Chapter 4

6.4K 182 0
                                    

This is the updated version of Chapter 4. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 21, 2021


Samantha's POV


"Check it." Diretsong sabi ko kay Bea na nag-aalangan pang lumapit doon para buksan ang pintuan.


"Y-you?" Hindi makapaniwalang tanong niya kaya nagkatinginan kami nila Ally bago tingnan kung sino ang nandoon only for us to see, the owner and his friends.


Tinaasan pa niya kami ng kilay nang mapansin na magkakasama kami dito sa loob ng restroom pero hindi ko na 'yun pinansin pa at nanatili na lamang sa likuran habang pinagmamasdan ang apat na tao sa harapan ko.


"Hi, baby!" Sabi nung Tristan kay Andrea na ikinalingon ko. Kita ko pa ang pag-iwas ng tingin ni Andrea. Kanina lang namin sila pinag-uusapan pero nandito na sila ngayon sa harapan namin.


"Baby mo mukha mo." Masungit na sabi ni Andrea na ikinamaang ni Tristan. Gusto kong matawa pero hindi ko na ginawa dahil mukhang hindi maganda ang sadya ng mga taong nasa harapan namin ngayon.


"Anong ginagawa ng mga prinsipe na ang ginawa lang naman kanina ay tumunganga?" Sarkastikong tanong ni Bea kaya sa kaniya ako napatingin. Napansin ko 'rin ang bagay na 'yun nung uminom ako ng iced tea kanina. Nung nachos kasi ang kinakain ko, pinapakiramdaman ko sila Bea pero nung iced tea, 'yung paligid ko ang pinapakiramdaman ko at wala namang ginawa 'yung mga estudyante kundi ang matuwa. Sinadya ko 'ring basagin 'yung baso kanina para malaman nila na ganon ang gagawin ko sa mga cellphone nila kung hindi nila ititigil ang pagkuha ng video. Nakakatuwa naman at may nakakuha ng kilos ko na 'yun dahil tumigil talaga 'yung mga eastudyante sa pagkuha ng video.


"You broke the rules, ladies." Seryosong sabi ni Cris na ikinataas ng kilay ko. Rules, huh? I didn't expect that they have rules here. I guess doing something while the students are fighting is not included in their rules. And also turning your back at your teacher without saying anything is not included in their fucking rules. Nakakatuwa naman pala ang rules sa paaralan na 'to. Bukod sa bully, nakakairita pa ang rules.


"Wow, ha!" Hindi makapaniwalang tanong ni Bea. "Nung kaninang nasa cafeteria tayo, wala kayong ginawa. Ni hindi niyo sinaway 'yung mga estudyante kahit nagkakagulo na. And now, you're here in front of us saying that we broke the rules? Gago ba kayo?"


"You haven't read the rules and regulations here in our school?" Biglang sabat nung Jake na ikinakunot ng noo ni Bea. "Seems like the answer is, no."


"Nagbasa kami. Actually, hindi ko nga inakala na kasali sa rules ng university na 'to ang makialam sa rights ng mga students. Minding someone's business is okay here. That's great, huh? I'm amaze." Bahagya pang pumalakpak si Ally at tumingin kay Bea na ngayon ay natatawa din. "Let's not waste our time here."


"Parang nastress din ako. Akala ko acads ang magpapastress sa akin, tao pala." Ngumisi pa si Bea bago isinuot ang sungglasses niya.


"Wait nga. Kumalma kayong lahat. I'll explain properly." The other guy said. He is Samuel. Medyo natandaan ko siya dahil siya ang may pinakamabait na mukha sa kanilang apat. Cristoffe looks dangerous. Jake looks serious and Tristan looks cute, I guess. "Ganito kasi 'yun, if you do any wrongful act here in University you will receive a punishment. Angelie and her friends, they received their punishment. They are suspended for a while."


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now