Battler #2: Plutonium

34 4 3
                                    

Description: Noong sumiklab ang isang malaking digmaan, nagdulot ito ng malaking pinsala sa bawat bansa , nawala ang teknolohiya at pati na rin ang lahat ng kaalaman ng tao.

Naging mahirap yon para sa mga taong natira sa mundo, hanggang sa natuklasan ni Adepos ang isang Isla kung saan sya ang namuno at tinuruan ang mga taong kasama nya ng sining , musika at iba pang mga bagay na nawala sa dunong ng mga tao.

Sa Islang tinawag nyang Indica , mahalaga ang bawat kaalaman at impormasyon kung paano mas mapapaunlad ang lugar nila ngunit hindi lahat ng impormasyon na kumakalat ay hinahayaan nyang lumabas.ngunit hindi lahat ng impormasyon ay pwedeng ipakalat sapagkat mahigpit nyang pinagbabawal ang pagusapan  ang nakaraan.

Hanggang sa natuklasan ng mga tao ang mga letrang nasa lumang gusali ng Indica.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Adepos na pagusapan ang nakaraan.?



Why:  Naisulat ko ito sapagkat bigla ko lang naisip ang mga posibleng mangyayari sa hinaharap ngunit nilagyan ko naman ng fantasy. Honestly nahirapan akong magsimula at tumapos ng kwentong ito. Basta kung ano ano nalang pumasok sa isip ko. Kaya naman wala akong masabi sa why. Sensya na talaga guys.

How: Naisip ko lang ang  future kung what if magkakaroon ng digmaan kung saan napakataas na ng teknolohiya siguro ay sasabog ang mundo at wala ng matitira.

PLUTONIOM

2035,Enero 12 11:50 PM


“Isa kang Traydor!”galit na sigaw ng mga tao.

Biglang nagising si Malik galing sa isang di maipaliwanag at paulit ulit na panaganip, natulala sya habang tinitingnan ng mga kasama nyang sundalo, pawis na pawis at namumutla mula si Malik nang nilapitan sya ni Aisha.

“Ok ka lang ba abdul?” hinimashimas ni Aisha ang likoran nito upang kumalma ang batang sundalo.

Si Aisha ay tinuring nang ate ni Malik simula noong sumali syang maging kawal sa poon nilang si Adepos.

“ah oo, ok lang ako, isang masamang panaginip lang sigu….” Napatigil sa pagsasalita si Malik dahil sa lakas ng katok ng mga kawal sa labas.

“Buksan nyo to!Buksan nyo ang pintoan!”galit na sigaw ng kawal.

Nagtataka sila kung ano ang nangyayari sapagkat tila galit ang mga ito.Sinipa ng mga kawal ang pintuan at isa isang pinagdadampot ang mga lalaking sundalo sa loob ng kwarto.

“Teka! Ba’t nyo ginagawa to? Ano ba ang nagawa naming kasalanan? ” tanong ni Malik.

Di umimik ang mga kawal na dumampot sa grupo nila malik at sa halip ay dinala sila sa sentro kung saan naghihintay ang mga tao at ang poon.

“Bitayin! Bitayin! Patayin ang traydor!” galit na sigaw ng mga tao sa sentro.

Walang kamalaymalay ang limang lalaking dinampot kung ano nga ba ang dahilan ba’t galit na galit ang mga tao sa kanila.

Sinipat at pinaghahampas ng  bakal na maso ang mga lalaking tinampot.Binugbog sila ng husto sa harap ng mga tao at ng poon nila.

Duguan man ang mukha ni Malik at halatang hinang hina na pagmamalupit ng mga sunadalo sa kanila ay di pa rin makuhang magalit nito at sa halip ay ngumiti sya sa harap ng poon nila sapagkat napakataas ng tingin nya sa poon.

Di na halos makatingin ang poon nila sa limang lalaki na tila naawa kaya naman tumayo at nagsalita na sya.

“Ngayong taong ito natuklasan ko ang aking kakayanang manghula. Ngayon ko rin nalaman ang sekretong balak ng mga kalaban sa lugar ng Indica.”

Naglakad ang poon sa bawat sulok at tila  malalim ang iniisip.

“Limang taon noong inataki tayo ng mga Astenca, Oo yung taong yun kung saan napilitan tayong  mamuhay sa ilalim ng lupa upang maprotektahan ang ating mga sarili sa malalaking ahas na may tatlong mata.”

Lumapit sya sa mga lalaking dinampot at isa isang tinuro ang mga ito.

“Kagabi nanaganip ako tungkol sa hinaharap at doon ko nalamang may isang reserbang kawal na lalaki sa harap ninyo ang kalaban!”

“OO tama ang narinig nyo! Isa sa mga lalaking ito ay Astenca”

Nagulat ang mga tao sa kanilang narinig sapagkat takot na takot sila sa mga nangyari noong 2030  kung saan kalahati ng populasyon sa indica ay naubos at ang mga gusali ay nasira  dahil sa pag atake ng mga astenca.

“Labag man sa kalooban ko ngunit  alam kong madedelekado tayo , ang lugar na ito, at ang bawat buhay ng  mga tao dito, kaya naman kaylangan nating magsakripisyo.

“Mahal na poon, hindi po ako Astenca!maniwala po kayo wag nyo po akong patayin”-Nanginginig na sinasabi ng kasamahan ni malik.

Lumakas ang sigaw ng mga tao na may dalang poot at paghihinagpis dulot ng mga nangyari noon , habang isa sa mga kasama nila ang tinutulak palapit sa guillotine.

“Itigil nyo na yan! Huwag nyo na silang isali mahal na poon!”sigaw ni Malik sa harap ng poon.

Natahimik ang boung lugar noong nagsalita si malik.

“Hindi sila Astenca,Ako ang nagiisang Astenca dito”- pilit pinipigilan ni Malik ang kanyang mga luha upang magmukhang matapang sa kanyang mga kasama. Kinailangan nyang magsinungaling upang  mailigtas nya ang mga kaibigan nya.

Agad syang pinagbabato ng mga taong bayan sa sobrang galit nila sa mga astenca. Natumba sya at di na halos makatayo sa sobrang dami ng sugat na kanyang natamo.

Kukunin na sana si Malik ng berdugo noong biglang lumabas ang isang napakaling ahas na agad lumonok sa berdugo.

“Dyos ko iligtas nyo po kami” Pagmamaka awa ng mga tao.

Nagsitakbuhan isa isa ang  lahat ng taong nasa lugar sa sobrang takot.

“Ano tong nangyayari?” Nangingig ang boung katawan ni Malik habang nakatingin na nilalamon ang berdugo ng Astenca.

Naramdaman nyang tila nakatingin ito sa kanya, ngunit sa sobrang takot at dahil na rin sa sakit ng mga sugat nya di na sya nakagalaw.

“Ba..Bakit?”- Biglang bumagal ang mga pangyayari na tila nakita nya ulit  sa kanyang isipan ang nakaraan.

-00-

Sa lugar ng Indica ang Impormasyon at kaalaman ang  basihan sa  kalagayan sa pamumuhay.
Sa bawat kaalaman na naibabahagi ng mga tao ay may katumbas na kabayaran. Kadalasan sa maharlika ay matatalino, may alam sa sining at syensya.

2020- Nang sumiklab ang isang napakalaking digmaan kung saan sinira ang teknolohiyang natatamasa ng mga tao , Maraming buhay ang nawala at mga lugar na hangang ngayon ay di na pwede matirhan. Dahil na rin sa Aerosol spray na ginamit sa digmaan na kung saan inaalis ng kemikal na ito ang kaalaman ng bawat tao kaya naman walang natirang kaalaman ang mga tao at tila bumalik sa simula.

2024-Sabi ng mga  sabi sabi ng tao sa indica , ito raw ang taon kung saan natuklasan ni Adepos ang isla ng Indica. Walang nakapagsabi kung may nanirahan na ba sa lugar  at tanging si Adepos lamang ang makapagsasabi.
Si Adepos ay isang matangkad,gwapo at may maputing buhok at balbas. Walang gaanong impormasyon ang mga tao sa nakaraan sapagkat mahigpit na pinagbabawal ni Adepos ang hukayin ang mga nakaraan sapagkat ito ay magiging hadlang lamang sa kanilang pagunlad at naniniwala naman ang mga tao sa bawat sinasabi ng poon.

Tinuruan ni Adepos ang mga taong dinala nya sa isla noong 2029 kung paano makipagusap,paano mamuhay.Ang poon na nakatuklas ng Indica ang pinakamatalino sa lugar, sya ang nagimbinto ng halos lahat ng nasa lugar ng indica. Ang musika, sining , syensya , lahat lahat pati nga pampalasa ng pagkain ay sya rin ang may alam. Kaya naman mataas ang tingin ng mga tao sa kanya.Mahal sya ng mga tao at tinuturing syang panginoon sa lugar ng Indica.

Ang lugar ng indica ay nagsisimula palamang umunlad kaya naman may natititara pang mga lumang gusali, maraming katanungan ang mga tao sa nangyari noun sa lugar ng indica hangang sa dumating ang panahon kung saan napilitan ang mga taong  mamuhay sa ilalim ng lupa dahil sa nangyaring pag ataki ng mga ahas o ang tinatawag nilang astenca.

Maraming haka haka na ang mga astenca ay ang mga engkantong nakatira sa lugar ng Indica. Ang mga astenca ay may makakapal na balat, malaki at mahahabang katawan, ito ay singlaki ng tao o higit pa kung saan mabilis silang kumilos at nakakakita dahil sa tatlo nilang mata.

2030 -noong nilusob ng mga astenca  ang lugar ng indica ,Marami ang namatay ,halos nasira ang mga gusali na itanayo ng mga tao.

Inutos ng hari na lumipat at doon mamuhay sa ilalim ng lupa. Nagbou din sya ng mga  reserbang grupo ng kawal na magiging tagapagtangol nya kapag may mga astencang lulusob.

Sa ilalim ng lupa ng Indica ay may maraming lagusan kung saan  nakatayo ang mga lumang templo na naging tirahan ng mga tao ng poon.

Madilim ang paligid ngunit salamat sa kaalaman ng poon sapagkat nadiskobre nya ang kakayanan ng batong arpog upang  magdala ng liwanag sa lugar.


2030,Hunyo-Indicasa (limang buwan pagkatapos inatake sila ng mga astenca) Sa ilalim ng lupa ng Indica.

“Narinig nyo bang naghahanap ang poon ng reserbang mga kawal na magiging tagapagtangol nya sa mga astenca?” maligayang sinabi ni abdul sa kanyang mga kaibigan.

“Ayos yan Abdul. Ito na ang tsansa nating mapalapit sa mahal nating poon” sabi ni Malik sabay pakita sa kanyang muscle.

Limang taon pa lamang si Malik noong namatay ang kanyang magulang sa gyera,Ngunit sa kabila ng lahat  naging matatag sya  at napasama sa mga taong  naipadala na manirahan sa Indica.

Naging maganda ang takbo ng buhay ni Malik sa Indica  simula noong nakilala nya ang  mga kaibigan nyang tinuring nyang mga kapamilya.

Napagdesisyonan ng tatlong  sumali sa reserbang kawal ng poon at agad pumunta  sa lugar ng kung saan pipiliin ang mga kawal.

Maraming mga kabataan ang lumahok  kaya naman nahirapan ang poon sa pamimili at doun naisipan nyang edaan na lamang sa pagsubok.

Isa isa silang binigyan ng papel kung saan kailangan nilang isauli iyon kapag may sagot na sila

“Oi Malik , Trudeo? Anu bang nakasulat sa papel ninyo?-tanong ni Abdul sa dalawang kaibigan.

“Anung nasa dulo ng bahaghari? Sa akin” pabulong na binasa ni Trudeo sa kanyang mga kaibigan .

“Ha? Anu pa nga ba? Edi ginto. Napakadali naman nyan”-pagmamagaling ni Abdul sa kanyang mga kaibigan.

“Ei ikaw malik anu naman ang nakalagay sa papel mo?”

“May linya sa papel na nakasulat , paano mo mapapahaba ang linya ng di pinapakialaman ang nakasulat ng linya”-nanlumong sinabi ni Malik.

“Naku ang hirap naman nyan Malik” Wika ni Abdul.

Naguusap usap ang  mga magababarkada  nang biglang lumapit ang babaeng napakaputi, maganda  at napakahinhin.

“Mawalang galang na mga bata saan ba pwedeng magapply bilang isang kawal ng poon?”-tanong ng babae.

Di agad nakasagot ang tatlo sa sobrang bighani nila sa babae, nagiisip rin sila kung kawal ba talaga ang gusto nya o maging asawa ng poon sapagkat sa mukha pa lamang ay tila wala itong kalaban laban kapag inataki ulit ang indica ng mga astenca.

Tinulungan sila ng babaeng masagot ang tanong at tinulungan rin nila si Aisha na mapasali sa mga pagsubok.

“Ako nga palasi Aisha, Maraming salamat nga pala sa pagtulong nyo sa akin ha”

“Ok lang yun ate,ako nga pala si Malik , ito naman si Trudeo at Abdul mga kaibigan ko”.


Natapos na ang unang pagsusulit kung saan mula isang daan na nakilahok sa pagsubok ay labing lima nalang ang natira.

“Ngayon, Dahil lima lang ang kailangan ng poon hahatiin ang grupo sa dalawa. Ang mapipiling grupo ay magsasanay sa itaas ng lupa at doun hahasain ng husto ang pisikal at mental na kaalaman.”

“Ano na namang mga pagsubok ang susunod nilang ipapagawa?” tanong ni Malik

“ makinig kayo mga kalahok! Ang susunod nyong pagsubok ay 1 on 1”

“Oh shit! Paano na yan baka matalo kaagad tayo” sabay tingin nila sa katawan ni Aisha.

Bumunot sila ng papel kung saan malalaman nila kung sino ang magiging kalaban nila. Biglang nalungkot ang mukha ni Abdul sapagkat napansin nyang ang kanyang magiging kalaban ay matangkad at malakas. Agad lumapit si Abdul kay malik Aisha para makipag palitan sana ng numero sa pagaasam na manalo ngunit mas malalakas pa ang kalaban nila kaysa sa kanyang nabunot.

“ang unang maglalaban! Aisha Vs Calixtro”

Pinagpawisan ng malamig ang tatlong lalaki noong narinig nilang ang magiging kalaban ni Calixtro ay si Aisha. Si Calixtro ay sikat bilang walang awang kriminal kung saan nabigyan ng tsansa na lumaya kapalit ng pagkpasa nya sa paligsahan bilang isang kawal ng poon.

“Naku Aisha wag mo na ipagpatuloy yan, siguro sa susunod kanalang magapply” pagaalalang sinabi  ni Abdul.

Naglakad si aisha sa stage na tila walang naririnig.

“Ikaw ba ang makakalaban ko? Isang babae? Haha, Huwag na huwag kang mag mamaka awa sa akin dahil gagawin ko ang gusto kong gawin!” wika ni Calixtro.

Di umimik si Aisha  at hinintay nya ang referee na magsimula.

“Fight”-

Mabilis na tumakbo si Aisha papalapit kang Calixtro sakto namang  papalapit ang mga suntok nito sa payak na katawan ni Aisha.

“Kapag natamaan ka nito siguradong patay kang babae ka.

Ah teka!

Biglang nawala?” -nalito bigla si  Calixtro sapagkat inakala nyang matatamaan nya sa tyan si Aisha.

Napakabilis ng kilos ni Aisha na tila hangin na tumalon sa likoran ni Calixtro at hinampas ang bandang likod ng leeg nito dahilan upang mawalan ng malay si Calixtro.

“ang nanalo si Aisha!”

Nagsigawan ang mga tao na nanoud sa laban sapagkat natalo ng babae ang isang kriminal.

Di agad nakapagsalita ang tatlo sa sobrang hangga, habang papalapit sa kanila si Aisha.

Hangang sa isa isa na silang lumaban at binigay ang lahat lahat para maging kawal ng poon.

Natapos ang pagsubok at napili na ng poon kung sino ang limang magiging personal nyang kawal at isa na dun si Aisha.

Ang grupong di napili ay ginawang reserbang kawal at hinasa  sa ilalim ng lupa.

Dahil sa hirap ng pagsasanay sa iababw ng lupa ay napagdesisyonan ni Aisha na maging reserbang kawal na lamang dahilan upang maging kasama nya sina Malik ulit.

Ilang taon din silang nagsama at nagsanay upang maging malakas at maprotektahan ang poon.Nagiging mahirap din ang kanilang mga pagsasanay at doun nakilala nila ng lubos ang isat isa.

Hanggang sa dumating ang panahon kung saan natuklasan ng poon ang kakayanang makita ang hinaharap sa pamamagitan ng panaginip.

Agad nyang pinatawag ang kanyang kawal at ipinadampot ang mga lalaking reserbang kawal para maiwasan ang nakita nyang hinaharap.


“Ikaw pala ang nagpapangap na kawal ko!” Galit na sinabi ng poon at nilapitan ang Astenca.

“Huwag mong lapitan yan mahal na poon!madedelekado ang buhay nyo sa kanya!”  habang  gumagapang papalapit sa poon upang pigilan ito.

Nagtaka si Malik ng biglang nagpupumiglas ang Ahas at tila di ito makaalis alis  o makagalaw.Dahan dahang may niluwa ang poon  ng isang kulay puting bula  at pinakita sa ahas.

Tuluyan ng nanghina ang astenca at bumalik sa taong anyo. Doon nakita ni Malik ang mukha na isa sa mga pinakamalapit sa kanya.
Nakahubag itong nakatayo sa harapan nila Malik at ng poon, walang saplot at tila hinang hina na dahil pagkontrol ng poon sa Astenca.

“Isa ka palang lalaki! Wika ng poon habang papalapit sa astenca.Napalingon  bigla ang poon ng may humagis ng bato sa Astenca.

