Chapter 25

5.6K 139 0
                                    

This is the updated version of Chapter 25. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 30, 2021


Bea's POV


Lahat kami napatingin kay Samantha na wala pang suot-suot na mask! Wala siyang suot na mask nang ipakilala niya ang sarili niyang siya si Queen Katana. Isa lang ang ibig sabihin nun, papatayin niya ang mga taong 'to.


Napansin ko pa ang medyo pagtangkad niya. Nagpagupit din siya ng buhok at medyo pinakulayan 'yun. Natural lang ang itsura niya ngayon pero ang ganda-ganda niya tingnan!


Bumalik na nga siya! Bumalik na si Samantha!


"A-ate Sam." Emosyonal na sabi ni Andrea kaya napalingon sa kaniya si Samantha na nagbaba pa ng tingin sa sugat na natamo ni Andrea sa bandang braso bago tumingin sa lalaking nasa harapan namin na bahagya pang umatras nang mapatingin sa kaniya si Samantha.


She's still dangerous. Titingnan mo palang siya, ramdam mo ng nakakatakot talaga siya.


"Who the hell are you to hurt my friends, huh? Who the hell are you?" Madiin na sabi niya at dumiretso doon nang hindi man lang ata natatakot. Bigla akong napatanong sa sarili ko, nagtatraining pa 'rin ba siya hanggang ngayon? "Who are you?"


Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Cris na nakatingin lang ng diretso kay Sam. Pinapanood lang din si Samantha. Kahit sila Jake ay nagpapabalik balik ang tingin kay Sam at kay Cris.


"Sa tingin mo ba matatalo mo ang grupo ko Queen Katana?" Tanong niya na ikinangisi ni Samantha.


"Sa paraan ng pagkakasabi mo niyan, mukhang kahit ikaw alam din ang sagot diyan. Matatalo ko ba kayo?"


Kita ko ang pagsama ng tingin ng lalaking ito. "Hindi porket ikaw ang Queen nila ay matatakot na ako sa'yo. Wala ka 'ring ibinatbat sa laha——"


"Ano?" Taas-kilay na tanong ni Samantha nang mapatigil sa pagsasalita 'yung lalaki nang umupo si Samantha doon sa upuan niya. Gusto kong mamangha pero mas naging emosyonal lang ako doon sa paraan ng pagtingin niya at paghaplos sa upuan niya. "Ipagpatuloy mo ang sinasabi mo. Nakikinig ako."


"A-anong ginagawa mo?" Kinakabahan na tanong niya nang ilabas pa ni Samantha ang kunai niya at itusok 'yun doon sa upuan niya. Gusto kong matawa. Gawain ni Samantha 'yan. Pfft.


Napabuntong-hininga naman si Samantha at tumingin ng diretso sa taong 'to. "Bakit hindi nalang natin tapusin 'to? Labanan mo ako para malaman nating dalawa kung sino talaga ang dapat sa posisyon na 'to. Hindi ba't maganda 'yun? Para naman maintindihan mong hinding-hindi ka papantay sa lakas na meron ako at matigil ka na diyan sa kahibangan mo." Natawa kaming lahat sa sinabing 'yun ni Samantha.


"Sugurin niyo siya! Kailangan mapatay niyo 'yan! Wag kayong matakot!" Sigaw niya na lalong ikinatawa ko. Anong wag matakot? Pfft. Eh, sa itsura ng mga kasama niya parang isang kilos ni Samantha ay mag-aalisan na ang mga 'yun.


Pinanood lang namin si Samantha na sunod sunod na nilabanan ang mga taong sumugod sa kaniya. Hindi pa 'rin naman siya nagbabago. Sa katunayan ay mas bumilis pa ang kilos niya. Mas gumaling pa siya kaya hindi ko maiwasang hindi mamangha. Hindi lang ata ako kundi lahat kami dito ay namangha sa kilos niya. Indeed, she's our queen.


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now