Battler #3: Deceived

36 4 13
                                    

Description: Si Miko ay isang masipag at matiyagang empleyado,dahil sa isang panlilinlang ay magbabago ang takbo ng buhay niya.

Why: Habang nagtatrabaho ako,marami akong napansin sa mga tao. Isa na rito ay iyong hindi mo makikilala ng lubusan ang isang tao kahit pa ilang beses pa kayong nagkakasama o magkausap. Beware tayo sa paligid natin.

How: Nainspired ako sa isang american movie noon. Pasensya na,marami itong flaws. Wala akong time mag edit. Bwahaha. Critique niyo na ng matindi.

----

Inihagis ni Ms. Santos ang mga papel sa harapan ni Miko. Dahilan para mapunta ang atensyon sa kanila ng ilang katrabaho sa opisina.

Sari-saring bulungan ang maririnig sa paligid. Ang iba ay naaawa sa sitwasyon ng mabait na si Miko. Isa kasi ito sa mga matiyaga at masipag na empleyado. Kaya lang ay talagang under siya ni miss Santos,bukod sa masungit ito ay bossy pa.

"Ano ba iyang idea na binigay mo! That's a crap! "
Yumuko na lamang si Miko at hindi na nagsalita pa. Isa iyong insulto para sa mga katulad niya na matiyagang nagtatrabaho at nag-iisip ng bagong konsepto ngunit sa  bandang huli ay hindi pa pala ito sapat.
"Ano? Hindi ka man lang magsosorry?"tanong ni Annie Santos sa binata.

Napaangat siya ng tingin."Ginawa ko po ang best ko. Iyon lang po,"

Ngumiwi ito sa sinagot niya. "You did your best? Wow. Sa tingin mo best na iyang nagawa mo? We are in advertising company, paano mabibili ang produkto mo kung hindi magiging maganda ang ad mo! Wala na lang akong pinagawa sa iyo na nagawa mo nang tama! Puro ka palpak,"

"Mag-iisip na lang ulit ako ng---"

"Dapat lang! Hindi kita tinanggap dito para tumambay lang. I want another concept,ipasa mo tonight."hindi na siya pinatapos pa ng mahadera at ipinipilit ang sarili nitong kagustuhan.

"But ma'am---"

"No buts. Pass it tonight or you're fired!"duro sa kanya nito bago matalim siyang inirapan at nag-walkout.

Ang pag-iisip ng bagong advertise ay hindi singdali ng pagpiprito ng hotdog, kailangan mong pag-isipan, bigyan ng pansin at 'yon talagang matatandaan ng manonood ang produkto mo.  Malaki ang porsyento ng advertising kaya naman kulang ang isang tao at isang gabi para rito.

Naikuyom na lang niya ang kamao habang sinusundan ng tingin si Annie.

"Ang lupit naman ni Ms. Santos sa'yo,"nabigla siya sa pagsulpot ni Megan kaya nabitiwan niya ang kape na galing sa vendo machine.  Napaso ang kamay niya,napamura na lang siya ng palihim.
Iisang company lang sila ni Megan pero sa ibang department ito nakaassign.
Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang kamay niya.
"Hay nako,ewan ko ba. Kung bakit nagtitiyaga ka diyan sa demonyitang iyan. Sa amin ka na lang kasi,"suyo nito sa kanya.
Hindi niya ito gaanong kilala pero ang sabi ng mga katrabaho niya, bukod sa maganda ito ay masiyahin ding tao.
Nginitian niya lang ito saka naghanap ng mauupuan.  Hinila siya nito papunta sa mga katrabaho nila na nakaupo sa table 3. Ayaw niya sanang makisali sa mga ito pero wala na siyang nagawa.

"Alam niyo kung bakit siya natitiyaga diyan?" sabi ni Andrei, ang mapanukso. Napadako naman sila ng tingin rito.  Sa hiya ni Miko ay humigop na lang siya ng kape.

"Kasi crush niya! "pagbulgar nito sa nalalaman.  Napuno naman ang cafeteria ng buyuan.

"Ayie,kaya naman pala."

"Pero 'di ba may boyfriend na siya?"biglang sabi ni Christy.

"Ano naman? Magbibreak din ang mga iyon 'di ba bro?"wika ni Dylan.

Watty Writer's Guild Writing BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon