Fantasy Battler #2: Her Feelings

56 10 9
                                    

Description: A story about an abused feelings of a woman.

Why: Well, nung pinagalitan ako ng magulang ko, naisip ko na ang plot na 'to. Char!

How: Pinagtitipa ko lang naman ang mga words na lumilitaw sa aking utak. Hanggang natapos ko na. Sabog pa rin ako nung ginawa ko 'to kasi naman yung theme, not cliche! Tapos dapat hindi literal ang mga elements! Mababaw pa naman akong mag-isip. Hindi ko nga alam kung nalagay ko ba ang mga dapat ilagay sa entry ko eh. ಥ_ಥ

---

"Leoran!" Naputol ang pagbabasa ni Leoran sa kanyang libro tungkol sa mga evil wizards at tumingin kay Optomus, isang robot na talaga namang napalapit sa kanya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinanggal muna ang kanyang salamin bago tumingin sa kanya.

"Bakit Optomus? May kailangan ka ba?" Tanong nito at bahagyang ngumiti sa kanyang kaharap. Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla siyang hinawakan sa bewang nito at pinatalikod, bago siya yakapin nito sa likod gamit ang isa nitong braso. Lumunok muna siya bago magsalita.

"Optomus, anong ginagawa mo?" Nauutal na saad niya, bakas ang pagkabigla nito dahil sa ginawang aksyon ng kanyang kasama.

Muli na naman siyang napalunok nang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Ngunit ang mas ikinagulat niya nang makaramdam siya ng malamig at matalim na bagay sa kanyang leeg.

"Isa kang napaka-makapangyarihang tao. Ang iyong kapangyarihan ay talagang nakakabighani. At para makuha ko ang kapangyarihang ito sa'yo, Kailangan ko ang buhay mo, at kukuhanin ko na ito sa'yo ngayon din." Agad napatingin si Leoran kay Optomus at nanlaki na lamang ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.

Mula sa isang robot na merong pulang mukha na may disenyong puti at asul na katawan, ay naging kulay itim ito na mayroong berde at puting disenyo. Tumingin si Leoran sa kanyang mga mata at muli na naman siyang napalunok nang makita niya ang mukha nito na nakangisi.

Napakagat siya ng ibabang labi nang biglang dumiin ang patalim sa kanyang leeg. Nag-umpisa nang sumirit ang dugo dito at pinipigilan niya ang kanyang sarili na sumigaw sa sakit.

Nanlaki ang kanyang mata sa sunod na nangyari, bigla na namang dumiin ang patalim sa kanyang leeg. Kasunod no'n at pagkaramdam niya ng napakahapding sakit at pagdilim ng kanyang paningin. Bigla siyang nakaramdam na siya'y nahuhulog at unting-unti nawawalan ng hininga.

"Ah!" Napabangon si Leoran sa kanyang kama na nanlalaki ang mata at nanginginig ang katawan sa takot. Tumingin siya sa paligid at napagtanto niya na nasa loob siya ng kanyang kwarto. Hinawakan niya ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan at pinakinaramdaman ang sarili kung mayroon bang masakit sa kanya, ngunit wala. Hinanap din ng kanyang paningin si Optomus ngunit wala naman din ito, ni hindi niya nga maramdaman ang presensya nito sa kanya. Napayuko na lamang siya at napabuntong-hininga.

"Nanaginip na naman ako." Sambit niya sa kanyang sarili at bumangon na sa kanyang kama. Pumunta na siya sa pinto ng kanyang kwarto nang makaalis na siya do'n. Ngunit sa pagbukas niya ng pinto, napahawak siya ng kanyang dibdib nang may biglang nagpakita sa kanyang lalaking nakasuot ng isang berdeng suit na merong disenyo na silver, may kidlat din ito sa kanyang damit.

"Arino! Umagang-umaga nanggugulat ka! 'Wag mo nga akong gulatin ng ganyan!" Sigaw nito sa kanyang kapatid habang nakahawak sa kanyang dibdib. Ngunit agad naman siyang sumeryoso nang makita niya na nababahala ang mukha ng kanyang kaharap.

Ang kanyang kapatid na si Arino ay mayroong kapangyarihang tumakbo o umatake ng kasing-bilis ng kidlat. Hinding-hindi mo mapapantayan ang kabilisan nito. Samantalang si Leoran naman ay mayroong kapangyarihang walang hanggan. Kaya niyang gawin ang kahit na ano, kahit na akong gusto niya.

Watty Writer's Guild Writing BattleWhere stories live. Discover now