Battler #4: The Cursed Vampire

76 10 2
                                    

Description: Buhay nga naman. Minsan malungkot, minsan masaya. Parang alon lang sa tubig-dagat. Siguro para sa ibang tao, normal at tipikal ang storyang ito, pero paano kung hindi? Paano kapag ang storyang ito ay malayo sa ordinaryong iniisip ng karamihan? Maraming katanungan ang bumabagabag sa ating isipan at kailangan ng mga kasagutan.

Why?: Ito'y aking naisipang gawin dahil ang buhay ng tao'y kakaiba. Kakaiba sa ibang paraan dahil lahat tayo ay may sari-sariling taglay at kakayahan.

How?: Siyempre, habang tinitipa ang bawat letra ng mga salita rito, sa imahinasyon ko naman ay ginaganap ang mga pangyayaring gusto kong iparating tungkol dito sa storya.

................................................................................................................................................................

"ALEJANDRO! BUMALIK KA!"sigaw ng aking Ina habang hinahabol ang aking Ama.

"Tama na, Xiarah! Ayoko na sa inyo!"sigaw ng aking ama at dinuro kami ni Mama. May mga dalang maleta si Papa at alam kong naglalaman ito ng mga gamit niya.

"M-Mama, a-ano pong nangyayari?"tanong ko habang umiiyak kaya pati rin si Mama ay napaiyak

Wala akong narinig kay Mama kun'di ang kaniyang paghikbi lamang. Agad akong tumakbo kay Papa at kumapit sa kaniyang mga binti.

"Pa! Saan po kayo pupunta?"tanong ko kahit alam ko na kung ano ang gagawin niya.

"Pasensya na..."sabi niya at inalis ang mga braso ko sa pagkakakapit sa kaniya. Kaya naman napatilapon ako at napahiga.

Para akong maamong pusa na gusto nalang umiyak ng umiyak. Tinignan ko ng diretso sa mga mata si Papa at nakita kong puno ng lungkot at pagsisisi ang kaniyang mga mata. Alam kong nasasaktan siya.

Pero bakit kailangan niya pang umalis. Naramdaman kong may umangat sa akin at si Mama pala na buhat-buhat ako. Naglakad palabas si Papa, kumalas ako at umiyak ng umiyak pero malakas si Mama.

"PA! PAPA! PAPA! PAPA! 'WAG MO KAMING IWAN! PAPA!"sigaw ko pero para siyang bingi.

"A-Anak tama na..."mahinang sambit ni Mama sa akin at ramdam ko sa kaniya ang labis na kalungkutan.

"Ma, habulin mo s-si Papa. Pigilan mo siya. Mahal natin ang isa't-isa diba Ma?"tanong ko sa kaniya at umaasang 'Oo' ang kaniyang isasagot para ako'y magkaroon ng lakas ng loob pero...

"Anak, hindi na siya babalik"mahina ang boses ni Mama pero ito'y rinig na rinig ko

Niyakap ako ni Mama ng mahigpit at pinatahan. Masakit...Sobrang sakit, bata pa lang ako pero parang matanda na akong mag-isip. Kailangan kong imulat ang aking mga mata sa katotohanang nangyayari, dahil kapag inosente ka masyado, wala kang alam kung totoo pa ba ang mga nasa paligid mo. Magmula noon, si Mama na ang naging sandalan ko sa buhay pero...isang araw ay tila mas gumuho ang aking mundo.

Nakahanap siya ng iba at wala akong magawa kun'di ang tanggapin ang lahat ng nangyayari sa mundong ito.

..........................

"Ara!", sigaw ng aking ina. Bumalik ako sa ulirat at walang ganang pumasok ako sa aming bahay. Nagmano ako sa kaniya at sa...uurrrh...sa asawa niya.

"Kamusta ang pag-aaral?"tanong ni Mama.

"Ayos lang"mahinang sagot ko. Umupo na kami sa lamesa upang kumain ng panggabi.

"Ah anak, may sasabihin kami ng tito mo"sabi ni Mama.

Kahit nagpakasal na sila, tito ang tawag ko. He's not my father.

"A-Anak, b-buntis ako"she said stuttering.

Watty Writer's Guild Writing BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon