Battler #7: Hindi ko pala kaya

58 10 0
                                    

Description: Sa bawat pagkakataon na nakikita ni Dakota na may kasamang ibang babae ang nag-iisang lalaking minahal niya, sakit at pagsisisi ang lagi niyang nararamdaman. Ito na ata ang revenge ng lalaki sa kanya. Ang masaktan siya ng sobra pa sa inaakala niya. 

Why: Hindi ko alam kung bakit ko ito naisulat. Malungkot kasi siguro ako ngayon kaya malungkot din ang naisulat ko. 

How: Tatlo ang naisip kong konsepto, iba't ibang genre pero medyo cliche 'yong dalawa kaya hindi ko na ipinagpatuloy. Natagalan ako sa pagsulat nito kasi hindi ko mailagay ang tamang words sa mga eksena kaya rin medyo maikli. At least nakalampas sa minimum words haha.  

~*~

"So, eto na siguro ang revenge ni Alfred sa'yo? Sa pag-iwan mo sa kanya? Hmm?"Nakapangalumbaba si Karina habang tinititigan akong halos basagin na ang kopita sa higpit nang hawak.

Lumagok ako roon upang maibsan ang sakit na nadarama dahil sa nakita kanina lang. "Revenge? Bakit siya naghihigante? Sinabi ko naman na sa kanya noon pa na ayaw ko pang magpakasal. Ayaw kong matali agad."

Bumuntong-hininga siya at pinigilan akong magsalin muli. Ubos na kasi ang alak kaya gusto ko pang maglagay sana ulit.

"Tama na, Dakota. Walang magagawa kung maglalasing ka lang dito. Uwi na tayo." Tumayo na siya at hinila ako palabas. Tumango na lang ako dahil nahihilo na nga ako.

Mabuti na lang at may kaibigan akong laging nariyan kapag may problema ako. Akala ko, kaya ko nang harapin si Alfred kapag nagkita kami. Hindi pa pala. Hindi ko pa pala kaya.

"Kadarating mo lang noong isang linggo galing sa Italy tapos ganito ang mangyayari? Iyak ka nang iyak diyan, hindi ka pa pala nakakamove-on sa lalaking iyon." Patuloy niya akong pinagsasabihan habang naglalakad kami patungo sa parking lot.

"Hindi ko kasi matanggap na ganoon. Pinagpalit niya kaagad ako sa iba gayong magtatatlong buwan pa lang noong umalis ako." Binuksan ko ang front seat at pumasok na sa loob ng sasakyan. Dumiretso naman si Karina sa driver seat.

"Magpahinga ka na lang muna. Huwag kang masyadong stress! Ganda mo pa naman!" Nagtawanan kami.

Hinatid niya ako sa tinutuluyan kong condo. Alas dose na nang gabi noong nakarating kami roon. Nagpaalam na rin siyang uuwi na kaya naglakad na ako patungo sa loob ng hotel. Nasa ikalimang palapag ang akin kaya sumakay pa ako sa elevator. Pagtigil niyon ay lumabas akong hawak na ang noo, marami-rami rin ang nainom ko kaya siguro medyo nahihilo na ako ngayon.

Tumigil ako sa harap ng aking silid. Kinuha ko ang susi sa pouch at bubuksan ko na sana ang pinto ngunit nakarinig ako ng ungol sa katabing silid. Mahina lang iyon pero rinig ko pa rin dahil tahimik ang lugar. Hindi ko sana papansinin dahil gusto ko nang ipahinga ang sarili pero natigilan ako sa narinig na boses. Para kasing pamilyar kaya naging interesado akong lumapit pa upang makita kung sino iyon. Bukas ang pinto at naroon na ako sa bukana. Rinig ko pa rin ang ungol kaya pinalawak ko ang pagbukas upang makita pa ang nasa loob.

Ganoon na lang ang gulat ko nang makita kung ano ang nangyayari. Nakita ko kung paano ni Alfred gustong angkinin ang makinis na babae. Para siyang gutom, mabilis na hinahawi ang suot nito. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang hita ng babae at nilagay iyon sa kanyang baywang. Binuhat niya ito at sinandal sa dingding. Sobrang sakit pagmasdan kung paano niya ito siniil ng halik. Para akong nanunuod ng Fifty Shades, live. At hindi ko madescribe kung ano ang ginagawa nilang dalawa.

Doon ko napagtanto, dapat pala hindi na ako bumalik ng Pilipinas. Dapat hindi na ako bumalik dito, hindi na ako nagsayang ng oras para sa kanya. Sobrang sakit pala. Handa na ako eh. Handa na akong magpakasal pero ang makitang wala na itong silbi, masakit sa pakiramdam.

Kung talagang mahal niya ako, maghihintay siya hanggang sa huli. Hanggang sa ready na ako. Ako ang nararapat na maghiganti at hindi siya kaya sa oras na ito ay labis akong naapektuhan.Ang akala ko'y siya ang lalapit, sasabihing bumalik na ako pero hindi nangyari.

Totoo pala na ang pagsisisi ay laging nasa huli. Na sa'yo na lang kung tatanggapin mo ba ito o pipiliting may pag-asa pang bumago. Ngayon, ang desisyon ko ay pinal na. Babalik ako sa Italy dahil hindi ko pala kayang makita siyang nasa kamay na nang iba. 

Written by: gutinstinct

Watty Writer's Guild Writing BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon