Battler #4: Huwag mong kalimutan na palaging nasa tabi mo ang panginoon

72 5 2
                                    

Why: Ito  ang naisip ko kasi ang mga kabataan na kasi ngayon ay nakalimutan ng meron pa palang panginoon. Nagpapadala sila sa galit at minsan pa nga ay sinisisi pa nila ang panginoon na wala namang ginagawa. ANg iba naman ay humantong nalang na sila ay magpakamatay, ni hindi nila isinasaisip na meron pang nagmamahal sa knila

How: May nabasa kasi akong libro kaya naman ay iyon nalang ang gagawin ko pero hindi ko naman siya kinopya. Kaunting ideya lang naman. Kaso ang pangit ng ending non kaya naman ay gusto ko na happy ending kaya ito!

***


“Alam kong nagsisinungaling ka! Nagkokodigo ka hindi ba?” nagulat naman siya sa bintang ng kaklase niya

“Pinagpuyatan ko iyan aralin! Hinding hindi ko magagawa iyan!”

“Sinungaling ka! Isusumbong kita kay Ma’am!” mas lalo siyang nagulat. Bakit sila ganiyan?

“Ano ba sabing nag-aaral ako!”

“Talaga lang ha!? Eh bakit ka may ganito sa ilalim ng upuan mo? Ha?” sabay pakita nito sa papel. Nandoon lahat ang mga sagot. Nanlaki naman ang mga mata niya. Ano?!

“A-ano?! H-hindi iyan sa akin!”

“Hindi kami tanga!” sinampal naman siya nito. Parang mababali yung buto niya. Sobrang lakas ng pagkasampal nito!

Hindi pa ito nakuntento at tinulak pa siya nito

Napaiyak na siya. Nagsasabi naman talaga siya ng totoo ah!

“Pabayaan niyo na iyan! Wala tayong makukuha diyan!” nag-iisa na lamang siya sa silid na iyon at tanging ang paghagulgol lamang niya ang sumira sa katahimikan sa lugar na iyon

“Ayaw ko na dito gusto ko ng mamatay!”

Nang mahimasmasan ay nilisan na niya ang luagr na iyon at napagdesisyonang umuwi

Aakyat na sana siya nang bigla siyang tawagin ng ina

“Anak mah-usap muna tayo” sinundan naman niya ito

“Anak may sasabi--teka umiiyak ka ba?” umiling naman siya kaagad at sinabing napuwing lamang siya

Bumuntong hininga ang ginang “Anak, aalis na tayo sa lugar na ito”

Nagulat naman siya

“P-po?”

Umiyak naman ang ina kaya mas lalo siyang nagtaka kaya naman ay niyakap nalang muna niya ito

Ang tanging alam lang nito gawin ay patahanin ito bago pa man niya malaman ang dapat na sasabihin ng ina.

--

“HIwalay na kami ng ama mo anak. Sumama siya sa ibang babae.”

Nanikip naman ang dibdib niys

“Bakit sabay-sabay na dumating ang problema?” bulong nito

“A-ano iyon anak? May sinasabi ka?”

Umiling naman kaagad siya dito “Kailangan ba nating umalis talaga dito?” Malungkot namang tumango ang ina

“Saan po tayo pupunta ina? Saan po ako mag-aaral?” tanong kaagad nito

“Doon tayo sa probinsiya anak. Doon tayo titira sa lola mo. Mas buti pa doon anak, alam kong magugustuhan mo doon” ngumiti naman ito kaya sapilitang ngumiti na lamng siya dito

‘Mabuti na rin siguro iyon, nang sa ganon ay makapgsimula kami ng bagong buhay’

--
Ella’s Pov

“Saan po ang bahay ni lola ma?” tanong ko kaagad
Ngumit naman siya sa akin “Nasa unahan pa nak” naglakad nalang kami tutal ay nalapit na naman daw eh

“Nandito na tayo” sambit ng ina habang nakatingin sa harap

Hindi maiwasang manlaki ang mga mata ko nang makita ito.

“Napakalaking bahay naman nito ma!” tanging naibulalas ko

Hindi na gaanong bago ito, medyo luma na. Bigla namang lumakas ang hangin kaya kinilabutan ako. Hindi ko nalang ito pinansin

“Oh! Nandito na pala kayo!” sigaw ng isang matanda sa amin. Siguro siya na ang lola ko

“Magandang umaga po nay, ito po ang anak ko, si ella”
Tumingin naman sa akin ang matanda, ewan ko ba pero napatagal ang pagtitig niya sa akin pero ngumiti din kaagad. Kaya naman nagmano ako sa kaniya

“Kamukhang kamuka mo siya anak, halika pumasok na kayo dito at para makakain na kayo”

Sumunod nalang kami sa kniya. Busog pa na naman ako eh.

Hindi ko maiwasang mamangha sa loob. May mga picture frame na nakapalibot. Maganda na sana kaso nga lang ay medyo madilim.

“Lola? Pwede ko po bang matanong kung saan ako matutulog? Ilalagay ko lang sana ang mga gamit ko eh”  

“Oh segi apo, halika sumunod kana sa akin”

Huminto kami sa isang kwarto “Ito ang magiging kwarto mo, ito namang sa kabila matutulog ang iyong ina. Habang sa kabila naman ay ako okay?” tumango nalang ako at pumasok saka inilibot ang aking paningin, ang ganda kaso madilim rin huhu katakot naman

“Bumaba ka nalang muna apo, nang sa ganon ay makakain ka.”

Ngumiti nalang ako saka umiling “Busog pa po ako lola, mattulog nalang muna siguro ako. Napagod ako sa biyahe eh”

Tumango nalang siya saka umalis na

Inilibot ko nalang ang paningin ko at umupo sa kama. Nagulat pa ako.

“Ang lambot!” sakat patalon talon na umupo

Nang mapagod ay nagpasya nalang akong matulog. Mamaya nalang siguro ako mag-ayos ng gamit
--

Naalimpungatan ang dalaga ng madaling araw nang mauhaw ito

Agad naman itong bumaba at pumunta sa kusina. Agad itong tumungo sa ref at kumuha ng maiinom

Nang matapos ay babalik na sana ito sa kwarto kaso may narinig ito ng kaluskos sa balkonahe na kung saan ay malapit lang sa kanilang kwarto

Nang dahil sa curios ito ay lumapit siya dito na walang pag-aalinlangan

Wala naman siyang na

Wala naman siyang nakita. Tanging ang buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa oras na iyon

Babalik na sana siya ang kaso lang ay may parang bagay na nahulog. Napalingon naman siya dito

“Sino ang nandiyan?” tanong nito pero walang sumagot

Maya-maya ay nakarinig na ulit siya ng kaluskos. Papalas ito ng papalakas. At sa oras na iyon ay nakaramdam na siya ng takot. Babalik na sana siya at agad na tumalikod kaso pagtalikod nito ay may nakita siyang anino na ikinagulat niya. BUkod sa anino niya ay ay may isa pa itong anino na nakatayo

Hindi naman nalakalugay ang buhok niya kaya kinabahan na siya

Lumakas pa lalo ang hangin

Takot man siya ay kinakailangan niyang harapin ito. Bahala na

Dahan dahan siyang humaraap dito kaso nagulat siya nang wala namang tao

Napabuntong hininga nalamang siya. Baka guni-guni nalamang niya yon.

“Tsk gaga ka talaga ella! Matulog ka na nga!” Babalik na sana siya kaso laking gulat niya ng nasa harapan na niya ang isang babae na nakaputi

Nakatagilid ang mukha nito at sobrang haba pa ang suot nito!

“AaaahhhhhhHh!!!!!!!!!” takot man ay dali dali siyang tumakbo sa kwarto nito at agad na sinarado at tinungo ang kama saka nagtalukbong

Napabalikwas naman ng bangon ang mag-ina saka tinungo ang kwarto ng dalaga

“Ella anak! Anong nangyari?! Okay ka lang?!” agad na nilapitan ito ng ina

Kaso parang na trauma na ang dalaga at pag lapat ng kamay ng ina nito sa kaniya ay mas napasigaw pa siya lalo at nanginig. Ayaw na niya dito!

“Apo! Ano ba ang nangyayari ha?!” alalang tanong din ng lola

Hinayaan nalang muna niya ito pero nang mahimasmasan na ay tinanong niya uli ito

“M-may m-m-multo huhu!” mas lalo naman itong naiyak nang bumalik sa ala-ala ang nangyari kanina lang

“Anak! Guni-guni mo lang iyon! O di kaya ay masamang panaginip!” kuda kaagad ng ina samantalang ang matanda ay tahimik lamang. Tama ang hinala niya.

“Nay totoo po ang nakita ko! N-nasa balkonahe ko po nakita nay! Maniwala ka please!”

Tumingiin naman ang ina ng dalaga sa ina nito. Napailing nalang ang matanda

Tatanungin niya ito bukas “Matulog ka nalang muna apo. Bukas mag-usap tayo” sabi nito kaso ay umiling ang dalaga. Kaya naman ay niyakap nalang siya ng ina.

“Doon ka nalang muna sa kwarto ko ha? Tabi tayo” suhestiyon ng ina kaya naman ay tumango na ito

Kagaya ng sinabi ng ina ay magkatabi nga ang dalawa. Agad naman nagtalukbong ng kumot ang dalaga. Agad ding itong nakatulog nang mahimasmasan na.

Habang ang matanda naman ay napaisip nalang kung bakit may nagpakita rito. Matutulog nalang sana siya kaso ay may nakita siya isang bulto ng parang tao sa bintana niya na nakangisi.

Gulo-gulo ang mahabang buhok nito at sobrang lalim ng mata na nakatagilid pa ang ulo na nakatingin siya kaniya

“Ay jusko!” muntik ng mabawian ng hininga ang matanda sa gulat at nerbyos. Agad naman siyang nag sign of the cross at nanalangin at natulog na din kaagad.

--

KInabukasan

“Okay ka na ba apo?” tanong kaagad nito sa apo

Ngumiti naman ng pilit ang dalaga saka tumango

Bumuntong hininga naman ito “Mag-usap tayo iha”

Kumunot naman ang noo ng dalaga “Tungkol po saan?” takang tanong nito

“Tungkol sa nakita mo kahapon” nagulat naman siya.

Wala ang ina nito. Nasa palengke

“Halika, umupo ka dito” tumahimik na naman ang buong paligid pero kaagad naman ding sinimulan ng matanda

“Apo, nagdadasal ka ba?” tanong kaagad dito

Napayuko naman ang dalaga saka umiling. Hayy kaya naman pala

“HIndi naman siguro masama di ba kung hindi tayo manalangin sa diyos?” tanong nito

“Pasensiya na po. Sa dami kong iniisip nitong mga nakaraang araw ay nakalimutan ko ng magpasalamat sa panginoon” malungkot na sagot nito

“Magsabi ka nga ng totoo sa akin apo…” nagulat naman ang dalaga. Ano ang pinagsasabi nito?

“May tinatago ka ba? May problema ka bang dinadala?”

Mas lalong kumunot ang noo ng dalaga. Ano naman ang connect?

BUmuntong hininga na naman ulit ito saka tumango

Mas lalong nadagdagan ang ideya ng matanda

“Katulad ng--?” hindi na natapos pa ang dapat na sasabihin ng matanda nang dumating na ang ina ng bata

“Oh! Mukhang seryoso iyang pinag-uusapan niyo ah?” tanong kaagad ng ginang

“Wala ito nak, nangangamusta lang ako sa pag-aaral niya doon sa manila” tumango naman ang ginang at agad na tinuon ang pansin sa paglagay ng mga karne at gulay sa ref

Tumayo na ang matanda. Sa susunod nalang siguro

--

Maggagabi na at tapos na silang kumain ng tatlo. Agad namang tinungo ng dalaga ang kwarto ng ina. Bago pumasok ay napatingin na naman siya sa balkonahe. Tataas talaga ang balhibo niya kapag naalala niya ang pangyayaring iyon

Agad na humiga ang dalaga at tumitig sa kisame

“Kumusta na kaya sila?” tanong nito

Hindi niya mapigilang umiyak nang maalala na niyang muli ang bintang sa kaniya ng mga kaklase niya. Plus naaalala pa nniya ang ama niya na iniwan na talaga sila. Gusto na niyang mamatay. Pero pasalamat siya ay nandiyan pa ang ina niya at ang lola niya

Nakatulog na naman ang dalaga. At hindi na naman niya
Nakatulog na naman ang dalaga. At hindi na naman niya naalala ang sinasabi ng lola nito na magdasal muna bago matulog. Hindi din niya alam na meron na palang nagmamasid na nakangisi sa kaniya

1:00 AM

Nagising ang ina ng maramdaman nitong naiihi siya kaya naman ay agad itong lumabas ng kwarto at naiwang nakabukas ang pinto ng kwarto ng kanilang anak

Naalimpungatan din ang anak nang dahil sa likot ng ina nito. Kinusot kusot naman niya ang mata niya. Napatingin naman siya sa katabi niya at napansing wala ang ina nito.

“Ma?” tawag nito at napansin din nitong nakabukas ang pinto

MAtutulog na sana siya ulit kaso nandoon naman ang kaluskos na narinig niya

Muli, ay nagbalik ang ala-ala nito sa kahapon lang. Agad siyang nagtalukbong at nag-iinarteng natutulog at nagbibingibingian

May narinig naman siyang yabag galing sa labas na papalapit sa kwarto nila kaya naman ay naisip niyang baka ina na niya ito kaya naman ay hindi siya nagdadalawang isip na tignan ito at lumabas sa kumot


Ganoon na lamang ang pagkagimbal niya ng hindi ang ina niya ang nakita niya!

Isang babae na nakatuwad na naglalakad patungo sa kaniya! Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya pero nandoon parin ang ngisi nito. Dahan dahan pa itong naglalakad na parang gagamba patungo sa kaniya. Natameme naman siya.

May naglalabasang mga dugo ito sa mata nito. Sobrang lalim ng mata!

Huminto ito sa paglakad at ganon naman ang pagkagimbal niya na umiikot ang ulo nito at rinig na rinig ang buto nito na parang na dislocate!

At pabilis na pabilis na pumunta sa kinaroroonan niya kaya naman ay napasigaw na naman siya!

“AAAHHHHHHHHH!!!!!!! MAMA!!!! LOLA!!!!!”
Sigaw nito at nahimatay. Naglaho naman ang babae nang dumating ang mag-ina

“Anong nangyari dito?!” sigaw ng ina at tinungo ang kinaroroonan ng anak!

Napansin naman ng matanda ang bakas ng dugo sa sahig. Na naman!?

Lumingon siya sa balkonahe at nakita niya ang babae pero hindi siya natinag at tinignan niya ito ng masama kaya naman ay naglaho ito!


--

Nagising si ella tanghaling tapat

Napansin naman iyon ng lola niya na nakaupo sa gilid niya kaya agad nitong hinawakan ang kamay ng dalaga na ikinagulat niya.

“Mag-usap tayo ng seryoso apo” seryosong sabi ng matanda

Napakagat naman siya ng labi niya

“Hindi mo ginawa hindi ba?” pagtatama nito. Nang malaman nito ang ibig sabihin nito ay tumango ito at umiyak niya.

Bakit niya iyon nakalimutan!? Ni ang panginoon nga ay hindi siya kinalimutan!

Napailing ang matanda “Apo, kung meron kamang problema. Huwag kang matakot na humingi ng tulong sa amin. Pati na sa diyos apo.” mas lalo siyang napaiyak

“Alam kung meron kang problema. Siguro sinasarili mo lang ito. Apo, ito ang tandaan mo, huwag mong damdamin ang problema na maaaring humantong na gusto mo ng magpakamatay!” Umiyak na siya ng umiyak! Pawang mga katotohanan ang mga pinagsasabi ng lola niya

“Lola, bakit ako bang meron? Ano ba ang gagawin ko?”

Bumuntong hininga ang matanda

“Apo, parang sinasabi mo na rin kasi na wala kang tiwala sa panginoon. Ito ang dahilan na madalas mong makita ang kauri ng diyablo o demonyo!"

Nagulat naman siya

“Sagutin mo nga ako. Naranasan mo na bang gustong magpakamatay?” umiiyak siyang tumango

Noong mga nakaraang buwan ay gusto niyang maglaslas o di kaya ay pupunta sa rooftop at gustong tumalon

“Sabi na nga ba… KUng ipagpatuloy mo iyan apo…Hindi ka lulubayan na demonyo.” hinawakan niya ito sa magkabilang kamay. “Nandito lang kami apo, may panginoon. Huwag kang matakot…huwag kang magpapadala sa kaniya. Ang panghihina mo ng kalooban ay maaaring maghihikayat sa kaniya na angkininang buong pagkatao mo” seryosong sagot ng matanda
“L-lola…gusto ko po sanang pumunta sa simbahan. Gusto kong magdasal at magkumpisal. Kung pwede lang po sana.” napangiti naman ang matanda saka tumango

Para namang pinagsakluban ng langit at lupa ang demonyo

“Hindi pwede!!!” sigaw nito nang makita ang dalawa papasok sa simbahan. Nararamdaman naman ng demonyo ang pananakit sa katawan at ang paglaho nito

Tapos na lahat..

Kaya kayo…huwag kayong mahiyang manghingi ng tumulong sa panginoon. Sabi nga ng iba, pagsubok lang ang lahat. May solusyon din lahat. At huwag niyo ding sarilinin ang problemang dala-dala ninyo. Hindi mo alam, iyan ang makakapagmulat ng kalooban ng demonyo….

Written by: MsSoo_So

Watty Writer's Guild Writing Battleحيث تعيش القصص. اكتشف الآن