Battler #11: Bangungot

61 12 9
                                    

Description: Babalik at babalik ang pilit mong kinakalimutang bangungot ng kahapon.

Why: Pumasok lang to bigla sa isip ko hehehe. Mas pinili ko kasi yung Genre na to kasi feeling ko mas madali. mahirapan po talaga akong ilagay lahat ng elements. Sabog po ako nung sinulat ko to hahahahahahaha (lasing po ako nun. XD) Pero keri pa rin po. Dito po talaga ako pinakanahirapan na entry hehehe.

How: pinagtagpi-tagpi kop o yung naisip ko hanggang saw ala na akong makitang maaring butas sa storya. Nahirapan po ako kung paano sya sisimulan pero nanghingi po ako ng suggestion mula sa bespren ko, hanggang sa mabuo ang konsepto ng storya.

'''^^’’’

“Hwag po! Maawa na kayo!” pilit nyang sinisigaw sa pagitan ng kanyang mabibigat na paghinga at iyak.

Pilit syang nagpupumiglas sa mahigpit na hawak ng lalaking nakapatong sa ibabaw nya. Pinauulanan sya nito ng halik mula sa pisngi , labi, leeg at pababa sa kanyang dibdib.

“NAY!”

Napasinghap, at agad syang napabangon sa pagkakahiga. Masamang panaginip na naman.
“Baby are you ok?” nag-aalalang niyakap sya ng kanyang kasintahan.

“Yeah. I’m sorry. It’s just a bad dream” sagot pa niya at kumalas mula sa pagkakayakap kay Greg.

“Em?”

“Hmm?”

“I think I should cancel the dinner later” mungkahi ng kasintahan, dahilan upang mapaharap sa kanya si Emily at bigyan sya ng nagtatakang ekpresyon.

“Kasi stress ka na naman, nag-aalala lang naman ako sayo. I suggest na magpahinga ka nalang” dugtong pa nya.

“No. Di natin pwedeng icancel yun, alam mo namang matagal ko ng gustong makilala ang Daddy mo” pangiti namang sagot ng dalaga. Wala ng nagawa si Greg kundi ang sumang-ayon nalang. Alam nya kasing matagal ng gustong makilala ng dalaga ang Ama ni Greg, halos magdadalawang taon na rin kasi silang magjowa, panahon na upang pormal na makilala ang magulang ng bawat isa.

~~~
Dinala ni Greg ang kasintahan sa kanilang lumang bahay sa probinsya ng San Lorenzo. Dito na naninirahan ang kanyang Ama matapos nitong maging gobernador ng probinsya. Medyo may edad na rin ang kanyang Ama pero malakas pa rin ito at makikitaan ng panghihina at katandaan.

“We’re here” masayang saad ng binata ng tumigil ang sinasakyan nilang sasakyan.

“Woah! Mas Malaki pa pala ito sa inaasahan ko” Dali-dali syang lumabas ng sasakyan at hinila ang dalaga papasok sa malaking bahay. Dumaan sila sa mahaba at paliko-likong pasilyo bago nakarating sa dining room, kung saan naroon nakaupo ang isang matandang lalaki, nakatalikod sa kanila.

“Dad” Nangatog ang tuhod ni Emily ng makita ang mukha ng taong nasa harap nya ngayon.

“This is my girlfriend Emily Gamboa” nanlambot at nanginig ang buo nyang katawan ng inabot ng lalaking iyon ang kanyang kamay.

“I’m Henry Alcantara, Greg’s dad. Nice meeting you Emie” tila may masamang kinukubli ang ngiting inilahad ng Ama ni Greg.


Hindi maaari ito. Imposible. Matagal ng nakakulong ang hayop na’to.

~~~
“Yes Dad hahaha, I know that” masayang tawanan ng mag-awa ang umalingawngaw sa buong silid. Ngunit natigil ito ng mapansin nilang tahimik ang dalaga.

“Are you ok baby?” tanong ni Greg habang hinahaplos ang kamay ng dalaga.

“Ye-yeah I’m g-good” mahinhing ngiti ang binigay ng dalaga. Nagpatuloy ang pagkwekwento ng mag-ama. Mahigpit na hinawakan ni Emie ang nakalapag na kutsilyo, naaalala ang bawat detalye kung paano sya ginahasa.

Watty Writer's Guild Writing BattleWhere stories live. Discover now