“Bakit mo nagawa sa amin ito! Aisha! Di kita mapapatawad kahit kaylan man!Ano bang nagawa naming kasalanan sayo!” Nangagalaiting sinabi ng Malik.

Di umimik ang Astenca at sa halip ay tumulo ang mga luha nito na nakatingin kay malik.

“Tinuring mo ba talaga kaming pamilya Ate Aisha! Bakit kailangan mong magpangap at lukuhin kami para maniwala sayong hindi ka Astenca! Mamatay kana!

Nakatawa lamang ang poon na nakikinig sa  batang si Malik habang umiiyak naman si Aisha at nanghihina na dahil di na makahinga.

Sa kabila ng galit ni Malik sa mga Astenca nanatili pa rin ang halaga ng pagkakaibigan nila ni Aisha kaya naman  kahit na sinabihan nyang mamatay na ito , noong napansin nyang tila pinapatay at dahan dahan ng nawawalan ng hininga ang astenca ay agad agad nyang sinungaban ang poon upang mapalayo sa astenca.

Agad agad nagiba ng anyo ang Astenca at naging Ahas ulit ito. Mabilis na itinakwil ng poon ang katawan ni Malik at itinaas ang kamay kung saan hawak hawak nya ang bula.

“Mamatay ka! Sigaw ng poon sa astenca. Nagtaka sya sapagkat tila nawalan ng bisa ang kapangyarihan ng poon at doun  naalala nya na Enero 13 na pala.

“Ang plutonium na binigay ng aming tribo sayo ay mawawalan ng bisa sa tuwing sasapit ang Enero 13 sa bawat limang taon at alam kong alam mo na yon. Yan din ang dahilan kung bakit kinailangan kung maghintay ng limang taon para umataki.”

Biglang sumagi sa isip ni Malik noung oras 11:52 kung saan napaaga ang kanyang pag atake. “Bakit kailangan mong ilagay sa panganip ang sarili mo kung alam mong sa Enero 13 pa lamang mawawalan ng bisa ang hawak ng poon”. Tanong ni Malik kay Aisha.

“Sapagkat alam ko ang naranasan mo noong panahon na yon at mahalaga sa akin!”wika ng Astenca.

“Ngunit bakit mo pa kailangan gawin ito ate? Maganda na ang pamumuhay natin di ba?”

“Noung panahong dumating si Adepos, Inakala naming sya ang pinadala ng Dyos na Anghel dahil sa kanyang pisikal na kaanyoan. Mabilis kaming nagtiwala sa kanyang mga pagpapangap at noong namatay ang aming pinuno sa tribo  ay binigay nya ang napakaimportanting bagay kay Adepos at yun ay ang Plutonium. Ang plutonium ang naglalaman ng kaalaman sa nakaraan at hinaharap,ito rin ang umubos sa boung lahi namin.  Nalaman nya ang kakayahan namin kaya isa isa nyang pinatay ang lahat ng katribu ko. Napakasakit ng ginawa nya sa amin ng dahil sa pagmamataas nya sa kanyang sarili ay kailangan nya kaming  alisin sa mundong ito. Kaya naman kung ano man ang gagawin ko ay para lamang mapaghiganti ko ang mga katribu ko.”

“Kinailangan kong magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami. Kapag matanda kana mamimili  ka sa mga bagay na kung saan di muna kailanagan ng rason.”wika ng poong adepos.

“Ngunit di parin yan sapat upang kitilin mo sila!” Agad kinuha ni Aisha ang plutonium sa kamay ng poon.

“Wala kang mapapala sa paghihigante Aisha! Bagkus pout at galit lamang ang maghahari sa iyong puso. Di kailan man magagawang tama ang paghihiganti. Patawarin mo nalamang sya!” habang dahan dahang lumapit si Malik upang pigilang kainin si Adepos.

Napatigil naman si Aisha sa mga sinabi ni Malik sa kanya dahilan upang maluha ito at magpalit ng anyo bilang tao.

Huminga ng malalim si Aisha at biglang sinuntok ang poon dahilan upang matumba ito.
“ Yan na lamang ang tangapin mo sa lahat ng ginawa mo”Tumingin ito kay malik at ngumiti.

“Maraming salamat ate!” mangiyak ngiyak na sinabi ni Malik habang napakamot naman ito dahil sa pagkalitokung ate pa ba ang itatawag nya sa astenca.


“Huwag ka munang magpapakampante bata sapagkat may lima pang natitirang Astenca sa taas at di ko alam kong ano ang kanilang kakayanan at galit sa mga tao.

Biglang nagiba ng anyo si Aisha at mabilis itong nawala sa dilim.


Written by: lineart21

Watty Writer's Guild Writing BattleUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum