Final Battler #6: Hot n' Cold

46 3 0
                                    

Description: "Walang sino man ang may gusto sa sitwasyon ko ngayon. Kahit sino pa man, ikaw, ako, o sila. Wala ni isa"

Why: This is my first time to write a story na may pag ka fantsy or whatsoever. Tapos, are you watching Wansapanatym ba? Doon ko nakuha yung ibang idea doon. But I try to make it different pa rin naman.

How: Actually, this story is dedicated to my brother who fell in love with his batchmate. Hahaha siya ang nag bigay sa'kin ng idea na 'to and since tinulungan niya ako, I use his name for the male character. Yung girl? Hahaha secret.

———

"Nandito na po tayo, Sir" Bumaba ako sa kotse namin, isa itong limousine. Ini-specialize lamang ito para sa akin dahil allergic ako sa tao. Hindi naman sa allergic na as in pero sa tuwing nakakakita ako ng tao, bigla na lang akong nagagalit.

Noong ten years old ako, bigla na lang akong naging ganito. Kaya mula noon, hindi na ako nakakita pa ng tao. Kahit ang mga magulang ko, hindi ko rin sila na kikita, ngunit naririnig ko lang sila. May sarili din akong telebisyon na ang mga palabas lamang ay puro cartoons. Kaya kahit doon, hindi ako nakakakita ng totoong tao.

Oo nga pala, ang paborito kong cartoon character ay si Ben 10, hindi si Ben kundi yung mga alien. Share ko lang.

Sinuot ko ang aking I.D. at nakalagay doon ang pangalan ng poging 'di pa nakikita ng buong mundo, Dennis Hwang.

Papasok na ako sa hallway na ini-speciallize lang din para sa akin, pinagawa ito ni Papa dahil kami naman ang may ari ng paaralang ito. Ako lang ang pwedeng pumasok dito, wala nang iba.

Halos wala akong makitang liwanag galing sa labas at ang nag bibigay liwanag lamang ay ang mga lamparang naka sabit sa dingding.

Binuksan ko ang kulay puting pintuan, ito ang pintuang patungo sa classroom ko—Ah oo nga pala, ang classroom ko ay meron ding estudyante, ngunit hindi ko sila nakikita dahil sa loob ng classroom na ito, meron pang isang kwarto na para lang sa akin. Walang sinuman ang pwedeng pumasok dito.

Lahat ng kailangan ko, nandito na sa room na ito. Kaya hindi ko na kailangang lumabas.

Baka hindi niyo naintindihan, ang hallway na pinasukan ko kanina, yun ay patungo sa sinasabi kong room na ako lang ang pwedeng pumasok.

Narinig ko galing sa speaker dito sa loob ng room ko ang malakas na tunog ng bell, hudyat na mag sisimula na ng klase.

Palagi kong naririnig na nag hehead count ang mga kaklase ko, kabisado ko na nga ang bilang nila.

Palaging 48 ang naririnig kong bilang nila, ngunit laking gulat ko noong narinig kong may nagsabi ng 49 bilang panghuling numero sa head count.

"Students, meet Ms. Park. Your new classmate" Naiirita na nga ako sa mga tao, tapos may dumagdag pa. Anak ng tipaklong!

"Hi, everyone. I'm Djoanna Park. I hope we can be all friends" Narinig ko ang malakas na hiyawan at sipol ng mga lalaki kong classmates.

Ang mala anghel na boses iyon, ay napaka pamilyar sa aking tenga...

Djoanna?

Flashback

Nakita ko sa camping ang anak ng ninong ko na kasing edad ko lang din. Siya si Djoanna. Naging close kami dahil malapit na mag kaibigan ang mga magulang namin.

Habang busy sila mom at dad, pati sila ninong at tita na nag aayos para sa aming bonfire at hapunan na rin namin. Naisipan namin ni Djoanna na mag laro muna ng habulan.

Hanggang sa hindi namin namalayan na nawawala na pala kami at hindi lang 'yon! Gutom na gutom na rin kami!

Habang hinahanap namin ang daan pabalik, may nakita kaming isang puno ng saging na mayroong iisang bunga. Nakakapag taka na iisa lang ang bunga nito pero gutom na kami kaya wala kaming pinalagpas na oras para kunin iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Watty Writer's Guild Writing BattleWhere stories live. Discover now