailan mawawala na siya sa piling ko. Natatakot ako na.. hindi na ako ang magiging dahilan ng kanyang pag ngiti. Natatakot ako na dadating ang araw na.. kung saan hindi na siya magiging akin, kundi sa iba na... at ito ang araw na iyon.

Natatakot ako na mamamatay, natatakot ako na malaman niya ito at natatakot ako na siya mismo ang iiwan sa'kin, kaya ako na lang ang nangiwan sa kanya. Sobrang tanga ko. Sobrang tanga ko! 

 Ilang buwan lang ang lumipas simula nung nakipag hiwalay ako. Ang bilis niyang makahanap...

 Syempre anong ineexpext mo, Lianna? 

 Oo, alam kong ex lang ako at nasa past na ako pero hindi ko parin matanggap na ang Apat na Taong samahan namin... mawawala lang dahil sa pesteng sakit 'to. Oo, may sakit ako. I have a Heart Failure. Hindi ko alam na meron ako 'non, I was diagnosed 7 months ago, yun din yung araw na nakipag break ako kay Jeremy. 

 I was so scared to think na bigla na lang akong mawawalan ng malay, at makikita ko na lang si Jeremy na maiiwang mag isa na wala man lang kaming ka closure-closure. 

 I WAS SO SCARED TO LEAVE HIM ALL ALONE, LOVING ME WITHOUT MY PRESENCE! Mahirap! Masakit... Sobra.

Unti unting nang bumuhos ang aking mga luha habang pinapanood sila dito sa tabi. Ang sakit hindi ko na mapigilan sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Naninikip ang aking dibdib habang iniisip ko na mag kakaroon siya ng pamilya sa ibang babae. 

Pero mukha na siyang masaya... sa piling ng iba. Ano pa bang magagawa ko? Ikakasal na sila... sino ako para pigilan siya? Isa lang naman akong babae na sinaktan at iniwan siya. 

Tumalikod na ako at lumabas na ng simabahan. Hindi ko na makayanang huminga pa. 

Tanaw na tanaw ko dito si Mommy na nag hihintay sa akin kasama ang aming Van. 

I'm sorry, mom. For leaving you alone. Ma, salamat sa pagtulong mo and sa pag comfort mo sa'kin noong mga panahong walang wala na ako. I love you, Mom. 

Habang mas tumatagal pa, mas lalong nanikip ang aking dibdib. 

Sa huling pag kakataon... lumingon ako sa simbahan na kung saan naroroon ang taong ko. 

"Nag sisi ako na noon lang kita nakilala... kung maaga ka sanang dumating sa buhay ko baka hindi ko na kailangan pang mang agaw noon ng may boyfriend" Napatawa ako sa aking sinambit kasabay 'non ang pag lalambot ng aking mga paa. Hindi ko na kaya. 

 Umupo na ako sa sobrang hina ng aking nararamdaman, ngunit hindi naging sagabal iyon para sabihin lahat ng gusto kong sabihin kay Jeremy, kahit hanggang sa hangin ko na lang masasabi iyon. 

 "Jeremy... Mahal na mahal pa rin kita kahit ikakasal ka na sa iba. Kahit iba na ang nilalaman ng iyong puso, ikaw parin ang daladala ng aking puso patunong kamatayan. I'm sorry for leaving you that time. He gave me a precious charm but sadly, I gave it to pthr woman... who deserve it. I'm sorry for letting you go even if I don't want to. God knows how much I regret leaving you all alone, it's so hard for me, Jeremy." Pinunasan ko ang aking mga nag babadyang luha. 

"Thank you for everything. Thank you for teaching me to love you. Thank you for teaching me to forgive someone na akala ko ay imposible. I love you 'till my last breath, Jeremy..." Kasabay 'non ang pag suko ng aking katawan. Napahiga na ako sa sobrang hina, malabo na din ang aking paningin na halos kadiliman na ang aking nakikita. 

"Bakit hindi mo sinabi sa akin, Mahal? Mahal pa rin kita! Mahal na mahal, Lianna!" Naramdaman ko ang pag patak ng kanyang luha na napupunta sa aking mukha. Pinakiramdaman ko ang kanyang mukha at hinaplos ito. Wala na akong masabi dahil sa sobrang hina. "M-mahal na m-mahal din k-kita, J-jeremy" Kasabay 'non ang pag balot sa'kin ng kadiliman. Nag simula nang mag martsa ang mga kasali sa kasal.  

Written by: daneigha

Watty Writer's Guild Writing BattleDove le storie prendono vita. Scoprilo ora